Mahalin mo lang ako ng tapat, mamahalin din kita ng tapat
Nagmahal kana ba? Nasaktan? Iniwan ng walang dahilan? Napunta sa maling tao? Paano nga ba natin malalaman na mali ang taong napili nating mahalin? Paano natin malalaman na sa maling tao tayo napunta? Simple lang naman ang sagot mga kaibigan, wala naman talagang maling tao, kasi hindi din maling masaktan ka pero may natutunan ka naman sa inakala mong maling tao na minahal mo. Kung baga, isa lamang sya sa mga dapat mong daanang pag subok para mahanap ang tadhana mo o ang nakalaan para sayo. Minahal mo sya diba? So paano sya naging maling tao kung kahit ikaw nga nakaramdam ng pag-ibig sa kanya. Yon nga laang, hindi sya ang katadhana no. Alam mo kasi, bago daw kasi natin mahanap ang magiging katuwang natin sa buhay, kailangan daw muna nating dumaan sa matinding pagsubok. Kasi yun ang mas magpapatibay sa iyo. Kailangan mo munang tumawid mula dito hanggang ika sampung bundok bago mo mahuli ang taong makakasama mo sa buhay. Wag na yang tamang tao na yaan, huwag mo ng intindihin yaan. Ang intindihin mo ay paano mas magiging malusog ang inyong pagsasama sa oras na dumating na sya. Alam mo baga, hindi laang katawan natin ang kailangang maging malusog, dapat pati relasyon din. Kailangan ng Vitamin C, para di lumapot ang dugo at para naman patuloy ang pagningas ng apoy ng inyong pagmamahalan, intindi nyo ga? Basta kayo na ang bahalang kumunekta mahahanap nyo din naman ang hugpungan ng dalawang iyan. O iyan laang ay eksampol kaya isa laang ang ibibigay ko isipin nyo na laang ang iba at wari ko'y nahaba na ang article ko eh, baka naman tamadin na kayong magbasa ha, ay ituloy nyo naman nandito na laang din naman kayo e ay bakit pa baga puputulin. Kainaman na aring mga bata na ari. Pagpapatuloy... Nagmahal ka, iniwan ka, nasaktan ka. Tinanggap, lumusong at ngayon handa na ulit magmahal. So, may natutunan kaba sa una mong minahal? Meron diga? Bukod sa naging matibay ka, naging malakas sa mga hamon ng buhay ay diga ay naging Manhater ka? πΆ *Ako'y nagmahal ng todo pero ako'y niloko sana naman ay mahalin at 'wag mong lokohin please yong bago mo. Sa pagpatak ng mga luha* πΆ - repablikan **Ay hindi pala, mali mali, take 2!** O diga nagmahal ka nga? Nasaktan ka naman, inisip mo pa ngang lumaban diba? Pero anong napala mo? Iniwan kapa din. Bakit? Kasi nga hindi ka na nya mahal, kinapulong kasi ni kupido yung kupida na nakatoka diyan sa minahal mo. Ang sabi, hindi daw pala siya ang para sa'yo. Kasi yong kapareha mo, na nakatadhana sayo ay bisi pa sa pagpapaka ano sa jowa nya na hindi din pala sya mahal. Nagkapalitan kasi, yung sa kanya ay sayo at ang sayo ay wala. Dahil hindi ka mamahalin kahit kailanman, dahil sya pala ay isang.... Darna! πΆ *Ako ay isang mowdel, doon sa ermita, gabi gabi sa disko at nagpapakabongga. Sa pagka-istariray, Talbog lahat sila, Ang mga foreigner, Ay nagkakandarapa, Pag ako'y sumayaw*Β πΆ -blakdyak Hindi biro ang magmahal, hindi din biro ang masaktan, pero alam mo sa bawat luha, sa sakit sa pagdurusa na naranasan mo. May isang tao ma dadating at magpapabago sa pananaw mo sa pag-ibig. Hindi masamang masaktan paminsan minsan dahil pinagtitibay nga tayo nito. Pero sana bago mo ibigay ang lahat sayo, pakaisipin mo muna at wag naman sanang lahatin nga. Magtira ka, kahit ga kumpol lang para sa sarili mo. Para naman may isa kapang dahilan para patuloy na bumango at maghanap ng taong para talaga sayo, sayo lang! At yong walang Georga at Nicole na nakapagitan sa inyo.
Monday - November 16, 2020 - 4:16 PM
68 comments
Bkit po aq ndi po mkpublish po ng article d2 ngaun po? My pinatutungkulan po ba kau d2 o inlove lng po kau?
Hala dika pa rin nakaka publish? Gawa ka kaya uli ng new article tapos copy paste mo yang gawa mo doon try lang malay natin. Wala naman, wala kasi ako maisip na isulat, nagsulat nalang ako ng ganyan para naman may maepublish ako today, hahaha.
Cge po, try q po ulit, ng effort pa nman po aq dun, cnama q pa po ung nraramdaman q po ngaun tpos ayaw po, lol, salamat po, diniscard q na po un n mgsulat nlng po aq ulit
Hahaha, copy mo muna ung sinulat mo na sa noteoad mo tapos open ka ng panibago tapos paste mo nalang yan para dika na tatype uli hahaha. Type kaba nya? Ako kasi hindiiiii ππππ
Ayaw po tlga eh, ndi q po alm kng bkit
Bakit kaya di ba mabagal connection no? Try mo nalang ulit later baka nagbabagal lanh
Data n smart po gmit q d2 po n cguro nga po dhil pawala-wala po ung connection, pno po ba mlmn kng skling nkblock po kau sa pgpublish po ng article kng sakali po?
Sa connectio lang yan, diko pa naeencounter ung block sa pag publish ee, parang walang ganon. Liban nalang pag banned ka or mute diba? Di ata magagalaw account no pag ganon naman
Sna nga po pero kpag ndi prin po aq mkpublish, puro comment nlng po gagawin q o mgbasa, lol
As maigi pa mga, ay maghintay na matip ang old article. Ako kasi di na nadadaanan old article ko haha
Gnun po ba, lol
Hahahahaha dami mong alam wala ka naman jowa π€£ magjowa ka kase muna.
Ahahahaha, bastos mandin nito ay bat ika'y nambubuko π. Porket may ka loving loving sya ee. Pero wala naman jan kaya kapareho lang tayo ahahaha ππ
Hahaha, masyado ka maraming nalalaman kase wla nmn jowa π€£
Hahahaha, maigi nang maalam. At least hindi lang nganga ng nganga, pag madami kasing alam, maraming ligaya yan hahahaha
Hahaha sana all maraming alam ππ€£ tuloy lang ang ligaya ganern?
Yeshhh, tuloy na tuloy, may kasamang nginig π€
Haha, tama is eybyoung! Andamj mong nalalaman wala ka namang pag ibig. π
kala mo expert bhe eh noh hahaha pero galing man din dami nya sinabi.
π€£π€£π€£π€£
Paano ba mag HAHA react dito π
Hahaha, grabi naman, bat naman, katawa tawa ba talaga? Pwd na ba akong comedian? Hahahaha
Hahaha oo, sarcastic comedian π
Hahahaha, pwd pwd haha
May pinaghuhugutan ka na naman?? Sabi nga kasi, "love is made for two not just only for you." kung ikaw na lang ang nagmamahal bakit kasi hindi ka pa bumitaw. At kung paulit ulit na dapat matuto ka na. Minsan tama na ang isang beses. π
Minsan kailangan talaga marami para intense yung sakin. Para madala ka agad hahaha.
Hindi sapat ang isa ano? Haha gusto unlimited. Feeling nya ata rice sa mang inasal.
Ito yung tinatawag na trial and error. Lol π
Wala naman, trip ko laang naman at akoy wala na talagang maisulat. Para maiba naman ba. Hahaha, totoo naman pero minasan madaming ding nagiging bulag ss pag ibig, minsan di naman talaga love yun, kasi ung iba nagpipilit nalang, di na nga mahal tuloy pa din ang kapit.
Pero alam mo pag mahal mo talaga ay magpapakatanga ka rin. Minsan nga di mo alam na tanga ka na e π Stupid love! Yeah, break it down!
Naku madaming ganyan ss pinas ah, nagbulag bulagan. Ung alam ng di na sya mahal todo kapit pa din. Gusto na nga magpatihulog nong lalaki sya naman nangunyapit pa, gusto pang iligtas. Ay kainaman na talaga.
Di bagay ang sobrang seryoso sa character mo madam. Haha π sino inspiration neto?
Ahahahaha, seryoso ba madam? Paramg di nam kaya π hahaha lalo na sa dulo π. Wala kasi akong masulat π£ kaya yam nalang muna lambang lambang na nga lang ahaha
Kaya nga, buti nlng naging comedy sa dulo. Hahaha π
Ahahaha, biglang na blank utak ko, kwya tuloy π
Ganon talaga ang pag mamahal. Kapag nag mahal ka dapat handa kadin masaktan. Ang pag mamahal ay Hindi lang puro tamis ka tulad ng sa mga fairy tales. Sa realidad, ang pag mamahal ay may kaakibat na mga pag subok na Lalo magpapatibay sa relasyon nyo biglang mag irog.
Ay hala ka, mag irog, mag pangga at mah darling hahaha. Totoo naman yan, di talaga maiiwasan ang masaktan, basta wag lang di na uulit or ma trauma ba. May ganon kasi diba, naging manhater na nga.
Oo Yun kasi nagging defense mechanisn Nila.
Kaya nga, sana ay makapag pabago pa sa kanila. Mahirap daw kasi ang may galit sa dibdib.
Alam mo baga, hindi laang katawan natin ang kailangang maging malusog, dapat pati relasyon din. Kailangan ng Vitamin C, para di lumapot ang dugo at para naman patuloy ang pagningas ng apoy ng inyong pagmamahalan, Yan ata kulang samij dati. Vit C π€£π€£ Hugot na hugot. My jowa knb? π€£π€£
Dami kung tawa dyan π€£ may mga vitamins pang nalalaman π€£π€£
Oo nga..kulmgcata kmi dati ng Vit C kya hndi nag apoy relasyon namin..tawa ng tawa dn ako knina sa CR π€£π€£π€£
Hahahaha, dapat ikaw din sagana sa vitamins, pampatibay ata ng tuhod yan para tumatagal sa laban hahaha charrr
Ahahaha, ay malamang nga na yaan. Bat kasi nawala ang apoy, dapat kasi lalo pang pagningasin at lahing kumain ng sagana sa vitamin c πππ. Wala nga ako masulat kaya yan nalang, kahit wala akong jowa π£π Hala ka ang yaman ni madam, salamat sa upvote ππ€©ππ
Ibabalik mo nmn yan eh π€£π€£π€£ biro lng ββ Natuwa ln ako sa article mo..haha..binuhay mo ang gabi ko.. Next time alam ko na gagawin ko...kakain ng madami sagana sa Vit C π€£π€£
hahahahahaha hahahhaaha dami kong tawa dito. ang galing magsalita kala mo naman may jowa π dinamay mo pa si Nicole at Georgia eh nananahimik na ang mga yun ngayon. pero tama ka din naman, wag natin iconsider na maling tao yun kasi kahit papaano naman napasaya ka niya. Nasaktan din naman ako ng sobra, at ang masakit dun eh di naman naging kami dahil ang feeling ko nga at choosy pero nung nawala siya di ako nagalit sa kanya at di ko rin kinonsider na maling tao siya dahil napasaya niya ako nung mga panahon na nasasaktan ako dahil sa iba. Nyaay drama!
Ahahahahaha, ay mga panira mandin sila ng relasyon π. Naku kahit wala akong jowa madami akong alam. Kababasa ng ano .ahaha Saka wala ka ngang karapatang magalit madam. Di nga naging kayo diga πβοΈ. At wala talagang maling tao kasi nabigyan ka naman nya ng emosyon na magpapatunay na tao ka, nasaktan ka nga, wala na tayong magagawa doon kasi may natutunan naman talaga. At ang natutunan mo ay? Wag assumera kasi masasaktan ka lang, dapat sakto lang yunh galawang @eybyoung dapat, yan kasi ang malupet sa ganyan haha πβοΈ Nagulat ako sa upvote niniyo, ang lalaki parang relate na relate ee wala naman ngang jowa π, akoy nagpapasalamat ng wagas π€©π
Hahaha galawang breezy lang ba..
Ay oo, hahaha. Malupetan ka pala noon ee. At salamat sa upvote π€©π
hahahahha nakakapanggigil din naman talaga ang dalawang yun, ayoko ngang manood nung palabas nila at mahahighblood lang ako π Pa fall kasi siya at assumera naman ako hahaha akala ko siya na ang sisira ng naka set kong standards eh, pero hindi pa pala. Okay lang at least natuto. Eh di ko rin naman keri maging katulad ni eybyoung, galawang maria clara pa rin yay! Nakikiuso lang talaga ako sa malaking upvote hahaha
More comments