read.cash Log in
@Ruffa more from that month

Mga mata'y nangungusap Pag-ibig ang syang mababakas Kaytagal na pinangarap Di akalaing matutupad Hiniling Sa Maykapal Hinintay ko, at kahit pa tumagal Handa ako, dahil ika'y Mahal Inukit pa sa puso ko Mahal Ligaya ko'y walang pagsidlan Labis labis, nag uumapaw Walang bibitaw, Pangako ko yan sa'yo Mahal Sabay tayong nangarap Magka hawak-kamay Inabot lahat ng pangarap Ngayon tayo'y magka harap Ngiti'y nakaguhit sa'ting labi Handa na sa bagong simula Naglapat ang ating mga labi Ngunit ngiti'y dagling nabura Kasabay ng patak ng ulan Ang pagbalik sa kasalukuyan Binalot ng lamig ang katawan Ito'y dahil sa katotohanan Walang tayo, walang ikaw. Lahat yon, guni-guni ko lang Lahat yo'y Sa Imahinasyon ko lang Binuo ko para sa panandaliang kaligayahan Kung maaari lang Pipiliin kong di magising Para kahit manlang sa Imahinasyon Nagkaroon tayo ng magandang Ending. -Parot/Ruffa Magandang Umaga ☺️. Nawa'y nasaktan ka din sa Poem ko, tehee. Yong mahilig mag imagine jan like me - O yan, para sa'tin tu, ahahahaga.

5 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.