Wala ako maisip.
Hanggang ngayon wala ako maisip isulat na magandang paksa o kahit magandang mayroong nangungunang impormasyon para maibahagi sa inyo na mga mambabasa. Kamakailan ay naging abala ako sa maraming bagay, at isang dahilan na rin ng pagiging abala ko ay ang modyul ng aking anak. Nahihirapan ako pagsabay-sabayin ang aking mga dapat gawin. Pag ako ay pang gabi sa trabaho sa umaga ako ay nagtuturo sa aking anak, Pag ako naman ay pang umaga sa hapon ko naman sya tuturuan. Ang isang bagay na malaking problema ko sa aking anak ay ang kanyang kalagayan. mayroon syang sakit na kung tinatawag ay (dyslexia) pero di ko pa naman ito nakukumpirma, sapagkat wala pa kami sapat na halaga ng pera upang maipakunsulta sya sa espesyalista. Ang sakit na aking nabanggit ay ang sintomas na kapag ang isang tao ay hirap magbasa, hirap sumulat at hirap sa pagbaybay. Kaya ko ito nalaman dahil ako ay naghanap ng sagot sa aking tanong sa *google.* At ang mga sintomas na iyon nga ang aking natagpuan na tugma sa dinaranas ng aking anak ngayon. Ang aking anak ay sampung taong gulang na ngunit sya ay Nasa ikatlong baitang pa lamang imbis na sya ay Nasa ika-limang baitang na. Nahihirapan sya umintindi, sumasakit ang ulo nya kapag pinipilit nya ang kanyang sarili na intindihin ang bagay na pinag aaralan nya. Kapag pinasusulat ko sya o pinakokopya ng ilang mga salita, halimbawa : **b**ecome - imbis na ganito ang kanyang isulat kaso hindi, **d**ecome ang kanyang naisusulat. Sa panlasa naman, kapag pinatikim ko sya ng pagkaing **maasim**, sasabihin nya **maalat**. Kapag tinanong ko sya ano ang engles ng **Malaki** ang sagot nya ay **small**. Ilan pa lamang yan sa halimbawa na pinagdadaanan ng aking anak. Alam ko na kung ako ay nahihirapan sa kanyang kalagayan ay mas higit syang nahihirapan kaysa sa akin. Ito ay naisip ko lamang isulat dahil ito ay isang dahilan kung bakit hindi ako madalas maging aktibo ngayon dito. Sa totoo lang minsan hindi ko na alam ang aking gagawin sa aking anak ngunit hindi ako maaring sumuko. Bagkus lalo ko pang habaan ang aking pasensya at intindihin mabuti ang kanyang kalagayan. Ang sakit na kanyang pinagdadaanan ay hindi ko pa din malaman kung saan ito nakukuha at kung bakit nagkakaroon ng ganitong klaseng sakit. Isang dahilan kung bakit ko din ito na isulat ay nais kong humingi ng payo o mungkahi sa inyong lahat na mga mambabasa. **LIKE /COMMENT /UPVOTES kung nais nyo. Maraming salamat sa inyong pagbabasa.**
6 comments
Madami na nagtatagalog ngayon ah.. Mas nakaka nosebleed 🤣
Oo sis.
Nung una natakot din ako ba baka ganun din anak ko.. Kasi nacoconfuse sya sa d at b, p at q.. Yun lang naman so far, so naisip ko malayo ito sa sitwasyon ng iba gaya ng sayo. . Siguro ang magandang gawin ay ipcheck up ang bata para malaman mo kung anong dapat gawin sa ganyang kalagayan. Maaaring mag undergo sya ng therapy pero baka pwede rin naman ikaw mismo ang gumawa nun base sa advice ng doctor..hindi naman siguro kelangan ng malaking halaga sa pagpapacheck up.. Kailangan mo lng ng advise ng doctor para ma. Guide ka sa kung anong dapat mong gawin.. 😊
Nag tanong na ako sis. Check up palang mahal na. 😭
Ganon ba? How much ba chekup sa Gnayan case? Kahit consultation lang? mas mabuti din kasi talaga yung may advice ng doctor
Sorry sis late reply. Ayun na nga sis, actually na kapag tanong lang ako sa mga workmates ko at supervisors they advise me to save at least 5k. Kadalasan daw kasi once na pinakunsulta ko anak ko sigurado daw na may mga irereseta sakin.