Dinuguan for Lunch Bibili nalang kami ng lutong ulam for now para hindi na magluluto pa. 60 pesos ang isang order ng dinuguan dito at marami na din iyon pero dalawang order ang binili ko para madami ang makain namin. Dito masarap ang lutong ulam na dinuguan dahil sila ay may pwesto din sa palengke ng tindahan ng karneng baboy kaya garantisado na bagong katay ang niluluto nila palagi na karneng baboy. Mabilis din maubos ang dinuguan nila kaya tama lang na bumili na ako ngayon para sure na hindi kami mauubusan. May canteen din sila dito kaya tuwing lunch time ay may mga kumakain dito at nagpapaluto ng ibang menu gaya ng pancit at iba pang ulam na made to order. Tanghali na agad pero kakaunti palang ang nagagawa ko sa araw na ito 😅.
3 comments
Yummy tapos rwady na rin imcrowave ahahaha panalo yan...
Swerte talaga pag may nalapit na bilihan ng ulam na masarap at mura lalo pag busy at di makakaluto. Naalala ko yung isang aso namin dyan sa dinuguan. Favorite ulam nya yan hehe.
Masarap din po yan. Sana po nakabili kayo maski ng isa. hehehe. happy lunch po mam