Ginisang Monggo at Galunggong na isda Maaga pa po para sa lunch time pero mauuna na po kami kumain dahil konti lang kinain namin kaninang breakfast. Maaga din kasi natapos magluto kaya naisipan namin na kumain na din ng lunch para mamaya lahinga nalang muna. Dahil Friday na ulit kaya naman present ang monggo para sa ulam with matching isda para mas masarap ang lunch. Ginisa lang namin yung monggo sa chichaton dahil mahal ang gastos kung lalagyan pa ng karne. Masarap din naman kahit chicharon lang ang sahog dahil malasa na din ito. Uuna na po kami mag lunch sa inyo at hindi na namin kaya magtiis pa ng gutom hehe. Happy Friday po sa lahat 🤗.
3 comments
Nice.. bakit pag friday lagi may monggo at ang terno nyo lagi e ang GG
Dabest talagang mag partner ang isda at monggo. Ang aga ng lunch mo. Gutom ka ulit agad nyan hehe.
Perfect na perfect po yan mam. Enjoy po and eat well.