Lucky Me! Pancit Canton π Ang pambansang snack π , Oh kahit nagkaroon pa ng issue about sa seasoning ng pancit canton na ito ay wala akong pake π€£. Masarap kaya ito at mabilis lang lutuin. Magpakulo lang ng tubig at ilagay ang noodles after 3 minutes ay hanguin na sa tubig na kumukulo at lagyan na ng seasoning. Pwede ipalaman sa tinapay o kaya naman ay iulam sa kanin π. Huwag lang aaraw-arawin ang pagkain nito dahil masama naman yun sa health, okay lang atleast once a week kumain nito. Iba-ibang flavors yung binili ko may sweet & spicy, chili-mansi at calamansi π. Pag naghalo-halo yan sa tiyan masarap din naman hahaha. Oh tara luto na ang pancit canton kaya sabayan niyo ako kumain nito. Tubig nga lang ang panulak at walang pambili ng softdrinks π.
8 comments
Ang bagong mukha ng Lucky Me. Type ko ang sweet and spicy. Pati ang original flavor.
Yung plain ang hindi ko type bilhin hehe.
Iyong original? Okay labg sakin ang lasa noon. Iyong spicy ano ba iyon chilli kang siya bet ko din.
Natatabangan ako dun sa original flavor nila
Di ko na rin alam lasa ng original flavor dati, noong college ako, original flavor ang kinakain ko. Ngayon iyong ibang flavors na. Heheh
thats great its same like maggie in my area the method of both of them is easy will try this as well looks delicious and easy to cook, hope you enjoyed it
Yan din po yung ulam ko noong nakaraang araw.. hehehe
Masarap talaga yan sis. Huwag lang sososbra kasi hindi maganda sa health. Srap niyan sa tinapay or kanin talagaππ