Goodnight noisemates. Etong brick game ang patunay na hindi sa lahat ng oras ay pag aagawan ka o nakakapagbigay ka ng saya, at sadyang maling lugar lang ang napuntahan mo. Nakita ko ito nakalapag lang sa table deadma na lang sa mga bagets, pero nung panahon namen walang pahinga ang brick game noon, kahit pa medyo nagpapatay patay na dahil mahina na ang baterya hehe Nagchat ako kanina sa nanay nung classmate ni Champ around 7pm, ayaw pa umuwi ng anak ko, kaya sabi ko sige pagbigyan, 9pm pumunta na ako at sinundo ko na, aba at humirit pa rin, ayon 10pm din kami nakauwi. Nakakatuwa lang, naging co-parent ko pa yung dating professor ng mister ko nung college. Mataas rin katungkulan nito ni mam sa school namen. Pero napakadown to earth kaya hindi masyadong nakakailang kahit na mga bigatin din ang bisita nila.. Goodnight noisemates. Bukas maaga rin kami aalis punta naman kami sa bahay ng ate ko para sa blessing ng bahay nila. :)
No comments yet