read.cash Log in
@RoseAnn16 more from that month

Good morning noisemates. Dahil dalawa lang ang kapatid namen na andito na may bahay, don sa isa kong kapatid e andon iba kong kapatid at pamangkin natulog, dito naman sa bahay ng kuya ko ito sa rooftop natulog at kung saan-saan nalang kmai nahiga hehe sakto naman kasi nagfifinishing sa loob ng bahay ng kuya ko kaya hindi makatulog sa loob ng bahay nya, pero keri lang, ayos dito matulog apakafresh ng hangin, libre fan na hindi rin naman malamok hehe Maaga kaming nagising para magprepare na para sa surprise naman namen sa tatay namen, next month pa birthday ng papa namen pero iaadvance na namen ang celebration kasi ngayon kami kumpletong magkakapatid. Ito nga palang double deck dito e bagong gawa ng tatay namen, ito skill ng tatay namen e, magwelding, kahit matanda na tatay name e may mga nagpapagawa pa rin sknya ng grills, gate o kung ano-ano pa, maganda at pulido kasi sya gumawa kaya may mga suki na sya nakakatuwa lang na naaappreciate ang trabaho nya.. 🙂

1 comment

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.