Reminiscing with my younger sister. Napag-usapan lang yung mga panahon na need ipaconfine si papa sa Ospital. Na ngayon pa ba kami magdadamot kay Papa? Ang hirap nung naospital sya. Ang daming luha yung nailabas namin kasi nag-aalala kami. Kasi madaming pagsisisi na hindi man lang agad namin napansin yung pagbabago ng dati nyang malusog na katawan na unti unting nawala. Lahat nakafocus sa pagtatrabaho at kumita ng pera. Kaya ngayon sa tuwing may kailangan sya kung kaya namang ibigay, ibibigay na lang. Mahirap pag puno ng pagsisisi na dapat binigay ko sa kanya to noon nung andito pa sya. Ayoko ng maulit yun kaya todo ingat na kay papa. Ayun napabili na ako ng ensure nya. Kasi naisip ko dati hindi naman sya nanghihingi nun pero ibinigay ko at sabi nya lumakas sya. Ngayon ko pa ba ipagdadamot sa kanya yung lakas na yun? Kaya sana umayos na yung trato ng bunso naming kapatid sa kanya. Kasi hindi nakakatulong yung binibigay nyang stress kay papa. Sya na lang yung ganyan kay papa kasi halos lahat kami binibigay yung gusto ni papa. Natatakot na maulit pa yung dati. Sana maisip ni bunso yun. 😔🙏
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet