read.cash Log in
@ScarletDoll

@ScarletDoll in July 2022

@ScarletDoll

Nasira na yung design nung cupcake dahil naalog marahil yung box na pinaglagyan. Galing kasi iyan sa birthday party at iyan ay isa sa mga pa giveaway nila. Pero masarap pa din naman yung cupcake kahit tumabingi na. Chocolate flavor yung cupcake kaya nasarapan ako kainin at naubos ko rin agad kanina.

@ScarletDoll

Napakalamig po ngayong hapon dahil katatapos lang po ng malaks na ulan dito sa aming lugar. Sa sobrang pamig kanina ay nakatulog ako after namin kumain ng lunch. Ngayon naman po nag meryenda lang ako ng chocolate cupcake at tamang pahinga ulit habang hawak ang aking cellphone at nanonood ng youtube videos. Parang ang bilis nga lang ng oras kapag nalilibang ako sa ginagawa ko 😅.

@ScarletDoll

Ha, He, Hi, Ho, Hu Ha Ha Ha - Malakas na tawa ng tambay sa kanto na nakikipag inuman. He He He - Sigaw ng Nanay na sumusuway sa makulit na anak. Hi Hi Hi - Tawa naman ito ng mangkukulam. Ho Ho Ho - Si Santa Claus lang naman ang natawa ng ganito wala ng iba. Hu Hu Hu - Iyak ng iniwan ng jowa dahil pinagpalit sa iba. Halata na wala po akong magawa ngayon kaya kung ano nalang naiisip ko na isulat 🤣. Sana po natawa kayo kahit konti man lang at nag effort pa ko sisipin ang mga…

@ScarletDoll

Magandang Umaga at ang aking gising ay kay ganda din. Naririnig ko na ang mga huni ng ibon na para bang umaawit habang nakadapo sa puno. Lunes na ulit at umpisa na naman ng panibagong week na tiyak kong puno na naman ng gawain sa trabaho man o sa bahay. Gising na po at tayo ay mag almusal na 😋.

@ScarletDoll

Low Cost Snack: Crispy Patata 😋 Ito muna ang snack ko ngayon dahil nagtitipid at kakabayad lang ng bills 😅. Crispy Patata tuloy ang kinakain ko ngayon haha. Pero okay lang naman dahil nag crave din ako ngayon sa chichirya dahil minsan lang ako makatikim ng ganito dahil iniiwasan ko din at baka magkatoon ako ng UTI kung masobrahan sa chichirya. Nagpapawala lang din muna ako ng antok dahil nagugutom na rin ako ngayon. Dati 5 pesos lang ito pero ngayon 8 pesos na sa tindahan.

@ScarletDoll

It's Raning Again 🌧 Kaninang umaga maaraw pero pagdating nitong hapon nag umpisa na umulan dito sa amin. Mas okay sa akin dahil nasa bahay lang naman ako ngayon at mas pabor sa akin ang malamig na panahon. Kapag kasi mainit ay hindi ako komportable at mabilis pagpawisan, baka isipin niyo mayaman ako haha hindi po 🤣. Pero kung hanggang mamayang gabi uulan ay mas maganda dahil mas makakatulog ako ng mahimbing dahil malamig ang panahon.

@ScarletDoll

I cooked some pancakes 🥞 Magandang umaga po muli sa inyo 🤗. Nagising ako kanina sa sobrang lamig dahil umuulan ulit dito sa amin ngayon. Kahit gusto ko pa magpatuloy sa tulog ay hindi ko na ginawa dahil kailangan gumising ng maaga dahil may trabaho pa hahaha pati hindi ako mayaman para gumising ng tanghali 🤣. Pagpasessyahan niyo na po ang kinalabasan ng pancakes ko, not so perfect but I can assure you it taste good also. Nilagyan ko din ng butter on top para mas bumango at…

@ScarletDoll

Beautiful Tiny Flowers 🌸 #Photography Gandang ganda po ako sa mga bulaklak na ito. Maliit man ngunit ang kanyang kulay ay nakakabighani sa aking paningin. Combination of White and Pink ang kulay ng bulaklak at meron itong apat na petals. Matingkad ang kulay na pink sa gitna at sa bandang gilid ay halong puti at pqltak na pink naman. Hindi ko rin po alam ang name ng bulaklak na ito. Ang inaabanagan ko po ay yung mga butterflies na dadapo sa mga bulaklak na ito pero mailap…

@ScarletDoll

Labong with Tokwa 😋 Sobrang sarap po ng dinner namin mamaya. Ginisa lang po ito sa toyo (Soy Sauce). Ang labong po ay nakukuha sa kawayan (bamboo) correct me if I was wrong 😅. Parehas po masustansya ang labong at tokwa kaya good choice po ito para sa ulam at mas makakatipid din po kayo. Kadalasan ang luto namin sa Labong ay sa gata na may alamang. Sa nikuto namin ngayon nilagyan nalang namin ng kinchay at siling berde para mas sumarap po ito. Simple at masarap na hapunan 😋.

@ScarletDoll

I got this surprise from noise.cash 🥳 Thank you admin noise for noticing me also. I promise to give it to those deserving content creators 🥰. Nabigla ako sa ganitong notification at pag check ko ay pwede na din ako magbugay ng tip using the "free tip" button 😊. Any advice po para ma maintain ko po magkaroon ng ganitong notification dito? Nung una kasi nakakapagbigay lang ako ng tip using my own wallet pero ngayon may sponsor na din po ako hehe. I feel so blessed tonight at…

@ScarletDoll

Julie's Bakeshop 🍞🥐🥖 Good Morning 🤗, Maulan na naman ang ating umaga pero hindi ako mapipigilan ng ulan para pumunta sa bakery at bumili ng masarap na tinapay. Kapag hindi rice ay tinapay ang kinakain namin sa almusal. Special Ensaymada nga pala ang binili ko kasi gusto ko yung maraming mantikilya at keso 😋. Masarap din ito para sa kapeng mainit ☕. Ang bakery ang isa sa mga takbuhan natin tuwing umaga para sa almusal at sa hapon para sa meryenda. Mas masarap bumili sa bakery…

@ScarletDoll

Time to buy some Vitamins and Medicines 💊 "Health is Wealth" iyan ang palaging nakatatak sa aking isipan dahil mahalaga naman talaga na pagtuunan natin ng pansin at pangalagaan ang ating kalusugan. Hindi rin sapat ang kumain ng masustansyang pagkain dahil may times na nagkakasakit pa din tayo. Kaya naman nararapat na uminom pa din tayo ng vitamins at mag stock ng pangunanhing gamot sa lagnat, ubo at sipon para maagapan natin ang paglala kung tayo man ay makaramdam ng hindi…

@ScarletDoll

Avocado Ice Cream 🥑🍧 Nag crave kasi ako sa avocado at marami din naman mabibilhan dito sa amin kaya nagbili na ako kahapon. Simple lang ang ingredients, Evaporated Milk, Condensed Millk, parehas malaking lata at fresh avocado ☺️. Kinayod ko muna ang avocado para maging pino then hinalo ko na ang mga gatas. Haluin hanggang sa maging smooth ang texture at palamigin muna sa freezer. Panalo talaga para sa akin ang sarap ng avocado at masarap pa na dessert ito. Halos 1.5 liter na…

@ScarletDoll

Mini Shopping Carts 🛒🛒🛒 I found these cute shopping carts at DIY Shop 😍. There is no price indicated on its tag therefore I can't say how much it actually cost but I think it cost around 80 to 100 pesos only. Imagine having this as your shopping cart will save you a lot of money 🤣. But I guess it is only for display or can be used to hold coins and other small objects. Maybe next time I will going to purchase it because I found it too cute as a display in our house.

@ScarletDoll

This is my mood right now 😴 I still feeling so sleepy right now, kulang talaga ang tulog ko kahit maaga ako natulog kagabi hahaha. Okay! Babangon na talaga ako sa aking kama 😅. Hindi ko maintindihan kung antok ba ito or katamaran lang 🤣. Anyway that cute elephant stuff toy is from DIY Shop again, ang cute kasi kaya I took a picture of it. Gusto ko sana bilhin kaya lang wala naman akong extra budget for that. Good morning! 🤗 Ito na talaga wala na akong antok dahil nagugutom…

@ScarletDoll

Fresh Tilapia for today's video 🐟 Lahat siguro tayo ay pamilyar sa isdang tilapia dahil madalas ito makita sa palengke at tinitinda. Maliliit nga lang ang nabili namin pero okay na din basta ang importante ay sariwa at buhay pa ito bago kaliskisan hehe. Yung tiyan at buntot ay iprito namin pero yung mga ulo ay sasabawan na parang tinola. May prito na may sabaw pa, saan ka pa hehe. Mamaya lulutuin na ito dahil maaga siguro kami mag lunch. Mas masarap sana kung sarshado ang…

@ScarletDoll

Lay's Potato Chips 😋🥔 Sa mga imported brands ng potato chips ang "Lay's" ang pinaka gusto ko kainin. Ngayon lang ulit ako makakabili nito hehe. Pikit mata ko nalang bilhin kahit medyo mahal ang price dahil nag crave talaga ako dito pati nasasawa na ako sa Vcut, Piattos at Nova 😅. Mga dalawa lang na balot ang bibilhin ko para naman hindi kami mabitin ng mga kasma ko sa bahay 😁. Hindi man ito healthy snack pero go pa din ako kasi masarap naman pati enjoy life lang dapat 😅. I…

@ScarletDoll

"S" stands for ScarletDoll Kanina sumaglit ako sa Pandayan Bookshop para bumili ng mga ilang supplies na pinabibili ng pamangkin ko. Nakita ko ang letter stand na ito at dali-dali ko pinicturan habang hindi nakatingin yung bantay sa store. Minsan kasi ang taray nung iba sasabihin bawal picturan yung mga items 😅. Nagandahan lang ako dito at hindi ko binili kasi hindi ko naman kailangan yan hehe. Pero mas naaliw ako sa mga pang decorate sa scrap book doon at ang daming design…

@ScarletDoll

Just woke up! 🤗 Magandang umaga sa inyong lahat. Marahil ay kumakain na kayo ng inyong almusal o kaya naman ay papasok na kayo ng inyong mga trabaho. Ako naman ay nakahiga pa din sa aking kama at inaantok pa 😅😴. Pero si Haring Araw 🌞 ayan na at nagpapakita na din sa akin, siguro sinasabi na bumangon na ako at huwag patamad tamad 🤣. Kaya maaga din ako nabangon sa higaan ko kasi sakto yung sikat ng araw tatama sa pader malapit sa kama ko kaya ang liwanag agad ng buhay ko sa…

@ScarletDoll

Our Lunch is Pikadilyo 🍲 Ready na po ang aming ulam for today's video 😋. Pikadilyo po ang tawag sa ganitong luto. Ang mga sangkap ay simple lamang po; ½ kilo ground pork, Bell Pepper, Patatas, sibuyas, bawang, paminta at ang magic sarap granules. May version nito yung walang sabaw pero ito kakaiba dahil nilagyan namin ng sabaw at may sawsawan kami na patis. Kahit mainit ang panahon ay masarap pa din mag ulam ng may sabaw. Budgeted po talaga ang pagbili ng mga ingridients…

@ScarletDoll

Fried Isaw & Royal 😋 Snack time muna po tayo 🤗. Late na ako nakapag snack ngayon dahil nalibang masyado sa pag cellphone hehe. 20 pesos lang ang bili ko sa fried isaw na iyan at limang stick na siya pero maliliit lang ang isaw na iyan kaya mas mura pero masarap naman po. Sinamahan ko ng malamig na softdrinks para solb ang aking meryenda. Hindi naman kailangan maging bongga palagi ang snacks ang importante gusto mo ang kinakain mo at nabusog ka rin. Kung ano kasi ang maisipan…

@ScarletDoll

It's Friday Night 🥳 Tama na yan inuman na! 🍻 Jole lang po haha 🤣. Pero for sure nag celebrate na din ang iba sa inyo dahil friday naman ngayon at natapat pa na payday din pero payong kaibigan lang po huwag sana ubusin ang sweldo sa alak at pulutan hehe. Madalas kasi kapag marami tayong kapit na pera ay hindi natin mapigilan na bumili dito at doon 😂. Tapos magtataka nalang tayo kapag barya nalang ang natira sa wallet natin o masaklap ay said talaga haha. Huwag naman sana…

@ScarletDoll

Happy Saturday Morning 🥰 Rest Day is real and better enjoy it together with your love ones or family. Sigurado marami mamamasyal ngayon dahil nag sweldo na kahapon pero okay lang yun at kailangan din naman mag enjoy paminsan minsan para mawala ang stress basta spend your money wisely para hindi maubusan ng pera okay 🤗. Kagabi nga pala antok na antok na ako pero dahil sa lakas ng ulan at sinabayan pa ng nakakatakot na kidlat na may kasamang kulog ⛈⚡ay hindi agad ako…

@ScarletDoll

Laundry Gel Beads ☺️ Hindi pa din ako tapos maglaba dahil may bed sheet at kumot pa 😅. Bumili pala ako ng laundry gel beads sa DIY shop at mura lang din ang isang tub 100 pesos only. Madalas ko kasi makita ito sa mga vlogger kapag naglalaba sila at curious din ako dito hehe. Syempre bumili din ako para sosyal ang paglalaba ko. Dalawang ganito lang nilalagay ko sa isang load at mabango din naman. Hindi ako nabili ng ganito dati dahil akala ko ang mahal masydo pero mura lang…

@ScarletDoll

Special Menudo 😋 Ito po ang ulam namin kanina, menudo na pang malakasan hehe. Dahil payday naman kahapon kaya nakapag ambag ako sa pambili ng ulam namin para naman makatikim din ng espesyal na ulam 😋. Basta pagkain ang paguusapan ay okay lang gumastos para sa akin dahil kami din naman ang mabubusog. Mahal man ang mga rekado ng menudo pero ito pa din ang pinaluto ko dahil miss ko na makatikim ng lutong bahay na menudo. Marami din ang natira kaya may pandagdag ulam na kami sa…

@ScarletDoll

Hany Milk Chocolate 😋🍫 Me: Knock! ✊ Knock! ✊ You: Who's There? Me: Hany You: Hany, Who? Me: Hany... My Love...... So Sweet 🎶 Havey or Waley? 🤣 Nalimutan ko Title ng kanta na iyan pero iyang line na yan ang tanda ko sa lyrics yun. Kamusta po ang lahat? 🤗 Super enjoy po ba ang inyong Saturday at nakapahinga din ng maayos? Hmmm, kung ako po ang tatanungin niyo ay naging maayos at payapa naman po ang araw ko ngayon. Tapos na din kami mag dinner at ang kinain ko ulit ay yung left…

@ScarletDoll

Potato Crisp Biscuits 😋 Good Morning my dear friends here 🥰. Have a blessed Sunday everyone. As usual maaga pa din ako nagising dahil maaga ako nakatulog kagabi. For the mean time ito na muna ang aking breakfast at partneran ko nalang ng kapeng mainit ☕. Tinatamad pa kasi ako lumabas ng bahay para bumili ng almusal hehe 😅. Makapagsimba din muna mamaya para naman hindi magtampo si God sa akin 😊. Mabuti din na maglaan tayo ng time para kay God not only in bad times but also in…

@ScarletDoll

Buying some products at Watson's 🛍 After pumunta ng simbahan ang next destination ko ay ang Watson's. Need ko kasi bumili ng mga sabon, facial cleanser at lotion na ginagamit ko dahil paubos na yung stocks ko sa bahay. Naaliw din ako lumibot sa store at tumingin na din ako ng mga products na maganda sa skin. Kaya lang nalilito ako sa bibilhin ko dahil ang daming pagpipilian na brands haha. Ganito din po ba kayo? Pati mga wala naman sa listahan ay nabibili ko minsan lalo pa…

@ScarletDoll

Coke: Open Happiness 🎶 The colder it is the more refreshing it is to drink 😋🥤. Isa ito sa kinahiligan ko na inumin kahit na mahal na ang presyo ngayon, umabot na sa 12 pesos ang ganitong size. Iba talaga kasi ang sarap ng coke dahil pag hagod pa lamang sa lalamunan ko ay sobrang refreshing na. Syempre I do limit my soda intake dahil hindi rin healthy kung araw-araw iinom ng ganitong drinks. Pantanggal stress ko lang ito at kapag mainit ang panahon laging softdrinks ang…

@ScarletDoll

"Minsan pa ulan bumuhos ka" 🎶 "Huwag ng tumigil pa" 🎶 Napakanta tuloy ako ng wala sa oras dahil sa biglang pagbuhos ng ulan ngayon. Kapag kasi naulan naaalala ko talaga ang kanta ni Ms. Regine Velasquez-Alcasid na pinamagatang "Tuwing Umuulan", kahit sintonafo ako kinakanta ko iyan haha. Gagala sana ako ngayon pero postponed dahil sa ulan na ito at tinamad na ako lumabas ng bahay. Sayang lang ang damit ko kung mababasa lang din ng ulan pati ang hirap sumakay ng tricycle…

@ScarletDoll

Suman na may Arnibal 😋 It's Monday and we have to prepare ourself for another bussy yet enjoyable week. Para mas maging ganado tayo sa umaga ay nararapat lang na kumain muna tayo ng almusal para naman may sapat tayong energy. So for today's video bumili ako kanina ng suman at may arnibal na kasama, ang arnibal po ay parang asukal na tinunaw at ito yung nagpapatamis sa suman. Medyo nagmahal na ang isang yakap na suman dahil 20 pesos na ngayon pero dalawang piraso naman na…

@ScarletDoll

Lunch for today: Nilagang Baboy 🍲 Dahil kanina pa umaga naulan kaya nag decide kami na nilagang baboy ang iluto namin para may mahigop na mainit na sabaw 😋. Simple lang po ang indridients nito; half kilo ng liempo, isang buo na repolyo, dalawang patatas, pamintang buo, patis at magic sarap. Kailangan lang palambutin maigi yung karne para mas sumarap at kumapit ang linamnam sa sabaw. Mamaya pa naman kami mag lunch hehe napaaga lang ang luto para mamaya kakain nalang. Nagsaing…

@ScarletDoll

When it Rains 🌧, I want to eat more 😁 I am eating a pear and clover chips at the moment. Yes po sabay ko kinakain ang healthy at unhealthy foods para balanced hahaha 🤣. May natira pa kasing peras sa ref kaya hiniwa ko na at baka abutin pa ng bulok ay sayang naman. Nag crave din ako sa chips kaya napabili sa tindahan kahit naulan, wala eh gutom kaya lalabas ng bahay para lang makabili hehe. Ganito lagi ang mood ko kapag naulan gusto ko lagi kakain ng kung anu-ano. Pinipigilan…

@ScarletDoll

Let's Pop some Bubble Wrap 😅 This is my stress reliever for tonight. Siguro ay mahilig din kayo mag pop ng bubble wrap kagaya ko. Iniipon ko talaga ang mga bubble wrap from my recent orders. Nanggigigil at natutuwa ako tuwing mag pop ako nito hehe parang bata lang at ang babaw ng kaligayahan ko. Maulan din ba sa inyo ngayon? Dito sa amin ambon nalang pero ang lamig pa din kaya mapapasarap angbtulog ko nito mamaya 😊.

@ScarletDoll

Breafast for today: Sopas (Macaroni Soup) 🍲 Hello Beautiful People in the Philippines and around the world 🤗. How was your sleep? Mine was better because I slept comfortably due to the rain without any lightning and thunder ⚡ and it feels so cold the whole night so there is no need to use an electric fan while I'm sleeping. Ganda ng gising ko kaya napa english ako ng konti 😅. Ito pala niluto namin ngayon ang creamy sopas. Simple lang ang sahog na nilagay sa sopas; pasta…

@ScarletDoll

The Nutritious Dragon Fruit 🥰 Season talaga ng dragon fruit ngayon kaya ang dami ko din nakita sa palengke na nakadisplay. 120 pesos per kilo ang benta nila ng ganitong prutas at nasa 4 na piraso na daw iyon. Mura na kung ikukumpara ang presyo nito sa mga supermarket diba po. Kadalasan din matatamis ang bunga ng dragon fruit kaya masarap talaga kainin. Matagal ko na din napapanood ito sa tv na marami ang benepisyo nito sa katawan at may mga karamdaman din ito na kayang…

@ScarletDoll

Tortilla Chips 😋 Tignan niyo po at naka "Buy 1 Take 1" ang tortilla chips na ito 🤩. Yung ganito talaga ang inaabangan ko na bilhin dahil mas makakasulit sa gastos hehe. Hindi ko pa na try ang tortilla chips na ito pero mukang masarap naman kaya nagbili ako ng dalawang bundle bale apat na piraso lahat hehe. Kamusta po ang weather niyo diyan? Dito sa amin ay maaraw na at walang balak umulan ngayon. Naubos na siguro ang ulan kahapon 😅. Kaya nagoayong ako sa labas dahil ang…

@ScarletDoll

Bakit nga ba ang hirap maging kuntento sa buhay? 🤔 Kapag mahirap ka naghahangad ka ng mas masaganang buhay. Kapag mayaman ka ay naghahangad ka pa rin ng mas higit sa mayroon ka. Madalas ang hinahangad natin ay ang labis na materyal at pera na kung iisipin ay may limitasyon at hindi ito permanente dahil darating ang araw na magwawakas ang ating mga buhay at hindi natin madadala sa hukay ang yaman na mayroon tayo. Kahit man ako aminado din na hindi ako nakukuntento sa buhay na…

@ScarletDoll

Macaroni: All time favorite for breakfast 😋 Happy Wednesday! Good Morning sa inyong lahat 🤗. My breakfast is served and I am ready to eat it now. 15 pesos pang ang bili ko dito at sulit na din dahil maraming hotdog hehe. Isa ito sa madalas ko kainin tuwing almusal at minsan yung palabok, spaghetti, lugaw at marami pang iba. Kapag wala na kasi time na magluto ay bibili nalang ng ganito sa karinderya dahil malapit lang naman ang bilihan dito sa amin. Muli ko rin nasilayan ang…

@ScarletDoll

Pritong Tilapia para sa Lunch 🐟 Maaga ako nagluto ng aming lunch dahil solo lang ako ngayon dito sa bahay dahil may pinuntahan ang mga kasama ko ngayon at mamaya pa 12 noon ang uwi nila. Buti nalang maaga sila bumili ng isda at sinabihan ako na iprito ko daw ito. Una hiniwaan ko yung isda, pangalawa nilagyan ko ng rock salt ang magkabilang side ng tilapia at pinainit ko na yung mantika sa kawali tsaka ko nilagay yung isda. Kinabahan ako kasi yung isang tilapia muntikan na…

@ScarletDoll

Fresh Suha/Pomelo Iniwan man nila akong solo dito sa bahay at pinagprito pa ng isda na ulam namin kanina pero bumawi naman sa pasalubong para sa akin. Meron kasi silang dala na suha at sakto lang yung laki. Agad ko din na binalatan after kumain ng lunch kaya ngayon matitikman ko na kung gaano kasarap ang suha na ito. Sulit din naman ang bili nila dahil matamis at makatas ito tapos yung mga pulps ay magkakadikit kaya kapag kinain ay satisfying talaga. Asin lang ang ginawa ko…

@ScarletDoll

100 Dollar Bill 💵 Sa buong buhay ko ngayon lang ako nakakapit ng 100 dollar bill 🤑. Inuutusan kasi ako ng Uncle ko na ipalit ko ito sa peso habang mataas pa daw ang palitan, nasa 56 pesos kasi ang presyo ng 1 dollar ngayon. Ayaw man niya ipalit ito pero no choice siya dahil need niya ng pera din kasi. Bukas nalang ng umaga ako magpapalit ng dollar dahil closed na malamang ang mga money changer sa bayan sa ganitong oras. Mas maliit pala ang dollar kumpara sa pera natin at mas…

@ScarletDoll

My simple breakfast 😋 Before anything else I would like to say "Good Morning!" to all of you 🤗. It is a rainy morning here and maybe in your place too. Maganda ang gising ko kaya napapa english ako ng konti 😅. Ayoko din mag post ng pure english kasi baka ma bash ako sa wrong grammar hehe hindi kasi ako fluent sa english pero kaya ko naman kaya lang minsan hindi ko sure kung tama pa ba ang grammar ko 😁. Anyway, balik tayo sa aking almusal. Simple lang po ang kinakain ko…

@ScarletDoll

From Dollar to Peso 🤑💵 Kahapon po na post ko dito yung about sa 100 dollar bill na pinapapalit ng aking uncle. Kanina pumunta ako sa Western Union para ipalit yung dollar sa Peso. Ang exchange rate po sa Western Union ay 55 pesos per $1 kaya naman ang equivalent ng $100 ay 5,500 pesos. Not bad dahil mataas pa din naman ang exchange rate ng dollar ngayon, medyo natagalan lang ako dahil ang daming nakapila kanina sa Western Union. Inabot na din ako ng ulan kaya no choice kundi…

@ScarletDoll

Teriyaki Chicken & Tempura Crackers 😋 This rainy season makes me feel hungry every time 😅. Kanina nakatulog ako saglit dahil hindi ko na kayang labanan ang aking antok. Pagkagising ko naman ay nagugutom naman ako haha. Masarap sana ito kung naging ulam pero ang afford lang ng wallet ko ay yung cracker version ng Tempura at Teriyaki Chicken 😅. Okay na din kumain ng ganito at lamang tiyan din diba. Parehas silang product ng Regent at masarap din po ito. Madami rin laman at…

@ScarletDoll

Sineskwela: TV show that will teach you about Science and Technology 📺 (Photo not Mine, CTTO) Halos lahqt ng Batang 90s ay kilala ang palabas na Sineskwela 🥰. Ito lang naman ang palabas na bukod sa entertaining na ay matututo ka pa. Ang lahat ng segments nila ay all about science and technology. Meron din mga special characters sila na nilagay sa programa para mas maging kaakit-akit sa mga batang manonood. Kung bibigyan ko sila ng rate from 1-10, I will absolutely give them…

@ScarletDoll

Spaghetti for my Breakfast 😋🍝 Good morning beautiful people of noise community 🤗. It's Friday na! The most awaited day para sa karamihan dahil mamaya ay tapos na ang workmode hehe dahil weekend is fast approaching. Bumili nalang ako ng spaghetti sa karinderya kanina sa halagang 15 pesos isang order. Sulit naman sa sarap at dami, cheese nalang ang kulang para mas masarap ito pero wala kaming stock na cheese kaya pagtiyagaan nalang lung ano ang timpla ng spaghetti na ito 😁.…

@ScarletDoll

I claimed my Free $5 from PayPal 🤑 I am feeling blessed early this morning when I reveived an e-mail from paypal that I am eligible to receive a $5 reward from them. So I hurriedly click the link and logged in to my paypal account and I was surprised that I immediately received my $5 reward 🤑. It has an equivalent amount of Php272.82. I was so happy because paypal is still giving this kind of reward to random users and I am one of them. Napa english tuloy ako sa sobrang tuwa…

@ScarletDoll

Potchi: Soft and Chewy Candy 😋 Sino po dito ang kagaya ko na mahilig sa Potchi candy? 😋 Isa ito sa madalas ko bilhin na candies dahol bukod sa malambot na ay ang sarap din nguyain at tama pang ang tamis nito. Proudly made in the Philippines ang Potchi kaya naman mas tinatangkilik din ng karamihan lalo na ng mga bata. Siguro ang osang balot nito ay kaya lo ubusin in less than 5 minutes 😅 ganun ko soya kagusto kainin hehe. Hindi kasi ako mahilig sa mga candies na matitigas…

@ScarletDoll

The wall says it well 😋 I am now at the outside world 🥰. I miss everything that I can see outside. Nalakarefresh lang talaga sa feeling na hindi ka nakakulong sa iisang lugar. The weather here is somehow rainy kaya mas malamig ngayon dito. Kamusta po kayo 🤗, andito po ako ngayon sa KFC para mag lunch. Sobra ko namiss kumain sa restaurant kasi ngayon lang ako nakakain sa KFC ulit. Syempre original chiclen ang order ko 😋. Let's eat muna po 🤗.

@ScarletDoll

Fried Tofu with Soy Sauce 😋 Nothing will beat a home cooked dish. Ang sarap talaga ng tofu or tokwa in tagalog. Mapaparami talaga ang kain ko kapag ganito ang ulam namin. Tinimplahan ko pala ang toyo ng calamansi at asukal na konti para mas sumarap kapag sinawsaw ko ang toyo. Nakakapagod po sadya ang araw na ito at medyo inaantok ako ng kaunti hehe. Kulang lang siguro ako sa kain kaya lower ang energy ko ngayon.

@ScarletDoll

Buchi para sa almusal 😋 Isang magandang at masaganang umaga sa inyo 🤗. Tara na at umpisahan ang umaga na ito na masigla at may saya. Ito nalang ang binili ko para sa almusal, mga buchi 20 pesos lang ang tatlong piraso kaya 40 pesos lang nagastos ko sa 6 na piraso. Masarap at sulit ma din sa presyo at sakto din ang laki ng buchi na ito. Kakain na po muna ako para makapag umpisa na fin sa mga gagawin ko para mamaya. Magiging bussy ulit ang araw na ito pero naniniwala ako na…

@ScarletDoll

Kamusta po kayong lahat? 🤗 nakatulog ako kanina kaya ngayon lang nakasilip dito. Ang bilis ng oras at mag 3pm na agad. Meryenda time na pala ngayon kaya muli akong nakakaramdam ng gutom at natunog na din ang tiyan ko 😅. Ito nanaman ang problema ko ang mag-isip ng kakainin para sa meryenda. Nag crave ako sa turon kaya yun ang gusto ko na bilhin pero hindi ko alam kung saan meron nun dahil wala naman naglalako ng turon dito at wala din malapit na tindahan na nagtitinda ng…

@ScarletDoll

Red Rose for you 🌹 Tanggapin niyo po ang alay ko na bulaklak para sa inyong lahat 🥰. I just want to male your morning a lovely and inspiring one. May this red rose bring you happiness as it will remind you that life has a fresh start we can all enjoy. Gaya ng isang bulaklak ay darating din ang time natin na mawawalan ng tingkad ng kulay ang ating buhay ngunit ang mahalaga ay ang mga nagawa nating kabutihan para sa lahat. Good morning 😊, eat your breakfast and start grinding…

@ScarletDoll

Halukay sa Ukayan 😅 Aminin niyo na kayo rin ay mahilig bumili at maghalukay sa ukay-ukay hehe. Jackpot ka kung magaling at masipag ka maghanap mula sa tambak na mga damit o bags dahil sa murang halaga lang ay branded pa ang iyong makukuha. From 10 pesos to 150 pesos ay may magandang item ka na makukuha basta tiyaga lang sa paghahanap 😅. Yung iba alam ang schedule kapag may bagong bagsak kaya dun sila napunta para humanap ng magagandang items o damit. Napakapraktikal naman…

@ScarletDoll

Old Mc' Donald Statue Napansin ko lang ito na nakalagay nalang sa isang sulok dahil ito ay lumang statue na ng Mc' Donald. Marami din naman siya na pinangiti na bata tuwing siya ang masasalubong sa entrance ng fastfood. Pero ngayon tila ba kinalimutan na siya ng panahon at kalumaan. Ang drama ko ano po 😅 pero ganyan talaga kapag luma na ang isang bagay minsan tumataas ang value at kung madalas ay nawawalan na ng value. Gandang gabi po 🤗, may dinner na ba ang lahat? Baka…

@ScarletDoll

Tortang Gulay Ito po ang breakfast ko ngayon 😋. Gulay lang po ang sahog ng torta na ito kaya naman mas healthy para sa umaga na kainin at mas affordable pa. Masarap po dito ay may ketchup para mas nakakagana kainin. Kape nalang ang kulang para makapag umpisa na ako sa aking almusal. Sana ay naging maayos ang tulog ninyo kagabi para naman maging masaya ang gising niyo ngayon. Friday na kaya dapat itodo na natin ang ating kasipagan hehe. Sana rin ay sapat pa ang inyong mga…

@ScarletDoll

Are you a Coffee Addict?, I mean Coffee Lover 😅☕ Ubos na ang stock ng coffee namin kaya heto need na bumili. Nawala antok ko sa presyo ng mga kape ngayon haha. Kahit anong brand ay labis na nagmahal, sana all nagmamahal diba hehe. Kung hindi lang talaga palagi ginagamit ang kape ay hindi nalang ako bibili muna nito pero no choice dahil malungkot ang buhay kung walang kapiling este kape na kapiling 😂. Sino gusto ng kape diyan? Tara lilibre ko kayo hahaha. Isa talaga ito sa…

@ScarletDoll

Gumamela 🌺 Isa ito sa mga bulaklak na maraming variant at magaganda din ang kulay. Nakita ko pala ito sa isang tindahan kahapon pero hindi ko na tinanong ang presyo dahil alam ko may kamahalan ito dahil may bulaklak na hehe. Natuwa lang ako at ang ganda nung bulaklak ng gumamela. Nakakapagpaganda talaga ng paligid ang mga bulaklak dahil sa angkin nitong kulay at bango. Happy Saturday Morning po 🤗

@ScarletDoll

Tara Ice Cream po tayo 🍨 Sino ba naman ang tatanggi sa ice cream diba po 😋. Kahit anong flavor ay pwede na sa akin hehe. Sino kaya ang manlilibre diyan ng ice cream ehem ehem hahahaha 🤣. Masarap kasi na dessert ito at paniguradong hanggang 10 scoops bago ako ma satisfied sa ice cream 😆. Pero marami ang nagsasabi acvprding sa isang study na ang ice cream daw ay nakakapagpasaya sa feelings ng isang tao. Sana nga lahat ng malungkot ay mapasaya ng ice cream d9ba para wala ng…

@ScarletDoll

Lettuce 🥬 🥰 Just like the color of BCH, Lettuce os really a standout among other vegies 😋. Kahit may kamahalan pero isa dinniyan sa binibili namin na gulay. Perfect kasi siya for salad at sobrang sarap pa. Kapag nakakakita ako ng green color ay naaalala ko talaga ang BCH lalo na ang magandang indication ng color green sa crypto world na kung saan ay nagpapakita ng maganda at mataas na galaw ng presyo sa bawat token. Ilagay lang ito sa ref at kainin ng fresh ay solb na ako…

@ScarletDoll

Raining again and again 🌧 Ayaw pa din tumigil ng pagbuhos ng ulan dito sa amin at may pag kulog pa. Ang lamig mamayang gabi kaya ang sarap matulog ng maaga. Kaya lang kung iisipin ay back to Monday na ulit kaya tapos na ang rest day hehe kaya bawal na ulit ang tamad bukas. Ang bilis lang dumaan ng weekend pero okay na din atleast may time pa din para makapahinga kahit sandali lang. Oras na pala ulit para umisip ng kakainin ngayong hapunan. Paniguradong nag-iisip na din kayo…

@ScarletDoll

Gloomy Weather this morning Mukang uupan muli dito sa amin dahil ang kapal ng ulap at medyo madilim pa. Hindi na ako updated sa weather kaya hindi ko sure kung may bagyo ba o low pressure lang ito. Pero maulan o maaraw man ngayon ay magpasalamat pa din tayo sa panibagong umaga na ating nasilayan. Bagong simula ng ating week kaya nararapat na umpisahan natin ito ng may saya at determinado para magawa natin ng maayos ang ating mga gawain sa bahay man o trabaho. Huwag din…