Pumasok ako kagabi kahit not feeling well na naman. Okay naman nung una pero wala talaga. 3hrs lang ata ako nakapagwork tapos nagrequest na ako ng undertime. Hindi ko kinaya. Iba na naman panlasa ko tapos panay suka suka ulit at masakit ang ulo. Sakto dumaan muna ako ng cr sa work bago umalis ayun naihabol pa ang dapat ilabas. Nakakahiya man sa kasabay sa banyo kasi makikita nila pero no choice ako. Try ko daw pa2nd opinion about sa pagsusuka ko. Baka daw hindi hiyang sa vitamins or if need ko magleave muna. Naisip ko hindi ako pwede magleave muna. Face to face na tong pinapa-aral ko next week. Nanghihingi na ng mas malaking baon. Wala daw syang maipon. Sabi ko tsaka ka mag-ipon pag may trabaho ka na. Ako nga walang maipon para kay Baby. Pero hindi nya kasalanan at responsibilidad ki talaga pag-aaral nya. Hayss
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet