BYE! BUKAS ULIT ( Sa malungkot na tono) Sabi ng anak ko sa kalaro nya dahil pinauwi ko na sya kasi gabi na. Alam mo yung pakiramdam nung bata ka pa na kapag pagabi na e alam mo ng uuwi ka na tapos bigla kang malulungkot kasi kapag kasama mo mga kalaro mo e parang ayaw mo ng matapos ang araw kasi nag eenjoy kpa sa laro. Ganitong ganito ako noon e. Kaya kanina nung narinig ang mga salitang to sa anak ko, parang bigla akong nalungkot at masaya kasi naalala ko ung saya nung bata pa ko habang naglalaro. Gandang gabi noisemates..🙂
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
1 comment
Kailangan before 6pm nasa bahay na lalo na kung kasing higpit ni pudra kailangan uwi agad