"Kasalanan bang magmahal?" Karamihan sa mga nagmahal ng hindi naman dapat yan tanong kapag kinausap mo sila. Kasalanan ba ang magmahal? Ang sagot ko ay hindi. Hindi maling magmahal. Kasi lahat tayo ay nagmamahal. Lahat tayo makakaramdam nyan kahit hindi natin gustohin. Nagiging mali ang pagmamahal kapag alam mo ng may nagmamay-ari na sa kanya umeksena ka pa. Alam mong may pamilya na sya, inakit o pinatulan mo pa. Sasabihin, sya ang unang lumapit hindi naman ako. Eh di sana umiwas ka. Umiwas naman ako pero makulit sya. Sana mas umiwas ka at pinakita mong hindi mo sya gusto. Yung iba naman, inakit nya ako eh. Tao lang. Oo, tao lang nagkakamali pero naniniwala akong pag ayaw mo hindi ka mapipilit. Kahit anong gawin nya hindi mo papatulan kasi mahal mo yung partner mo. Nagmahal lang ako! Mga madalas linyahan ng mga nahuli. Nagmahal ka nga sa maling tao naman. Minsan dapat iniisip din mangyayari tuwing maninira ng relasyon o pamilya. Bago maghanap ng iba, isipin mo muna. Paano yung anak mo? Anong mararamdaman nila sa oras na masira pamilya nyo? Itatanong pa nyan, paano naman ako? Paano yung nararamdaman ko na ayoko na? Sana bago ka bumuo ng sarili mong pamilya inisip mo muna yan. Sya na ba talaga? Handa na ba akong ibigay ang lahat sa kanya? Hindi yung kung kailan nakabuo ka na ng sarili mong pamilya tsaka mo pa naisip na hindi ka pa pala handa. Nakakatawa na lang ngayon, kasi parang normal na lang na magloko. Parang ang dali na lang umayaw at tumakbo. Hindi man lang naiisip, paano na yung maiiwan? May kasalanan o pagkukulang man sya hindi nya deserve masaktan. Nagmahal lang kasi sya ng taong akala nya kaya syang ipaglaban at mamahalin sya habang buhay.
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet