"Life is Unfair" Sabi nga nila life is unfair. Alam ko naman yun. Simula pagkabata nararamdaman ko na yan. Sa pamilya. Sa eskwela. Sa kaibigan. Sa trabaho. Kaya dapat magsumikap tayong umangat sa buhay. Pero kung alam mong mali wag mo ng gayahin. Umangat tayo at iaangat natin ang iba. Sa trabaho ko ngayon, hindi ko alam kung tama pa ba ako o mali na. Basta ang alam ko gagawin ko sayo ang ginagawa mo sakin. Kung mabait ka sa akin mabait din ako sayo. Kung salbahe ka sakin, salbahe din ako sayo. Para hindi life is unfair. Patas lang. Ngayong araw nagkasagutan kami ng manager ko. Yung tipo kasi na ginagawa mo na yung utos o gusto nya pinipressure ka pa din. Yung may sinasabi sya pero alam nyo naman pareho na imposible Sabi nya nga, tama na sana kaso may kulang. Sa dami ng nagagawa nating tama, isang mali lang natin limot na lahat yun. Ang maaalala na lahat ng mali natin. One of my sentiments when I was still working. It's sleeping in my drafts so let me post this here and leave a comment of what do you think about how I feel that time. 😁
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet