Ilang araw din pala akong hindi nakapag-update. 3 days sunod-sunod kasi na sumakit ang tyan ko. Para akong dudumi na iihi na ewan na may kasamang pagsakit ng puson. Nung linggo din pinilit na namin ni Partner bilhin mga nasa need to bring list galing sa OB ko. Dahil nga panay sakit tyan ko kaya talagang namili na kami. Pati bag kung saan ilalagay mga damit ni Baby. Dami pang tao sa mall dahil siguro pasukan na kaya daming bata at parents na namimili. Ngayon ready na kami just incase gusto na talaga ni Baby lumabas. 👶🥰😘
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet