Puto at Pasingaw π Maulan ang umaga dito sa amin π§. Kaya naman nakakatamad kumilos ulit haha pero syempre hindi dapat tamadin kumain ng breakfast. Mag timpla nalang ako ng kape at ito ang aking kakainin, puto at pasingaw. Buti nalang may naglako kaya no need na lumabas at pumunta pa sa malayo para makabili ng almusal ngayon. Masarap ang puto na ito dahil dun ako lagi nabili sa suki ko kaya thankful ako dahil madalas na siya magtinda dito sa amin. Minsan may iba't ibang kakanin din siya na tinitinda. Kamusta ang gising niyo? π€ Umuulan din po ba sa inyo? Ingat po palagi at laging humanap ng reason para sumaya sa buhay π.
2 comments
Good morning dear, lets enjoy this delicious breakfast, how was your night? have a blessed sunday
A blessed sunday morning po sa inyo dyan mam kahit maulan. hehehe. enjoy your food po