Good morning 🌄🌻 Kagising lang. Tinawagan ko si Partner kasi wala pa syang text na naka-out na sya. Naglalakad na pala sya papunta sa kanila. Nagbigay na daw 1k kagabi yung umuupa at ngayong umaga yung 1,500.00 tapos sa August 11 yung 1k ulit. Php 2500.00 per month lang talaga pero kulang kulang sila magbigay eh. Ganyan pag kakilala ang nagrerenta. Samantalang dito sa inuupahan namin buo ang bayad namin. Renta, tubig at kuryente na halos 4k ang total. Yung makukuha ni Partner ang panggastos muna namin hanggang sahod ni Partner. Nagastos na din yung nasa Gcash ko kasi wala na kami pang-ulam kagabi. Buti din may mga bagong baryables na nakatabi. Yun pinang-allowance ni Partner. Hehe Fighting 💪
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet