read.cash Log in
@Scenica more from that month

Siya😜 Naglalakad kami sa dalampasigan, masaya magkahawak ang kamay habang tumatawa ninanamnam ang malamig na hanging dumadampi sa aming balat Masaya, yan ang aking nadama habang hawak ko siya Kwentohang parang wala naman talagang kwenta pero ewan bat kami ay tawang tawa Hanggang ang tawa'y unti unting nawala at kami ay unti unti ng nagkatitigan, nangungusap aming mga mata hinawakan nya mukha ko habang unti unting........... haiisssttt biglang parang may narinig akong ingay at yon nagising ako , may tumatawag pala "Maam shopee po, iniwan ko sa guard ang parcel niyo" nagulat pa ako kasi Linggo man ngayon, buti nalang bayad na yon, sa office kasi address nilagay ko. Sayang pati ba naman sa panaginip walang happy ending 🤣 Makabangon na nga at magkape para magising na ako sa katotohanang hanggang pangarap nalang siya (for now?😜) My other self nag emote na agad, staring at my phone waiting sa Ily nya hahaha

57 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.