read.cash Log in
@RoseAnn16

@RoseAnn16 in May 2022

@RoseAnn16

Cravings satisfied. Ganito rin ba kayo girls? Kapag malapit na ang menstruation e ang daming cravings? Nagccrave ako sa shawarma at caramel sundae. Mabuti na lang to the rescue ang papa ko hihi sulitin kasi bukas back to work na sya.. 3days din sya walang pasok kaya puro kain na naman kami, basta andito ito e medyo magastos e, puro foods kami e hehe Gandang hapon noisemates..

@RoseAnn16

Perks of having a sister near you. Kanina pa itong message nya sken pero ngayong gabi lang kami nakadaan, after namen magmeryenda kanina ng mister ko e dumiretso kami sa ospital sa ate nya na nakaadmit at nag asikaso ng mga kailangan para makalabas na, kaya halos ngayon lang nkahawak ng cellphone, nabusy maghapon. Pasalamat ako sa ate ko kasi kapag may sobra sya palagi nya akong naaalala ❤️ Gandang gabi sainyo dyan noisemates. :)

@RoseAnn16

x Ube pao with cheese x Kumatok ang byenan ko kanina naghatid nito, gumawa daw sya ng ubepao. Kaya ayan may breakfast ako, yes ako lang hehe di kumakain ng ube mga anak ko e hehe Sarap ng pagawa ng byenan ko perfect ung mantao(tinapay) Gandang umaga noisemates..

@RoseAnn16

Isa talaga ito gustong gusto ko sa mister ko e, lagi ako/kami naaalala everytime na kakain sya o may masarap na pagkain syang nakain hehe Syempre mga ganitong gesture e enough na sa akin para mafeel kong appreciated ako. Natutuwa lang ako hindi pa rin sya nagbabago. Hehe Timing na timing rin ang chat nya kasi kani kanina lang feeling ko ang lungkot ko kahit wala namang dahilan. O baka dahil mag isa lang ako sa bahay kasi nasa byenan ko ang mga bata. Hehe Gandang gabi…

@RoseAnn16

x Tikoy x Coffee x Naalala ko may tikoy nga palang binigay yung ate ko nung isang gabi, nakalimutan ko kahapon kainin. Kaya ito prinito ko nalang, nagustuhan rin ng anak kong panganay nung minsan nagprito ako ng tikoy na pinagulong sa breadcrumbs hehe Kakauwi lang ng mga anak ko galing sila sa dagat kasama lolo't lola nila saka mga pinsan nagpaaraw lang saglit. Kaya ayon naging "the best mom" pa nga ako kasi ito nadatnan ng panganay ko na breakfast hehe favorite nya to e.…

@RoseAnn16

x Pork & Tofu sisig x Happy lunch time guys. Struggle talaga magfry ng pork. Matindi magsitalsikan ang oil e. Mabuti na lang hindi ako natalsikan hehe Ang ganda ng init dito ngayon, ang sarap magbabad sa ilog. Kaso malayo pa dito smen ang ilog hehe Kakaligo lang pero di mo feel dahil sa sobrang init. Hays Kain tayo noisemates.. :)

@RoseAnn16

Private Hospital ito dito sa amin. Nung nakaraan kasi nasa ospital hipag ko kaya nung pumunta kami e nakuhanan ko ng picture, mukhang malapit na rin matapos itong extension building ng hospital na ito dito samen. Grabe nakakalula, ilang floor pa ba to. Main building nito kung saan ako dyan nakatayo e 2storey lang e. Sabagay maganda naman kasi talaga ang service dito kahit medyo pricey magpaadmit dito e keri lang kasi maganda naman talaga ang service.. Gandang hapon…

@RoseAnn16

Nako puspusan na ang pangangampanya nila hihi House to house pa ginagawa e, kahit gabi na go pa rin, wala ito na reality ng campaign ngayon, sayang rin naman ung mga ganitong tulong kaya wag ng magpakaimpokrita hehe 150 lang yan, e ung mister ko diretso agad sken after iabot skanya ung "pangmeryenda daw" 😂

@RoseAnn16

Good morning mga mamsh. Medyo nasesenti ako ngayon. Totoo talaga na kapag lumalaki na ng mga bata e nagkakaroon na sila ng choices. Maagang kumatok ung mga pamangkin ng mister ko dito sa bahay para gisingin mga anak ko. Aalis na sila pupunta sila sa Naga City, don kasi nakatira panganay na kapatid ng mister ko. Nakakatuwa and at the same time e nakakalungkot rin ang pagiging independent ng mga anak ko. Actually kagabi sana sila magbbyahe di lang natuloy, kaya Ngayong umaga…

@RoseAnn16

Kung may award siguro na the best in-law,hindi ko ipapatalo ang byenan ko hehe Kanina tumawag ako sknya magtu 12 na non, kkumustahin ko lang sana ung mga anak ko, pagtawag ko kanina kumakain na sila, saka naalala nung byenan ko na may iniwan daw syang ulam sa bahay nila para smen ng asawa ko at meron pa akong dessert hehe Ako nalang kumain nito kasi nakaalis na mister ko pumuntang work.. Nakakatuwa talaga ang byenan ko napaka thoughtful.. Masara pa rin humigop ng sabaw kahit…

@RoseAnn16

Tumatawag sken byenan kong lalake kanina nung sinagot e yung panganay ko palang anak. Nakakatuwa kasi nag-a-update kung asan na sila, un pala namamasyal sila at bukas na daw sila makakauwi dito smen, ayan pinapakita nya sken ang view ng pinasyalan nila. Tuwang tuwa ang mga anak ko, panay takbo saka swing, malawak ung lugar e kaya tuwang tuwa sila maghabulan magpipinsan hehe Gandang gabi sainyo dyan noisemates..

@RoseAnn16

Very good ang morning ko kahit sobrang sakit ng ulo ko dahil sa sipon. Kasi andito na ang mga baby ko makukulit. Pero itong panganay ko pa lang ang nkakaisip umuwi ung bunso ko andon pa rin sa bahay ng lola nya. Hehe Tumatakbo takbo pa to pauwi sken para magbless at yumakap e. Miss na miss daw nya ako kahit isang araw lang silang wala hehe Nakakatuwa pa kasi iniabot sken tong 100, ito ung binigay ko sknya na pocket money kako nila ng kapatid nya. E dahil hindi talaga mahilig…

@RoseAnn16

Natouch naman ako sa asawa ng bayaw ko. Paguwi ng bunso kong anak kanina dala-dala to. Mother's day Present daw sken ni tita nya. Kahit bilas ko e thoughtful talaga kahit noon pa.. Nakakatuwa at hindi nakakalimot. Minsan lang din kasi makadalaw sknila ang byenan ko kaya may pagift naman hehe Grabe sobrang init noisemates. Lalo akong sinisipon sa init e. Hays

@RoseAnn16

x Popcorn x Cheese sticks x Sipag yarn? Hihi Sinipag akong gumawa ng cheese sticks, nagluto na rin ako ng popcorn. Mahilig sa cheese sticks ang bunso ko kaya ayan paminsan minsan pagbigyan. Sabi ko nalang sknya uminom maraming tubig kasi maalat tapos may cheese powder pa hehe Makulimlim dito smen mukhang uulan nnman, kaya uso nnman ang ubo at sipon e dahil sa pabago bagong panahon. Gandang hapon noisemates..

@RoseAnn16

Happy Mother's Day to all the mom's out there. We deserve a break, break from anything na nakakastress para sa atin. Hindi mahalaga ang regalo, ang mahalaga e naappreciate ka ng pamilya mo. Lalo na ng mga anak at mister mo:) Enjoy our day mga mamsh. Salute to all of us who make sacrifices for the family.❤️

@RoseAnn16

x Tinolang Manok x Happy lunch time noisemates. Minsan lang ako magcrave ng tinola, di ko kasi masyadong bet ang tinola hehe Grabeng init dito smen, nakakatamad tuloy kumilos. Lalong sumasakit ulo ko dahil sa init bukod sa sipon ko e. Kumusta kayo noisemates?

@RoseAnn16

x Ice cream Night x Ice cream kahit sinisipon. Hehe May pa icecream naman ang mister ko, kahit sinabi kong wag ng gumastos. Ang kulit din e. Kaso wala kaming mabilhan Dan Eric's kaya hindi rin ako masatisfy hehe Eto lang kasi meron dito smen, ang Dan Eric's kasi sa bayan pa meron.. Gandang gabi noisemates..

@RoseAnn16

x Curly Hair x Woke up like this hihi literal na kagigising lang, wala pang hilamos yarn. Yung kahapon pa naka braids ang buhok ko tapos ngayon umaga ko lang tinanggal. Trip ko talaga magpakulot e, hehe Kaya nung minsan nag uusap kami ng mister ko sabi ko ipapaayos ko buhok ko, sabi nya "bakit ka magpaparebond e magandan naman buhok mo" sabi ko "hindi gusto kong magpakulot" natawa sya ihh kasi ung iba nga daw gustong gusto ng straight na buhok ako naman daw gusto ipakulot…

@RoseAnn16

x Gulay Pampahaba ng buhay x Pampahaba rin ng budget hehe Kain tayo noisemates. Sana hindi na gaanong mahaba ang pila mamaya, at sana hindi rin gaanong mainit sa pila hehe Nako kaba-kaba na sigurado ang mga kandidato. Dito na magkakaalaman at mapapaid off lahat ng pagod ng mga kandidato. Mainit na tanghali noisemates..

@RoseAnn16

x Nilagang saging x Kape x Ang sarap talagamg humigop ng kape kahit na mainit a ang panahon hehe Ramdam mo init ngayon e, kahit maaga pa mataas na ang sikat ng araw. Kaya sigurado mainit nnman. Good thing lang dito smen kahit papano may mga puno puno pa kaya medyo presko pa rin ang hangin kahit sobrang maaraw ngayon. Nakakalungkot ang bch ngayon kaya idaan nalang sa kape hehe Good morning noisemates..

@RoseAnn16

x Milk tea x One of my comfort food. May bagong bukas na milktea shop malapit dito sa amin nadaanan namen ng anak kanina nung pauwi kami bumili nalang kasi kami ng lutong ulam. Mura lang naman kaya sinubukan namen, masarap naman medyo matamis lang natrigger ang ubo namen hehe Lunch time na noisemates. Tara kain tayo.. Super init nnaman ngayon..

@RoseAnn16

x Pansit-Bihon x Meryenda time na, saktong sakto may pameryenda na naman ang byenan ko. Andito rin ang mister ko ngayon pero hindi sya dayoff. Ongoing pa rin ang virtual seminar nila as one of the requirements sa company nila. Kaya habang nagseseminar sabi ko kain muna sya. Hanggang bukas pa ang seminar nya. Mainit na hapin noisemates..

@RoseAnn16

x Lechon Manok x Gandang gabi noisemates. Mabuti na lang talaga may mga ganito ng pwedeng iulam. Lalo kapag wala ka talagang maisip na lutuin o di kaya naman masama ang pakiramdam mo pero hindi pwedeng walang ulam kasi may mga bata na hindi pwedeng magutom hehe Kayo dyan noisemates kumain na ba?

@RoseAnn16

x College Friend x Nakakatuwa naman accidentally nagkita kmi sa labas ng grocery nitong kaibigan ko nung college. Umuwi lang daw sya para bumoto, sa maynila kasi sya nagwowork, tapos pauwi na rin sya sknila medyo malayo pa dito sa bayan ng Daet ang lugar nila sa Capalonga pa. Mga 2-3hrs bus ride pa. Kaya nagmamadali rin sya kasi may inasikaso lang daw syang papel dito sa bayan. Kaya ayan tamang picture nalang tapos konting Chika chika. Hehe Sabi ko nga skanya hahatid ko na…

@RoseAnn16

x Nilagang Baboy x Gandang gabi noisemates, ready to sleep na kami, share ko lang itong ulam namen kaninang dinner. Saktong sakto medyo maulan dito smen ngayon kaya trip ng mister ko magluto ng sabaw. Hay, dagdag fats na naman,basta luto ng mister ko dko talaga mahindian e kasi masarap talaga syang magluto. Masarap din kumain kasi sabay-sabay na naman kami mag-anak habang may konting kwentohan. Hehe Goodnight na rin noisemates..

@RoseAnn16

x Cheesy Hotdog x Cheesy hotdog for breakfast. Good morning noisemates , sana tuloy-tuloy na maganda ang panahon until sunday. Uuwi kasi kami sa bayan namen, umuwi rin kasi kapatid namen na nasa tarlac. Minsan na lang magkasama-sama ng buo e, ung din ang mahirap kapag maraming magkakapatid tapos napahiwa-hiwalay na ng mga Lugar. Ilang years na rin simula nung last na umuwi sila, ganon din ung kapatid kong si @ann19 na nasa cavite bihira din makauwi, kaya sigurado kaming…

@RoseAnn16

Punuan ang bus, sa likod na part na kami nakaupo. Okay na rin kasi ang next na byahe e 2pm na. Matatagalan kaming tambay kung hindi kami nakaabot, sayang ang oras. 1½ hours din ang byahe e. Mainit ang panahon dito ngayon. Sana ganito rin bukas kasi magpipicnic kaming pamilya.. Malapit na kami sa stop over sa sunod na bayan, sana hindi ganon katagal mag stop kasi sobrang init kapag nakatigil ang bus.. Gandang tanghali noisemates..

@RoseAnn16

x Halo-halo x Meryenda tayo halo-halo noisemates. Super init, ayan tamang halo-halo kami ng mga pamangkin at mga kapatid ko. May nagtitinda dito sa kapitbahay ng kapatid ko e, para lang mapreskuhan naman ang pakiramdam namen dahil sa sobrang init..

@RoseAnn16

Good morning noisemates. Dahil dalawa lang ang kapatid namen na andito na may bahay, don sa isa kong kapatid e andon iba kong kapatid at pamangkin natulog, dito naman sa bahay ng kuya ko ito sa rooftop natulog at kung saan-saan nalang kmai nahiga hehe sakto naman kasi nagfifinishing sa loob ng bahay ng kuya ko kaya hindi makatulog sa loob ng bahay nya, pero keri lang, ayos dito matulog apakafresh ng hangin, libre fan na hindi rin naman malamok hehe Maaga kaming nagising para…

@RoseAnn16

Nako mukhang matututong na naman kami ng mga anak ko, hehe super init pero hindi maawat ang mga bata na maligo, kasi minsan lang naman. Mahina pa ang signal dito sa resort kaya hindi rin halos makapag upload ng photo. Successful ang surprised namen sa tatay namen, super saya nya at kumpleto kaming magkakapatid.. May mga gift din mga apo nya sa kanya kaya happy naman ang tatay namen. 😍

@RoseAnn16

Gandang gabi noisemates. Hyper pa rin ang mga bagets grabe, panay pa rin laro nila don sa may mga cottage, kumuha rin kami ng kwarto para komportable ang tulog ng mga bata, ung iba kasi sa tent na matutulog. Ewan kung matulog hehe mukhang magdamag din iinom iba nameng kasama e, mukhang mga walamg balak matulog hehe Super happy ang mga bata, lalo na ang magulang namen kasi kumpleto kaming magkakapatid. :)

@RoseAnn16

Good morning noisemates. Grabe naman talaga energy ng mga bata, napakaaga gumising para maligo na naman, sinusulit ang oras, mamaya uwi na rin kami ng mga anak ko sa bahay e. Kumusta kayo noisemates?

@RoseAnn16

Maulan ang byahe namen. Mabuti na lang at medyo tumila na, mabuti nalang nakaabot pa kami ng last trip, kapag sunday pala e 3pm lang ang last trip dito smen. Nakatulog kasi mga anak ko pagdating s bahay ng ate ko sa sobrang pagod kakalangoy simula pa kahapon hehe Ayaw pa kaming pauwian ng mga kapatid ko kaso bukas may online class ang anak ko e wala namang wifi dito. Saka nasa bahay rin ang mga gamit ng anak ko. Saka ang mister ko e naiwan sa bahay kasi may work nagtatanong…

@RoseAnn16

Lumabas sa memories ko hehe Naalala ko nung kasagsagan ng ECQ, kung ano-anong pakulo online, dahil babad lang naman sa social media ayan sumasali ako, hehe Nanalo kami dito sa kalook alike mother & daughter ng 500 pesos ng anak ko na hinatid pa mismo sa bahay namen ang premyo dahil nga ecq bawal lumabas hehe Meron pa nung nabunot naman ako sa free raffle isang crispy pata rin ung napanalunan ko nakakatuwa, kapag paid raffle hindi man lang ako manalo hehe Gandang hapon…

@RoseAnn16

Good morning noisemates! Tara almusal tayo, noodles ang gusto ng anak ko, pinagbigyan ko na at bihira lang naman, magluluto sana ako ng egg pero hindi na kasi may mga rashes ang panganay ko ngayon, ewan kung saan sya naallergy kaya iwas nalang muna sa malalansang pagkain, for sure kasi hindi nya matitiis na hindi kumain kung meron nakahain hehe love nya rin ang egg e. May numeracy exam sila ngayon fave to face nako good luck sa mga anak kong ito hindi mga nagsipagreview kasi…

@RoseAnn16

Naalala ko nung mga bata pa kami, yung lola ko mahilig magluto noon ng pop rice para sa aming magpipinsan, tapos sa dyaryo nya nilalagay na nakaganito. Hehe Namiss ko tuloy ang lola ko pati mga pinsan ko. Nagbukas kasi ako ng mani, e hiwa-hiwala kami ng upuan ng mag-aama ko ayan nilagyan ko sila sa papel para share-share kami hehe Gandang hapon noisemates..

@RoseAnn16

Gandang gabi noisemates. Yung sa pamilya palang namen puno na yung resto hehe Kulang pa yan, wala pa ung pamilya ng kapatid kong panganay, wala pa din sa pic iba kong kapatid at nanay at tatay namen. Nasa kabilang table e, mga pamangkin ko palang yan hehe Ang gugulo nga e, makukulit din mga pamangkin ko e hehe Natuwa ako sa ceiling ng resto, ang gaganda ng mga pailaw nkakatuwa. Sinusulit namen ang moment, sa Thursday balik na ng tarlac dalawa kong kapatid at mga anak nya,…

@RoseAnn16

Good morning nga mamsh. Share ko lang po itong kwento ko nung baby pa ang mga anak ko, sobrang thankful ako sa panganay ko kasi 2½ y.o lang sya ng masunduan ng bunso namen, kung tutuusin napakababy pa. Na dapat na sa kanya pa ang atensyon namen. Pero never sya nagselos sa kapatid nya, malaking bagay rin talaga yung itatrato mo ng equal ang mga anak mo ano? Naalala ko nung bagong panganak pa lang ako sa bunso ko, kapag alam nyang gising pa o inaalagaan ko pa kapatid nya…

@RoseAnn16

x Longganisa x Tuyo x Egg x Chicken Nuggets Happiness in one plate. Tapos may sinangag at mainit pang kape, talagang sisipagin ka sa maghapon kapag complete meal ka sa breakfast pa lang hehe Tuyo at egg nako super saya ko na dyan, sawsaw sa maanghang na suka habang nakakamay ay solve talaga :) Good morning noisemates, medyo makulimlim dito samen ngayon, dko lang alam kung iinit ngayon, ang dami ko pa namang sinampay hays

@RoseAnn16

First time kong matry itong bagoong na to, pasalubong ng ate ko galing tarlac. Nakikita ko sa mga post ng iba na ito ang sawsawan nila ng okra kaya triny ko. Hindi ako sanay sa lasa pero ok naman sya. San pa kaya ito bagay noisemates? I mean ano pa kaya ang masarap i-dip dito? Any suggestions noisemates? Hehe Happy lunch time sainyo. :)

@RoseAnn16

Meryenda tayo noisemates. Andito kami kela ate, pauwi na rin dalawa kong kapatid pabalik ng tarlac. Nagpameryenda naman ang ate ko, burger at kape lang sapat na sken hehe Happy ang mga pamangkin ko ngayon at mga anak ko binigyan ng ate ko ng pera para papasko daw nya nung nakaraan ngayon nya lang naibigay sa mga bata kasi ngayon lang sya nakauwi dito.. Gandang hapon noisemates..

@RoseAnn16

Share ko lang dinner namen kanina, don na kami kumain kela ate bago umuwi ng bahay kanina. Goodnight noisemates. Grabe na ang antok ko, 2nights nkong puyat, 2nights rin kami uminom ng mga kapatid ko, sinulit na ang moment kasi umuwi nnman sila sa tarlac, baka matagalan nnman bago sila makauwi ulit dito smen. .

@RoseAnn16

Good morning noisemates. Meet my big happy family. :) Nakakamiss rin pala nung mga bata pa kami, kahit na mahirap ang buhay namen noon. Pero masaya naman, imagine ang dami nameng magkakapatid, hindi na namen kailangan lumabas para makipaglaro hehe sa loob palang ng bahay may mga kalaro ka na. Hindi rin nawawala sa pamilya ung may tampuhan, pero at the end of the day nagkakaisa parin kayo dahil pamilya kayo. Malungkot na naman ang nanay namen kasi malalayo na naman tatlo sa…

@RoseAnn16

x Tinapa x Okra x Talong x Bagoong x Sinangag x Super busog ako noisemates, medyo (bano) bicol term dko alam ibig sabihin sa ibang lugar, nababano pa ako sa bagoong kaya ineexplore ko kung anong masarap hehe masarap pala yung talong dito, medyo naadjust na rin panlasa ko sa bagoong na to kaya masarap na sya hehe Grabeng ulan dito smen kaya tinamad akong lumabas para bumili ng ulam, kung ano na lang available sa loob ng bahay un na lang muna (nakatipid pa) may naglako ng…

@RoseAnn16

Good morning noisemates. Mamaya pa ang shift ng mister ko pero maaga akong bumangon para magplantsa ng uniform nya, may schedule kasi ng power interruption dito smen ngayon from 8am-12nn, himala nga at 4hrs lang ang schedule, madalas kasi 6-6.. Ok lang din magbrownout ngayon, medyo malamig pa rin dito gawa ng paulan ulan pa rin. Anyway lets make another story to make, another good memories for us to remember. Take good care always guys. 🙂 *Photo not mine*

@RoseAnn16

x Pork Steak x Fried fish x Ayon may kuryente na ulit, tara kain tayo noisemates, sakto umiinit na ang panahon dito smen, makakatulog pa rin ang mga bata kasi may kuryente na.. Kayo dyan noisemates anong ulam nyo? Tara kain tayo. Gandang tanghali sainyo dyan noisemates..🙂

@RoseAnn16

x Cheesedesal x Torn between magtitimpla ng kape o magluluto ng noodles, parang bet ko magnoodles gawa ng umuulam nnman dito smen, mabuti na lang nakauwi nko ng bahay bago bumuhos ang ulan. Lumabas ako tapos bumili na rin ng pandesal.. Nakakaantok yung ulan e, kaso alanganing oras na para umidlip, sigurado mahihirapan akong makatulog mamaya pagnatulog pa ko ngayon.. Maulan na hapon noisemates..

@RoseAnn16

Done Watching. Goodnight noisemates, himala hindi ako inantok agad, nakapagnetfix muna kami ni mister, iba yung suspense sa movie na to, basta mga suspense pinapanuod namen hindi agad ako inaantok. Pero mas nakakatense yung part 1 ng movie na to, ewan ko lang kung may part 3 pa, medyo bitin ung part 2 hehe Buti na lang closing shift pa bukas si mister, kaya oks lang magpuyat.hehe Goodnight na noisemates..

@RoseAnn16

Good morning noisemates. Kahapon pko nagccrave ng pansit-dinuguan hays. Dito meron non e, sa Albay pa. 5-6hours pa ang byahe mula dito smen. Kaya hindi rin kami basta-basta makapasyal ng Albay e. Gusto ko nga pumasyal ulit dyan ngayon para malalaki na mga anak ko. Mas maeenjoy na nila ang travel² Sabi ko nga sa asawa ko namimiss ko ung pansit-dinuguan ng Albay. Sabi nya pupunta rin daw kami ulit don kasi miss din nya kumain non habang may kapartner na maruya, ano ba yan ang…

@RoseAnn16

x Creamy Pininyahang Manok x Dirty Ice Cream x Kakatapos lang maglunch noisemates, nakakatuwa talaga mga anak ko everytime tatanungin ko sila kung masarap ba luto ko, sasagot ung isa "hindi po masarap mama,kasi po SOBRANG sarap" lol ung isa naman "the best po talaga luto mo mama" o db? Nakakaganang magluto kapag ganyan sila hehe Sakto naman after namen kumain may dumaan na nagtitinda ng ice cream kaya ayan may panghimgas kami.. Kain na rin kayo dyan noisemates.. :)

@RoseAnn16

x More than Blue x Dahil hindi ako inaantok kanina nanuod nalang akong movie, tapos sabi ko sa sarili ko hindi ako iiyak sa movie na to. Hindi naman talaga ako umiyak sa una hanggang gitnang part ng movie. Pero nung ending na, langya humagulhol ako e, dalang dala ako ng movie, ang galing ni Yassi, Jc at ni bebe Diego ko. Naawa rin ako kay Diego don e, parang gusto kong umeksena at yakapin sya lol charot. Kaya ako na lang nanuod mag isa e, kasi kung kasama ko si mister ko…

@RoseAnn16

x Netflix & Chill x Goodnight noisemates, aba e pagkauwi ng mister ko e may paganito, dayoff nya bukas e kaya siguro biglang naisipang magchill hehe Wala pa naman ako sa mood kasi antok nko, pero baka magtampo kaya netflix muna kami habang nagchchill hehe

@RoseAnn16

Hello noisemates. Does anyone know kung anong pwedeng gawin dito? nareset kasi cellphone ko then i download noise again but suddenly it isnt working. Pero dito sa laptop nakakapag browse naman ako.. thankyou noisemates. Happy Lunch time.. :)

@RoseAnn16

Yung mga ganitong picture makikita mo kung gaano kabilis ang panahon, minsan pa naiiyak ako kapag nakikita ko picture nila nung maliliit pa. Nakakamiss din na buong araw nila nasayo pa sila. Ngayon kasi may kanya-kanya ng kaibigan at kanya-kanyang trip. Pero ok lang alam ko part yan para maggrow sila. Gustuhin ko man na saken lang sila palagi pero magiging selfish lang ako kung ganon hehe Gandang umaga noisemates.. 🙂

@RoseAnn16

Gandang hapon noisemates. Nagmomovie ako dumating ang anak ko may dalang meryenda galing sa lola nya, kumain na daw silang magkapatid don, para daw smen ni papa nya ito hehe Gandang hapon noisemates..

