Good morning 🌻🌄 Nagising kami sa malakas na tunog. May nahulog mula sa aming bubong papasok sa kwarto namin ng kapatid ko. Kasabay nun ay ang malakas na "Meow" 🐈😺. May pusa palang nahulog. At dahil hindi sya pamilyar sa bahay namin, sya ay takot na takot. Hindi naman sya nasaktan. Dahil nga sa maingay sya pinilit namin syang palabasin. Sa unting pagtiyaga kahit ang sakit ng braso ayun, lumabas din sya kung saan sya nahulog. Doon ko napagtanto ang laki pala ng butas sa gilid ng bubong namin. 😅😂 Tulog muna ulit ako. Meow 🐈😺
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet