Ang Golden tara.
**ALAM MO BA?** Mayroong ding mga primaryang sanggunian na napunta sa Ibang bansa gaya na lamang ng mga *artifact* na matatagpuan sa museo sa I ang bansa. Kabilang na dito ang Golden tara o Agusan imahe na kasalukuyan ay nasa pangangalaga ng Field Museum Of Natural History sa Chicago, United States. Maraming *artifact* na gawa sa ginto ang natuklasan subalit ang karamihan sa kabila ay ibinenta sa mga sanglaan. Mayroon ding mga *artifact* na ibinenta sa *Black market* at napunta sa kamay ng mga pribadong indibidwal. `Black Market illegal na pagbebenta at pagbili ng mga bagay dahil lumalabag ito sa mga restriksyon ng pamahalaan` Gayumpaman, May ikang gintong *artifact* ang napunta sa mga indibidwal na batid ang kahalagahan nito sa kasaysayan kaya't naipareserba ang mga anyo nito. Sa kasalukuyan, Mayroong mga batas na nangangalaga sa mga kultural na yaman ng bansa gaya ng Republic Act No. 4846 na tinawag na “Cultural Properties Preservation And Protection Act.” Nakasaad sa batas na ito na ang Pambansang Museo ang mangangalaga sa mga kultural na yaman ng bansa. Upang maunawaawan ang halaga at limitasyon ng isang sanggunian, mainam na isaisp ang mga sumusunod na katanungan: Saan nagmula ang sanggunian? Ito ba ay orihinal na dokumento o isinulat ng isang saksi? Sino ang gumawa nito? Kailan ito ginawa? Ito ba ay isinulat nang maganap ang pang yayari o Mas matagal pa? Bakit ito ginawa? Ito ba ay batay sa mga isinagawang panayam o mga ibidensya mula sa mga tuwirang naging sangkot? Ilan lamang ito sa mga isinasaalang alang ng mga mananalaysay upamh matiyak ang kawastuhan at pagiging patas ng mga primaryang sanggunian. Sapagkat may pagkakataon na ang mga saksi sa isang pangyayari ay hndi lubos na nauunawaan ang mga pangyayari at maaaring hindi nito nailalahad nang lubos ang buong katotohanan. May pagkakataon din na nakakaharap ng mga mananalaysay ang mga huwad na dokumento na nagpapanggap na primaryang sanggunian gaya na lamang ng kodigo ni kalantiaw.
**📣SANA'Y NAGUSTUHAN NYO ANG ARTIKULONG ITO. MARAMING SALAMAT SA PAGBABASA. 😇**
13 comments
Maganda
Maraming salamat sa iyong kumento.
Walang anuman
Thank you dito sa kwento ng Golden tara.
Walang anuman, salamat sa iyong kumento 😇
Napakalalim ng iyong Tagalog.
Kinailangan ko lamang upang maisagawa ko NG maayos ang artikulong ito, Maraming salamat sa iyong kumento. 🙂
Ang ganda ng pagkakatala ng gawa mo :")
Maraming salamat sa aprisasyon sa aking artikulo nagagalak akong malaman na nagustuhan mo ang artikulong ito.
Nahihilo ako sa tagalog :""
Huwag kang mag alala gagawa akong muli NG panibagong artikulo at gagamitin ko ang lengwahe ng ingles. Maraming salamat muli sa iyong tugon 😇
Mahal na siguro ang halaga ng mga yan.
Maari. Dahil isa ito sa masasabing antik na. Kumbaga napakatagal na.