@RoseAnn16

x Pork Adobo with Egg x Iba ung feeling kapag nakapag-ulam na pork hehe ang OA noh? Pano kasi dati nakakabili pako 110 lang ang kalahating kilo, ngayon e 230 550g lang yata to. Medyo napamahal at sa grocery kami bumili. Sana lang bumalik na sa dati ang presyo ng ibang bilihin. Nakakastress minsan mamili thinking na konti nalang mabibili ng budget mo.. Anyway tara kain tayo noisemates. PS: dko naman nilahat lutuin kasi apat lang naman kaming kakain hehe

@RoseAnn16

x Binut-ong x Kakanin for breakfast. Ito lang partneran ng kape ay solve na.. Almusal tayo noisemates, kumusta na kayo? Let's pray na sana maging maayos na ang mahal nating noise.cash kung ano man ang problema sana maayos rin. Anyway, think positive pa rin tayo na sa mas ikagaganda ng system ng mahal nating noise.cash kung ano man ang pinagdadaanan natin ngayon 🙏

@RoseAnn16

Kanina medyo bad trip ako kasi bibili sana ako ng gulay kasi may manok naman sa bahay may pangsahog ako, nung magbabayad nko nawala sa bulsa ko ang 100, siguro dko napansin pagdrive ko baka nahulog. Mabuti nalang may 40 pesos pa ako sa kabilang bulsa sakto pa pambayad sa binili ko. Nakakainis lang kasi nagtitipid nga ako nawalan pa. Nasa isip ko nalang sabi ko sana ung nangangailangan talaga ang nakakuha nung nahulog kong 100. Pagdating ko naman sa bahay dumating kapitbahay…

@RoseAnn16

Maulan na tanghali noisemates. Galing sa byenan ko tong sabaw, nakakatuwa talaga ang byenan ko, kaya thankful ako sknila kasi minsan kahit kapos budget namen e nagkakasya pa rin dahil sknila :) Hoping and praying pa rin na sana maayos na ang system ng mahal nating noise.cash. Gaya ng ulan sigurado bubuhos rin ang blessings sa atin :)

@RoseAnn16

Grabe ka noise.cash. Ito pala yon, kaya pala ako nawalan ng 100 kahapon. Tara sabay-sabay tayong mag "Thankyou Lord at Thankyou Noise.cash" thankyou noise.cash for not leaving us and for teaching us not to give up and have trust on you. :) Magandang hapon noisemates. Siguradong lahat ay happy :)

@RoseAnn16

x Giniling with boiled egg x Story time lang. May mga pagkakataon talaga na mapapasalamat sa Diyos ka nalang noh? Naalala ko nung high school ako, ung nanay kasi namen medyo tamad magluto, bukod don siguro e nahihirapan lang din sya magbudget kaya madalas pagkakauwi pa namen ng bahay sa tanghali galing school e saka palang kami bibili ng lutong ulam, madalas ako ang nauutusan bumili, tapos ang budget namen e pang dalawa o tatlong putahe lang pero dapat gulay tapos hihingi…

@RoseAnn16

Good morning noisemates. Kain muna akong pandesal sabayan ng mianit na kape bago mgalaba hehe Mabuti na lang nagising akong maaga kahit nakatulugan ko na ung sineset ko kagabi na alarm sna ngayon hehe Kapag mamaya p kasi ako magsimula ng paglalaba e aabutan ako ng init s pwesto ko. Happy Sunday noisemates.

@RoseAnn16

x Spring rolls x Eggplant rolls x Kapag mahilig sa food ang mga anak mo e talagang mapapa experiment ka rin ng kung ano-anong ulam e. Nakakatuwa pa kasi habang gingawa mo e may mga comment na agad "hmm yummy" "masarap po yan mama sure ako dyan" odiba grabe ang tiwala sken haha kahit di nman talaga ganon kasarap luto ko kumpara sa luto ng papa nila hehe Sobrang init nnman dito smen ngayon. Tara kain tayo noisemates.. :)

@RoseAnn16

Ang tagal ko ng nagccrave ng carbonaraaaa! But since wala pang budget eto na muna hehe Okay naman sya pero hindi talaga na-satisfied ang cravings ko. Ang konte lang din kasi ng isang pack. Saka iba pa rin talaga ang lasa pagtotoong luto e hehe Kayo dyan noisemates nagmeryenda na ba? Maya-maya lang magpprepare nnaman ng hapunan. :)

@RoseAnn16

Dinner namen kanina. Nagtira talaga ako ng lumpia kanina para dinner namen, tapos nagluto lang akong tuyo saka gumawa na rin itlog maalat, sakto lang sana ulam namen. Bago kami kumain kanina dumating byenan ko at nag abot ng ginataang puso ng saging, Dami na naman namen ulam. Nakakalito kung anong uulamin. Kapag marami kaming ulam bumubulong ako kay God ng salamat at sana yung pamilya namen at iBang tao e may sapat din na pagkain sa hapag :) Thank you Lord for all the…

@RoseAnn16

Good morning noisemates. Kaya ayokong nagigising ng alanganing oras e, nahihirapan nko makabalik ng tulog, mahina na ako sa puyat e, kung nung dalaga pa ako at college life ko e kaya ko kahit 4hrs lang tulog ko sa gabi e sobrang energetic nko non. Pero ngayon simula ng magkaanak ako e kapag kulang ang tulog ko e maghapon masakit ang ulo ko nyan. Tapos matamlay ang katawan ko. Sinusubukan ko naman makabalik ulit sa tulog pero wala talaga saka lang ako nya n hahawak ng…

@RoseAnn16

x Hotdogs x Eggs x Good morning noisemates. C'mon lets eat guys. Ako lang ba? Yung kapag hindi TJ ang hotdog e hindi ko talaga feel kainin? Hehe Kaya kahit mas pricey talaga ang TJ e un ang binibili ko para maenjoy talaga ang hotdog at sulit talaga hehe Mainit dito smen ngayon parang ang sarap ulit maglaba, kaso magmomodule nga pala kami ng bunso ko , kaya ayan heavy breakfast kami.. 🙂

@RoseAnn16

x Pork Adobo with Kimchi x Hello noisemates, share ko lang itong another version of adobo ng mister ko. Grabe ang sarap. Mahilig din mag experiment ng kung ano-anong luto ang mister ko e. Nakakatuwa lang kasi masarap naman palagi ang result hehe Mabuti na lang natuyo na mga nakasampayko mukhang uulan nnman dito smen e.. Nakulimlim na lang bigla e.. Kain tayo guys. 🙂

@RoseAnn16

Left over na Lumpia wrapper plus saging na saba bigay ng byenan ko, tsaran may turon kami. Happy na naman ang kids. Ewan ko ba sa mga to, kapag nabili akong luto ng turon isang piraso lang ok na sknila pero kapag luto ko kulang pa yan sknila hehe Magtitimpla na rin ako ng kape kahit sobrang init hehe Tara meryenda tayo noisemates..

@RoseAnn16

Gandang gabi noisemates. Nakakaantok palibhasa nabusog na hehe kanina pa kami tapos kumain, share ko lang ulam namen, simple lang ang ulam namen pero taob ang kaldero hehe Nabitin sa sinangag e, mahilig kami sa sinangag e. Yung alam mo minsan kahit tanghalian o gabihan e parang breakfast lagi kasi mahilig kami sa sinangag saka sa itlog hehe

@RoseAnn16

Nako mga bata talaga ano? Habang busy ako sa pagpapanggap (exercise) e ang bunso ko pala busy rin. Nung nagpahinga ako saglit proud pa ang anak ko sabi "Mama look what I did" tinanong pa ako kung maganda lol Mabuti nalang sinabi nya agad sken, natanggal agad namen hehe Nakakalokang bata to. Good morning noisemates.

@RoseAnn16

Minsan lang ako pumunta sa bahay ng byenan ko. Pero tanaw lang bahay nila hehe Pumunta ako kasi chineck ko kung andon ung bunso ko. Ayon andon nga, kumakain hehe kaya sobrang mahal ko byenan ko e, sobrang mahal din nila kami e, lalo na ang mga anak ko, kapag nasa sknila never nagutom hehe Tapos don daw muna ang anak ko at ayon nakihiram pa mg cellphone ng lola nya at nagyouyoutube, pag uwi ko naman eto may bitbit nko saging na saba bigay ng byenan ko, nabili daw nila sa may…

@RoseAnn16

x kropek x Ngayon ko lang na naman natsempuhan ung naglalako ng balut, pero dahil mahal ang balut eto nalang muna hehe Kakainis kapag malapit na ang dalaw ko, sobrang takaw ko as in maya't-maya ang kain hehe Kakakain ko lang ng tinapay e ngayon eto naman, actually napapakain pa ako ng fishball at kikiam hay ewan ang takaw lol Gandang hapon noisemates..

@RoseAnn16

Yung kapitbahay namen nagpaayos na naman but this time e yung wifi extender nya na bagong bili e pinagawa sa mister ko pero medyo late na sya pumunta dito sa bahay kanina kaya niconfigure nalang muna ng mister ko yung router. Baka sa friday at walang pasok si mister ko saka maikabit sa antenna. After mgawa e nagpipilit na naman mag abot ng pera sa amin ung nagpagawa, dko tinanggap kasi nung nakaraan na pinaayos nya lang cctv nya sa cellphone e nag abot sya nun 200 din kaya…