read.cash Log in
@ScarletDoll more from that month

Jollibee Chicken Joy Bucket & Pie πŸ₯°πŸ˜‹πŸ€€ Kagabi mga 8pm dumating yung pinsan ko galing Manila at tawag ng tawag sa akin at nagpapasama sa Jollibee. Bumili siya ng dalawang bucket na tig 6pcs. chicken dahil 20 minutes pa bago maibigay yung order niya ay nagbili muna siya nung Chicken a la king pie tig isa naman kami. Masarap din yung chicken pie at ang presyo ay 59 pesos only medyo mahal nga lang. Nitong mga nakalipas na araw lagi ako natatakam kapag nakakakita ako ng nag post dito ng Jollibee meal pero dahil tight ang budget hindi ko magawa makabili ng ganun. Hindi ko din akalain na kagabi biglang may darating na pinsan ko at maglibre pa ng isang bucket ng chicken sa Jollibee. Kahit kumain na kami ng dinner bago pa siya dumating at kahit busog pa ako nun ay talagamg pinilit ko papakin yung chicken kagabi hahaha. No more sana all sa chicken ng Jollibee hehe πŸ₯°πŸ˜‹. Kaya hindi agad ako nakatulog ng maaga kagabi dahil nakipag kwentuhan muna yung pinsan ko. Nakakatuwa talaga ang pinsan ko na iyon dahil kahit matagal na siya sa Manila nag trabaho ay hindi naman nagbago ang ugali niya at until now napaka generous pa din niya. Marahil ay naaalala niya dati nung wala silang pera nun ay binibigyan din namin sila ng pagkain at minsan dito namin siya pinapakain sa bahay.

7 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.