Nang mawala ka, nawalan ako ng gana sa buhay. Ang gusto ko lang ay matulog o humiga maghapon magdamag. Dalawang buwan na ang nakakalipas pero parang kahapon lang lahat. Ang sakit sakit sobra. Namimiss ko na yung mukha mo, Pa. Alam ko lagi naming sinasabi na pango ka o hindi mo kami kamukha kasi hindi ka gwapo. Ganyan ka namin asarin pero ngayon okay na lang na kamukha mo kami basta sana kasama ka namin. Sana andito ka kasi ang tahimik ng bahay. Kahit sabihin ni mama na okay lang sya, kita namang hindi sya okay. Ang tahimik nya lagi, Pa. Lagi syang nakahiga pagkagaling ng trabaho. Guide mo kami, Pa at bigyan ng lakas para magpatuloy. Hanap hanap ka namin, Pa. Miss na miss ka na namin. Yung mga utos at hinanakit mo sa buhay. Yung paghingi mo ng pera at pagtatanong kung kumain na ba kami. Missing you a lot, Pa. 😔😭💔🕊️
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet