Salamat sa pag papatahan Pa. Sabi mo nga "Napatawad ko na kayo". Feeling ko talaga niyakap o hinaplos mo ako kagabi. Gumaan kasi pakiramdam ko pagkatapos kong umiyak ng sobra. Para bang sinasabi mong "Tahan na Bem. Andito lang si Papa. Hindi ako galit. Naiintindihan ko". Kasi ganun naman lagi. Ngayon magagalit o sasama loob mo mamaya tatry mo ulit kami kausapin kahit madalas kami may kasalanan. 😭💔 Salamat Pa. Nahimbing tulog ko sa higaan mo. Hindi kasi ako makatulog. Lagi kang andyan nakasuporta sa amin. Wala na akong pagtitripan Pa. Hindi ka na din makakaganti sa akin. 😭💔 Sabi mo tayo lang magkasundo pero sa huli ako pa din yung nambalewala sayo. 😭💔 I miss you Pa. 😘😘😘💔😭🕊️ Tulungan mo kami lalo na si Mama. Palakasin mo loob namin Pa. Kailangan ka namin Pa. 😭💔🕊️ Miss na miss na kita Pa. 😭💔🕊️🥺
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet