Laman ng wallet ko 😅 Lumalaban pa naman ang laman ng wallet ko kaya lang bente pesos nalang ang buo at lahat ay puro barya na 🤣. Ano pa ba ang pwede bilhin kapag ganito nalang ang laman ng wallet? Abot pa siguro ito pambili ng tinapay o candies 😁. Kaya kapag nalabas ako ng bahay nilalakad ko nalang dahil sayang din ang 20 pesos na pamasahe sa tricycle. Kaya kahit barya nalang ang laman ng wallet ko hindi ko pinapawalan ng laman yan para naman hindi kawawang tignan. Sa hirap ng buhay ngayon kahit barya ay mahalaga dahil pede pa din iyan pambili ng pagkain. Sana bukas maging isang libo na ito 🤣, mag magic sana ang wallet ko haha.
2 comments
wow daming barya. bigat nyan hehe
Akin na lang yung 20 peso coin. iniipon ko kasi.. almost a hundred na din siguro.. heheheq