Ganda naman ng customer ko.hehe Lunch time na, dumaan muna kami dito sa store namen, nakilunch na rin ang baby ko kasi miss na daw nya food ng store namen hehe Wla na rin akong time magluto kasi may inaasikaso pa ako kaya lunch na rin kami dito at take out nlang namen ng food si kuya nya.. Kain tayo noisemates.. :)
@RoseAnn16 in March 2022
Ayaw matulog ng anak ko kaya sabi ko module kami. Ayon nakakaisang week pa lang kami sa isang subject e gutom agad hehe Dami dahilan e, basta nagmomodule andyan si may makati, may masakit, napapagod, nagugutom. Pero kapag naglalarao walang nararamdaman.hehe kulit e.. Gandang hapon noisemates.. kumusta kayo?
Good morning mga mamsh. Minsan ba pinagttripan nyo rin mga anak nyo? Hehe ako kagabi napagtripan ko bunso ko, ang kukulit kasi, sinabi ko na napulot lang namen sya sa may kalabaw, tapos sabi ko binabawi na sya sa amin ng totoo nyang nanay kasi dadalhin na syang amerika. Lol Ewan ko ba nito sa anak ko bakit naniwala e halos gabi-gabi naman ako nagkkwento sknila kung paano ko sila inanak hehe Iyak ng iyak ang loka, pero syempre dko rin napigilan sinabi ko ng Joke Joke lang.…
x Dinner Time x Mukhang mag no no rice muna ako tonight, dami kasi ulam, actually meron pa nung niluto ko knina na gulay, dko naisama sa picture kasi iniinit ko. Ito naman chopsuey e kabibigay lang ng byenan ko kaya dumami ang ulam, kaming tatlo lang ng mister at bunso ko ang kakain kasi busog itong panganay ko at nakipagbirthday sa kalaro nya. Kaya para maubos at hindi masayang ang ulam e magpapak nalang ako hehe (kunware diet) Gandang gabi sainyo dyan, kain na rin kayo…
Good morning noisemates. Kagabi biglang natripan ng mga anak ko na magpabasa ng book bago matulog. Nakakatuwa ung bunso ko e, alam mo ung after kong basahin e ittranslate ko sa tagalog? Tapos sasabihin ng bunso ko "go ahead mama naiintindihan ko po ang binabasa mo" hehe odiba? Patranslate translate pa kasi ako naiintindihan naman pala kapag english hehe Buti pala hindi nagtatampo ang mister ko, lately sobra akong antukin, yung halos kadadating lang nya galing work e tulog na…
x Siomaiii x Bukod sa sisig at lechon manok, e isa itong siomai sa choices namen kapag wala kaming ulam, i mean kapag wala kaming maisip na ulamin. Bet ko itong siomai sa dimsum panda, masarap kasi sobrang meaty, hindi ka maaalangan na kainin, kaya kahit mas pricey sya compare kapag sa palengke mas prefer k pa din ito. Saka may free na rin sya isang pack ng chili oil saka toyo, malalaki rin sya kaya sulit naman talaga iulam hehe Halos katatapos lang namen kumain, kayo dyan…
x Bananacue x Ayon nahinog na yung saging na binigay sken ng kaibigan ko kaya ayan niluto ko na. Almusal tayo noisemates. Mabuti na lang umuulan dito ngayon hindi mainit. Schedule ngayon ng brownout e from 6am-6pm medyo matagal, kaya tamang silip lang ako dito, kasi baka malowbat agad ang powerbank, kinokonek ko ung wifi dito sa powerbank e. Kasi kung sa data ako aasa e wala talaga, wala talaga kaming signal hehe Kain na rin kayo noisemates. Seeyou later..
Gandang tanghali noisemates. Nakakainis biglang uminit dito smen, ang hirap kapag walang kuryente. Hays Mukhang hindi makakatulog ang bagets sobrang init e, kya ayan pinagbigyan ko maglaro, ang galing nga e, talo pa ako magpipindot sa laptop. Iba na talaga generation ngayon e, samantalang ako nung bata ako brick game lang e natatakot pako magpipindot lalo kung hiniram ko lang, hehe Nakakaantok pero sobrang init, mahirap makatulog hays
Throwback sunday tayo hehe Good morning noisemates. Naalala ko to birthday ng pamangkin ko 4yrs ago, nag overnight buong family namen sa isang resort. Ang sarap gumising tapos eto ang bubungad sayo. Nakakamiss gumala ng malaya. Actually pwede na naman lumabas ng lumabas ang mga bata, sadyang Hindi lang namen ittake risk ang health ng mga bata. Nakakainip na rin, sana matapos na ang pandemyang ito, sobrang stress na ang dulot..
x Turon x May left over pa akong Lumpia wrapper, tapos may saging na saba pa. Kaya ayan may turon kami, mas bet ng mga anak ko kesa sa bananacue, parang tig isa o dalawang saging lang sila kahapon sa niluto kong bananacue. Pero kapag turon kaya nilang ubusin yan hehe Tulog pa ang makukulit kaya naghanda na akong meryenda nila habang tulog pa.. Gandang hapon noisemates. :)
*Anak kong loka lol* Kanina umuwi na tapos humingi ng tubig kasi nauuhaw na daw sya, pagod na rin kalalaro. Tapos maya-maya maghelp daw sya sa akin, paghiwa ng sibuyas at bawang, magluluto na kasi ako kanina. Then suddenly biglang sumigaw sa tapat bahay namen yung kalaro nya "BANG MACEY" Sabay tanong ko sa anak ko, o naglalaro pa kayo? Natawa sya sabi nya "ay oo nga pala po, iinom lang sana akong tubig" lol Ang kulit e, naghahide & seek pala ang loka hehe Basta makaisip kasi…
Goodnight mga mamsh. Kasama ko kanina sa tindahan itong baby girl ko, nakakatuwa kasi willing to help sya, kahit may nakakapabagal e pinagbibigyan ng staff namen, pinapatulong sya. And ang nakapapagpahappy sa akin nung may tapos ng kumain na customer at paalis nya sabi nya "Thankyou po, take care byeee" kaya natuwa naman ung mga customer namen, ang cute daw ng baby ko kasi magalang pa hehe Nung wala pa kasing pandemic palagi kami nasa tindahan, kaya nakikita nya kung pano…
x Laing x Natong sa bicol, Laing sa tagalog. Sabi ko pa naman hindi ako magrarice ngayon, kaya pala tumawag sa anak ko ang lola nya at pinapunta sknila para bigyan ako ng gulay. Nako, wala na naman diet diet neto. Hehe Gandang gabi noisemates. Kain tayo para maya-maya makatulog na rin. Masarap matulog kasi malamig. Halos maghapon paulan ulan dito sa amin e kaya malamig ngayon.
Good morning morning noisemates. Pampagoodvibes lang. Kagabi pa to, kaso sobrang antok nko kagabi dko na naipost. Ganito rin ba kayo sa kaibigan nyo? Yung todo emote na tapos ganyan reply nyo lol Pasensya na sa mga kaibigan ko lalo na sa mga lalake kong kaibigan. Abnormal talaga ako 😅 Way ko lang din to para pagaanin loob ng kaibigan ko, kasi hindi naman sya ganyan, para lang wag panghinaan ng loob hehe
x Memories x Yung bawat subo ko ng chips e parang bumabalik sken memories nung bata pa ako. Isa ito sa paborito kong chichiria noon e. Bihira na din ako kumain ng chips kasi may mga anak ako na makikikain sigurado, para hindi kami lahat magkasakit e bihira na lang kumain ng chips hehe Gandang gabi noisemates..
Share ko lang breakfast namen kanina, maruya at turon. Madami kasi akong saging na saba, kahapon kasi galing ako sa bahay ng magulang ko, pumasyal lang. Tapos sakto nagtiba(nag-ani) daw pala si papa ng saging nung nakaraan at hinog na rin kaya ayan binigyan ako ng nanay ko, pinahatiran nya na rin sken ung ate ko kasi along the way naman bahay ni ate pagpauwi ako tapos may tableya rin binigay si mama kaya ayan masarap ang hot choco ko :) Mahilig magtanim ang tatay ko, sayang…
Goodnight mga mamsh. Nalipasan nko ng antok kanina, kaya naman till now gising pko, pero pipilitin ko na rin matulog kasi late na. Kanina halos maghapon akong wala sa bahay, nakakatuwa lang ang anak ko kasi kung tutuusin pwedeng pwede na nyang gamitin ung laptop kasi wala naman ako. Pero dahil ginagalang nya kami nag ask pa rin sya ng permission sa akin. May games kasi sya sa laptop na hindi nya malaro sa tablet nya, nakakatuwa pa kasi sumusunod rin sya sa napag-usapan namen…
x Nilagang saging x Naglaga ako ng saging, tinanong ko muna mga anak ko kung gusto nila bago ako nagluto, ayaw daw nila so konti lang niluto ko kasi ako lng naman kakain. Ayon binigyan ko sila nung naluto na, tig isang platito na slice na, ayon ang ending ngustuhan nila ung naka slice na hehe ayon buti may natira pa sken isang piraso hehe Mga bta talaga minsan iba din ang trip e noh?
May mga kaibigan talaga tayo na paladesisyon noh? Magkakaroon kasi kami ng reunion sa batch namen nung highschool, 15years na. Sabi ko sa mga kaibigan ko undecided pa ako kung aattend ako o hindi, may mga bagay kasi na mas kailangan kong i-prior, bukod don medyo tight din ang budget talaga since kakatapos lang ng renewal ng permit sa munti nameng negosyo. Hindi rin biro ang gastos sa permit e. Kahapon nagmessage sken isa kong kaibigan, bayad na daw ako sa contri para sa…
x Ginataang Halo-halo x Sakto ang meryenda namen sa panahon, makulimlim kasi dito smen medyo malamig din. Kaya pala kanina nagharvest ng ube ang byenan ko ayan na ngayon nagluto sya ng meryenda hehe nakalibre na naman kami ng meryenda hehe Kumusta kayo noisemates? Nakakatamad ang panahon. Dami ko pa naman sinampay lalo na kahapon maghalon talaga yung ulan.. Gandang hapon noisemates.. :)
x Monggo kahit hindi friday x Dahil nag video kami experiment ng anak ko sa science about convection. Ayan monggo ulam namen kesa naman masayang hehe Nakatipid pko, nagprito na lang din ako ng isda para partner sa ginisang monggo.. Maaga rin tuloy nakaprepare ng lunch hehe Kayo dyan noisemates? Maganda na panahon dito sa amin ngayon. Mukhang nasawa na ang ulan hehe
Gandang hapon noisemates.. Kakauwi lang namen, pumunta kasi kaming store namen may pinaayos kami sa byenan ko pinawelding ko ung upuan kasi nasira na. Tapos may message pala ang anak ko, ngayon ko lang nabasa. Nakakaproud kapag ganito ang anak kahit na mag isa lang sya sa bahay kanina e nagpaparticipate pa rin sya ng maayos sa class. Happy sya ishare sa akin kapag napupuri sya. Sana wag magbago sa pag aaral ang anak ko, kaya hindi ko rin sya pinaghihigpitan na masyado sa…
x Sisig x Lumpiang Gulay x Dinner tayo guys. Minsan talaga mas prefer ko bumili na lang ng ready to eat na ulam e, like ngayon 120Php lang gastos ko sa ulam, unlike kapag nagluluto kulang pa ang 120. Lalo na ngayon sobrang mahal na ng mga bilihin. Sa cooking oil pa lang mamumulubi ka na sa presyo e. Hayys Pero minsan lang naman ito, ayoko rin masanay mga anak ko sa biling ulam e, saka mas naaappreciate nila ang pagkain kapag ako mismo naghanda hehe Gandang gabi noisemates..…
Heavy Rain Grabe sobrang lakas ng buhos ng ulan to the point na nagising ako sa sobrang lakas. May time pa naman na natatakot talaga ako sa ulan ewan ko ba! Grabe ilang minuto na rin tuloy-tuloy ang malakas na ulan. Ewan ko ba dito sa amin, ganda-ganda ng panahon kahapon e, akala ko pa naman start na ng summer dito nako wow mali pala. Ganito talaga panahon dito sa amin, weird madalas. Hays sana tumigil na, kawawa naman yung kapitbahay namen na trapal lang ang bubong, alam mo…
x Sinangag x itlog x tuyo x Good morning noisemates. Dahil may aatendan na seminar ang mister ko maaga akong nagluto ng almusal. Kahit hindi sya mahilig kumain sa almusal e pinilit kong kumain para may laman ang tyan nya bago sya umalis. Makulimlim na naman dito sa amin, ang moody talaga ng panahon dito sa amin e. Keepsafe ang lahat noisemates..
Pasalubong ko saknila vs. Bigay nila pagdating ko. Kakauwi ko lang, may inasikaso kasi ako, grabe sobrang init sa labas, mabuti na lang kanina bago ako umalis naisipan kong magsuot ng jacket, kasi kung hindi baka tutong na ako hehe Nakakatuwa naman iwanan ang mga anak ko, may paganito pa. Ang sweet db?hehe Yung sobrang ulan kaninang madaling araw sya namang sobrang init ngayon. Nakakauhaw talaga yung init e, ang sarap magmilktea kaso nagmamadali nko kanina di nko nakabili,…
x Humba x Iba-ibang version ng luto ng humba but this one is my favorite. Luto ito ng asawa ko, bigla ko tuloy naalala tatay ko. Masarap magluto ang tatay ko lalo na ng sinigang na baboy at humba. Kaya nung mga bata pa kami, masaya kami kapag nakakaluwag luwag ang magulang namen, kasi sigurado magluluto ng masarap ang tatay namen, wala lang napakwento lang. Gandang gabi noisemates.. Sa sobrang mahal ng karne bihira lang talaga makapagkarne..
Good morning noisemates. Share ko lang, 2days seminar ang mister ko, kahapon saka ngayon, tapos ngayon lang ayan share nya sken sya daw highest sa pre-test. Nakakatuwa ang mister ko, kahit noon pa naman kahit sa dati nyang work, eveytime may seminar or trainings e nag eexcel talaga sya. Ang nakakatuwa sa mister ko is sobrang humble para bang para sakanya e tsamba lamg palagi. Pero syempre hindi naman ganon un, humble lang talaga. Hehe (Alam nyo na po kung kanino nagmana anak…
Mainit na hapon noisemates. Tapos na seminar ng mister ko, paguwi nya dala pa ung free snack sknila, busog pa daw kasi sya, dami daw food nung lunch kanina e, marami naman talaga nagsend sya ng picture kninang lunch e hehe Mas malakas n ako kumain sa mister ko ngayon kesa dati e hehe Sobrang init naman ngayon, pero masarap kape ang kapartner nitong buko pie e..
Good evening mga mamsh. Just got home. After how many months, nakaligo naman at nakapasyal ang mga bata sa dagat. Mabuti na lang maaga natapos seminar ng mister ko, nagkaron ng time maigala ang mga bata. Sakto lang ang punta namen wala masyadong tao, kaya di na rin kami masyadong nagpagabi kasi dumadami na ang tao. Bukas back to work na naman ang mister ko. Nakakatuwa talaga mga anak ko, habang pauwi kami e paulit ulit ng sabi ng "Thankyou po mama at papa super happy po…
After 2 years nakapasok ulit ng school ang kuya ko.. Every friday lang ang schedule ng face to face nila since online class pa rin naman sila. Then limited pa rin ang papasok sknila. Nakakatuwa kasi excited talaga ang anak ko, maagang nagising and himala hindi kami nag-away sa pagpapakain skanya ng almusal. Noon pa man kasi hirap na akong pakainin sya ng breakfast, wala pa kasing ganang kumain kaya napakahirap pakainin. Mamaya sunduin ko nalang sya,magluluto na muna ako kasi…
Share ko ang aming lunch kanina, late ko napost kasi after ko magluto byahe agad ako para masundo si kuya Champ ko sa school. Daming kwento ng anak ko, nag enjoy daw sya at pinagbasa daw sila one by one and napuri daw sya ng teacher nya, "fast reader" daw sya. Parang namiss ko rin tuloy ang face to face class nila, ganito sya kapag sinusundo ko e, paglabas nya palang ng room nagkkwento na ng ginawa nila. Looking forward na makabalik na tayo sa normal na buhay natin. Gandang…
Done eating dinner noisemates. Yung kapag ginisang gulay lang e ang hirap pakainin ng mga bata, kaya ayan yung left over na gulay kanina ayan binalot ko sa lumpia wrapper edi ayon sarap na sarap sila lol Wala kaming sabaw kaya nagluto akong suam na itlog. Para ganahan lalo kumain ang mga bagets, masarap at healthy pero mura lang hehe Kayo dyan noisemates kumain na ba? Gandang gabi noisemates..
Kakatapos lang namen maglunch. Kaming mag iina lang kumain ayan di naubos ang ulam. Ako lang kumain ng gulay, as usual. Pero atleast maglagay sila ng sauce sa rice saka ilang pirasong cabbage at carrots. Ganito madalas ang gulay ko kasi kung ibang gulay di talaga nila kakainin hays. Sobrang init ngayon, pero nauuhaw talaga ako s kape, kaya ayan kahit sobrang init e balewala. Coffee is life talaga ako lol Sarap sana maghalo-halo. Pero yung solid n talaga sanang halo-halo kasi…
Habang nag iscroll ako, pampaantok sana. Tapos eto nakita ko hehe ang kulit e. Receive parcel muna bago kasal hehe O yung mga noisemates natin dyan na mahilig umorder baka mataunan din na sa kasal nyo dumating parcel nyo hehe Ayan lalo tuloy akong hindi inantok. Gandang hapon noisemates. Medyo hmupa ang init dito ngayon. Medyo kumulimlim..
x Burger with egg x Coffee x Meryenda tayo noisemates. Yung bunso ko after magmeryenda ayon pumunta na sa lola nya, eto namang kuya ko hinatid ko sa bahay ng classmate nya, ngayon lang sya niremind na ngayon pala ang celebration, nung march 7 pa kasi ang bday, ayan ang ending wala kaming gift. Hehe Kaya hinatid ko lang ang anak ko susunduin ko na lang mamaya. Last birthday non naloka ako sa gift namen, nerf gun binili ko, then nung andon kami at naglalaro na sila ng anak ko,…
Goodnight noisemates. Etong brick game ang patunay na hindi sa lahat ng oras ay pag aagawan ka o nakakapagbigay ka ng saya, at sadyang maling lugar lang ang napuntahan mo. Nakita ko ito nakalapag lang sa table deadma na lang sa mga bagets, pero nung panahon namen walang pahinga ang brick game noon, kahit pa medyo nagpapatay patay na dahil mahina na ang baterya hehe Nagchat ako kanina sa nanay nung classmate ni Champ around 7pm, ayaw pa umuwi ng anak ko, kaya sabi ko sige…
Lunch time na noisemates. Eto ung balat na hindi mo hihindian hehe Tapos na ang blessing ng bahay ng ate ko, enjoy ang mga kids at marami silang nakuhang coins hehe Syempre ako enjoy na dito sa balat hehe Tara kain na rn kayo noisemates. Medyo busy ako kasi medyo madami ang bisita ng kapatid ko, kailangang mag-assist hehe Gandang tanghali noisemates..
Gandang hapon noisemates. Sinong nauuhaw dyan? Tara kuha na libre lang hehe Ang pagod noisemates, dami rin bisita nila ate halos ngayon lang humupa. Tara noisemates chill muna tayo hehe Minsan lang to kaya pagbigyan na. Konti lang kasi magddrive pa pauwi, tapos may mga kasama pang bagets.. hehe
x Tikoy x Kape x Tara almusal tayo noisemates. Sobrang sarap talaga ng tikoy ng inlaw ng ate ko, soft and super creamy. Kaya kapag may okasyon sa ate ko hindi nawawala ang tikoy, marami din orders sa byenan nya lalo na tuwing pasko at bagong taon. Kasi sobrang sarap naman talaga ng tikoy, hindi tinipid sa ingredients:)
x Ensaladang Pako x Ayon mabuti na lang may naglako ng pako kanina, saktong-sakto panlinis ng tyan. Puro mamantika pagkain namen kahapon e. Balak ko sana mag ampalaya kanina, mabuti may naglako nito, kasi siguradong kami lang nnman ng mister ko ang kakain ng ampalaya hehe Kain na tayo noisemates. Gandang tanghali.
Spirit of Giving Yung brother ko binigyan ako ng isang box na ensaymada, bago naman ako umuwi ng bahay e dumaan ako sa bahay ng ate ko at ishinare ko sakanya etong ensaymada. Bago naman ako umuwi binigyan naman ako ng ate ko ng cake (yan nlang natira, binigyan ko kapitbahay ko ng cake saka byenan ko) Tapos pagkauwi ko ng bahay pinahatiran ko sa anak ko ng cake at ensaymada ang byenan ko. Pagbalik naman ng bahay ng anak ko ayan may dalang ulam, bigay naman ng lola nya, corn…
x Ensaymada x Kape x Almusal tayo noisemates. Late na bumangon off kasi ng mister ko ngayon hehe kaso kapeng kape na ako kaya bumangon na rin. Ngayon ko lang napansin, nakalimutan ko pala itong saging nakasabit sa motor, bigay naman ito ng nanay ko kahapon. Hehe Bukas o sa isang araw medyo hinog na ito, nakakatuwa lang kasi kung bibilhin to sa palengke magkano na rin siguradong mahal na. Perks of may mga pananim hehe Good morning noisemates..
Good evening noisemates. Share ko lang dinner namen kanina, pansit bato tawag nyan dito sa amin. Dahil originally e gawa ito sa isang bayan dito sa bicol na ang pangalan ay "bato" kaya tinawag na pansit bato. Kanina habang kumakain kami, may kumatok sa bahay, ung kapitbahay namen, nagpatulong sa mister ko na ayusin ang cctv nya, para maiconnect sa phone nya. Meron din isang bagong bili lang nyang cctv nag install lang ng app ang mister ko sa phone ng kapitbahay namen saka…
H a p p i n e s s Kapag nanay ka, bukod sa stocks at budget ng pamilya, e ito ang isa sa nakakapagpasaya sa mga nanay. Kaso nasugat kamay ko sa paglalaba, dami rin kasi akong nilabhan, naghandwash ako, hindi kasi talaga ako fan ng washing machine. Hindi lang yan ang nakasampay ko, meron pa sa kabilang side hindi ko lang napicturan na. Hehe Maganda maglaba ngayon ganda kasi ng panahon, siguradong tuyo ito mamaya. Magkakape muna ako, di na ako nakapag almusal kanina e.. hehe
Good evening noisemates. Kakatapos lang namen kumain. Wala akong gastos sa ulam namen tonight hehe Yung sabaw galing na naman sa byenan ko, ito naman chicken pops at fillet e galing naman sa tindahan. Ngrequest ng chicken pops/fillet ang dalawang bata e, balak ko sana magluto ng tinolang itlog para may sabaw, dumating din naman ung byenan ko at may dala ngang sabaw hehe
"When things go bad, do not forget that your struggles are meant to make you better" Minsan talaga may mga pagkakataon na panghihinaan ka ng loob. Pero out of nowhere makakabasa ka ng mga words of wisdom kagaya nito na makakapagpaboost pa sayo at makakalimutan mo yung mga bigat na dinadala mo. Nakakatuwa lang medyo na relieve ako dito, parang sinasabi na kalimutan ko ang problema ko at matulog ako ng mahimbing. Nagtitwala ako sa Panginoon na kung ano man mga nangyayari…
Good morning noisemates. Sarap naman balikan yung mga ganitong moment na lumalabas sa timeline ko. Eto ung pangalawang beses sya sa daycare 5yrs old sya dito. Nakakatuwa itong panganay ko ambilis nyang matuto kahit noon pa. Kaya sana wag magbago kasi sayang din ung foundation at yung nasimulan nya. Kaya until now hindi ko sya pinupwersa sa studies nya, ayokong mafeel nya na stressful ang pag-aaral. Kaya hinahayaan ko sya maglaro o magtablet kasi kapag oras ng klase e…
x Ginisang sayote x Lunch time na noisemates. Tara kain tayo, naglaba ulit ako ngayon, but this time nagwashing machine ako, towels, beddings at curtains kasi nilabhan ko. Kaya naggisa lang ako ng sayote para ulam namen, mabilisan lang dahil naghahabol sa oras hehe Kain na rin kayo noisemates..
Kaway-kaway sa mga masasaya na kahit ganito lang ang almusal hehe Ako masaya na sa ganito, minsan kape lang, depende sa mood ko or depende sa dila ko kung anong gustong kainin hehe Naubusan akong kape, bumili ako sa tindahan, grabe 13pesos na pala yung twinpack na kape. Hay grabe, wala na talagang mura ngayon, sa sobrang mahal ng mga bilihin mapapamura ka na lang talaga. Charot 😁 Good morning noisemates.
Hiniram ko kanina tablet ng anak ko, chineck ko messenger nya and yung kapitbahay namen na kalaro nya na madalas e andito sa bahay namen nakita ko may mga sinend na picture sa anak ko, picture nya na naka middle finger. Tapos sakto naliligo sa may gate namen itong anak kong panganay at papalapit ung kalaro nya skanya sabay sabing "Naliligo na naman si Baboy". Syempre as a mother hindi ako papayag ng ganon, lumabas ako at tinawag yung kalaro ng anak ko. Siguro nasa lugar…
Good morning noisemates. Tara mgkape kahit tirik na ang araw hehe Nakakatuwa naman ang tita ng asawa ko,naalala pa din ang mga anak ko, nagmessage sken kahapon may ibibigay daw sya sa mga bata hehe Pero for sure ako lang kakain nitong cookies. Baka tumikim lang itong dalawa ko, ayaw nila ng sesame seeds e hehe Nag aalmusal palang ako habang nagpprepare na ng pananghalian hehe Keep safe noisemates. Keep Hydrated. Sobrang init na ng panahon ngayon..
My baby bunso. Flex ko lang ang baby girl ko na sobrang mapagbigay. Kapag chicken ang ulam namen at iisa lang ang available na leg part. Kahit gusto rin nya ng leg part e palagi nyang binibigay sa kuya nya. Kanina kumakain na kami tapos ung kuya nya wala pa kasi naghatid ng ulam sa lola nila maya2 sabi ng bunso ko "Look mama i prepare some food for my favorite kuya and i even give him the leg part" Nakakatuwa lang. Pero minsan ung kuya nya pinagbibigyan din sya na ibigay…
x Watermelon for Dessert x Galing sa byenan ko hehe ayan may panghimagas kami. Anyway naalala nyo po ba ung kwento ko kahapon na ung kalaro ng anak ko na wagas kung magmura? Nakwento sken ngayon ng anak ko, kanina daw pinuntahan nya don sa Bahay nila ung kalaro nya inaaya nya dito sa bahay kasi magwwifi daw sila dito. E wala naman ako sabi daw nung kalaro nya ayaw daw pumunta dto sagot naman daw ng anak ko "tara na, wala naman sila mama umalis, saka hindi un galit" e narinig…
x Pork steak x Kakatapos lang mangtanghalian noisemates. Bihira na talagang makapagluto ng baboy dahil sa mahal ng presyo. Di rin naman makapag gulay madalas kasi konti ang kain ng mga bata. Pero minemake sure ko pa rin na masustanaya ang kinakain nila. Kumusta kayo nosiemates? Kumain naba kayo? Sobramg init ngayon kaya hindi nakakagana mag-ulam ng sabaw hehe
Bonding ng mga bagets at mga nanay. Hehe Mabuti na lang malapit lang sa bahay namen itong bahay ng co parent ko na naging kaibigan ko na din. Maingay kasi sa bahay ngayon kaso may videoke. May okasyon sila.. Happy rin ang mga bata ngayon kasi malawak dito sa bakuran ng kaibigan namen medyo liblib na ba hehe Tara meryenda tayo noisemates..
x Maruya x kape x Kakatapos ko lang magluto noisemates. Late na rin bumangon kasi mamaya pa naman pasok ng mister ko. Moody ang panahon dito smen ngayon, naambon tapos ngayon naman uminit, pero makulimlim pa din di na maintindihan e hehe Good morning noisemates..
x Binagoongang Talong at tokwa x Pritong Isda x Pinya w/ Pipino x Lunch time na noisemates. Sa panahon ngayon kailangang magtipid hehe Budget friendly ulam namen ngayon, ung cucumber pa bigay ng byenan ko, freshly picked yan. Hehe Kain na rin kayo noisemates..
x Pritong saging na saba x Meryenda tayo noisemates. Dahil wala akong mabilhan ng lumpia wrapper prinito ko nalang ang saging dahil hindi naman bet ng mga anak ko ang banana cue hehe Magtimpla lang akong kape para perfect ang meryenda. Makulimlim na naman dito sa amin.. Gandang hapon noisemates, meryenda na rin kayo.. 🙂
Nakasukskok sa kusina ang kuya ko. Ang aga kasi ng videoke sa kapitbahay namen may birthday kasi. Sakto sa may tapat pa ng bintana kung saan nag oonline class anak ko don nakatapat ang videoke. Kaya kahit ayaw nya mag earphones napilitan kasi di nya marinig lesson nila dahil sa lakas ng videoke. Hanggang mamayang gabi na naman to at hanggang bukas pa hanggat di pa kinukuha ng may ari hehe Good morning noisemates..
Gandang hapon noisemates. Apakasweet naman talaga ng lola ng anak ko, habang nag oonline class ang anak ko, nagdala ng juice na may gulaman ang byenan ko. Nagulat nga ang byenan ko, mabuti raw naiintindihan ng apo nya ang lesson kasi nga malakas videoke sa kapitbahay. Kung hindi nga lang mahina ang wifi sa byenan ko don ko na sana pag online-nin ang anak ko e, kaso loading ang connection don..
x Libreng Meryenda x Gandang hapon noisemates. Ayan may pameryenda ang aming kapitbahay hehe Ayon nabawasan ako ng isipin, ulam nalang mamayang hapunan iisipin ko hehe Nakakaloka na mag isip ng ulam lalo kapag wala kapa sa mood magluto lalong ang hirap mag isip. Hehe Kape muna ako kahit sobrang init hehe
Goodnight noisemates. Kanina nawalan kuryente from 9:30-10pm, napasabi na lang kami haysalamat. Kasi natahimik ang paligid, kaso pagkabalik ng kuryente balik sila sa videoke huhu until now ganado pa. Mahirap naman magreklamo, kilala ko ugali ng mga kapitbahay ko e, baka magkagulo pa hays Mabuti na lang rin magaganda na mga kinakanta unlike kanina paulit-ulit lang ung "Banyo Queen, kabet saka Neneng B ba yon?" Sakit sa tenga ng lyrics, naririnig pa naman ng mga anak ko hays…
Nap Time Sarap ng tulog ng bunso ko, bukod sa tahimik na ulit kasi kinuha na yung videoke sa kapitbahay namen e medyo presko dito sa amin ngayon kasi umulan ng bahagya kaya lumamig na ang hangin. Etong baby ko sanay matulog ng nakadapa hindi rin sya nakakatulog ng walang sapin ng kulambo sa higaan nya, namana nya ito sa papa nya, kaya meron silang tig isang kulambo, kay papa nya para sa paa, sa anak ko naman parang sako mula paa hanggang bewang nya. Hehe Pantravel din nila…
x Kikiam x Dahil nagsend sken ng picture yung friend ko na kumakain sila mag iina mg kikiam, bigla akong nagcrave. Ayon nagluto na lang ako ng sauce at ng kikiam, mas mura kasi, 25pesos lang itong isang pack ganito na karami. Compare kung ibibili ko ng luto ng kikiam sigurado ilang piraso lang at bitin lang sa aming tatlo sigurado hehe . Kapag sinisipag talaga ako at kaya ko namang lutuin o gawin mas prefer ko talaga na ako nalang magluto, alam ko pang naluto ng maayos :)…
x Pritong manok x Ginataang Langka x Ay ang sarap naman talaga ng ginataang langka ng byenan ko, palagi nalang may abot sa amin na ulam. Hehe Mahilig kasi talagang magluto ang byenan ko kahit dalawa nalang sila mag asawa sa bahay kaya palagi kaming naaabutan ng pagkain kasi madalas sobra naman sa knilang dalawa ang niluluto. Minsan pa nga ang mga anak ko sknila na nagdidinner o naglulunch. Hehe Gandang gabi noisemates.. Tara kain tayo. :)