Nakatitig sa kawalan Nararamdama'y 'di maintindihan Hinihinila ng kalungkutan Pero pilit nilalabanan Pipiglas, kakawala Hindi papatumba, pilit itatayo Ilubog mo man sa putika'y Pilit na aahon Batuhin man ng bato'y Pilit na sasanggahin Magkasugat ma'y di iindahin Babangon, sugat ay gagamutin Mga harang na nakapagitan Pilit na titibagin Iaangat ang sarili Lahat ay sasagupain Mga pako sa daa'y Ilulubog, pupukpukin Salubungin nyo pa ng sibat Lahat ya'y haharangin -- -Parot/Ruffa -08/04/21 -12:58 PM
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
2 comments
Aba pambihira ka naman tlaga sis, kahit siguro si superman ay iyong kakalabanin sa matapang at astig mong angkin😊
May hugot ah. Pro lalim ng meaning..