read.cash Log in
@ScarletDoll more from that month

Bakit nga ba ang hirap maging kuntento sa buhay? πŸ€” Kapag mahirap ka naghahangad ka ng mas masaganang buhay. Kapag mayaman ka ay naghahangad ka pa rin ng mas higit sa mayroon ka. Madalas ang hinahangad natin ay ang labis na materyal at pera na kung iisipin ay may limitasyon at hindi ito permanente dahil darating ang araw na magwawakas ang ating mga buhay at hindi natin madadala sa hukay ang yaman na mayroon tayo. Kahit man ako aminado din na hindi ako nakukuntento sa buhay na mayroon ngayon dahil mas gusto ko din na magkaroon ng maganda at magarbong pamumuhay. Pero habang tumatanda tayo mas maiintindihan natin kung alin ba ang mas importante sa buhay at mas magbibigay kasiyahan sa atin bukod sa pera at mga materyal na bagay.

2 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.