Patulog na sana ako kanina pero ang kukulit ng pamangkin ko. Takot na takot sa Jessica Soho pero excited din naman sila manood. Sa episode ng Jessica Soho, may isang bahay na halos masira na dahil pinagbabato ng mga bato. Mga apo pala nila ang may gawa. 💔 Isa na siguro sa dahilan yung iniwan sila ng magulang nila sa lola kaya sila nagkaganun. Pwede ding nasaktan or napagalitan sila. Lesson: Wag mag-aanak kung iiwan lang naman sa lolo at lola. Iba pa rin talaga kasi kapag lumaki ang mga bata ng buo ang pamilya. Naalala ko na naman ang nasirang pamilya ng kuya ko. Masyadong maraming dahilan bakit sya nakipaghiwalay sa asawa nya. Nakakalungkot lang na nahihirapan ang mga bata kapag naghihiwalay ang kanilang magulang. 🤧💔🥺😔
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet