Paano nga ba makakatipid? Kung ikaw ay oorder sa mga online stores or apps dapat meron kang vouchers. May voucher na para sa free shipping fee. Hindi ibigsabihin na free shipping fee yung voucher ay wala ka ng babayaran. Depende kasi yun sa nakaCap na discount (madalas to kay shopee). Merong libre na talaga shipping fee (mas maganda free shipping ni Lazada) kahit gaano pa kalaki. Dapat may vouchers ka for discounts or Cashback. Madalas may minimum amount na dapat mareach para maavail mo ang discount or Cashback vouchers (mas bet ko shopee sa ganitong voucher). Dapat makahanap ka din ng sale. Nakasale na, may discount at free shipping pa. Tipid talaga yan. Pero mas maganda kung hindi ka papatukso sa mga sale. Mas nakatipid ka pag hindi ka bili ng bili. Kasi pag bumili ka ng hindi naman kailangan ang tawag dun ay NAPAGASTOS KA. Pag hindi ka bumili NAKATIPID KA. Ang tanong ngayon, sino ang napagastos at sino ba ang nakatipid sa inyo ngayong 8:8? Napagastos ako. 😅😔
No comments yet