Pag may asawa na ang tao, bawal ka na makipagtawanan/ngitian. Minsan nakita ako ng mama ko na nakipagngitian sa kapitbahay. Nasa tapat sya ng bahay nila at nasa may pinto din namin ako. Parang nag-invite or may tinanong lang sya. Ni hindi ko alam pangalan nya pero pinagalitan ako ni mama. 😅 Ang sabi ni Mama, "May asawa yan pumasok ka na. Nakikipagngitian ka pa dyan.". Kaya kanina kinausap ako ng asawa ng kapitbahay nina ate medyo ilag ako. Kung pwede lang wag kausapin. 😅 Kaya pag may lalaki, iwas ako maliban na lang pag tropa. Paraan na din yan para makaiwas o makalayo ka sa tukso. Sadya man o hindi. Lalo na sa mundo ngayon, uso na kabit. Dapat pag nagpaparamdam palang ang isang taong may Asawa/kasintahan umiwas ka na agad. Ganun din pag ikaw ay taken na. Matutong humindi at umiwas sa tukso para hindi nakakasira ng relasyon o kaya ay pamilya.
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet