read.cash Log in
@RoseAnn16

@RoseAnn16 in June 2022

@RoseAnn16

Happy 1st day of June. Good morning noisemates, heavy breakfast for today. Biglang umaliwalas ang panahon, kanina makulimlim e. Not feeling well ako today noisemates, iba ang effect ng mens ko ngayon, sobrang sakit ng puson at ng ulo ko, mabuti nakapagluto pa ako ng almusal. Maglalaba pa naman sana ako kasi biglang uminit, pero mukhang dko kakayanin maglaba parang binibiyak sa sakit ang ulo ko hays..

@RoseAnn16

Still cooking. Medyo late ang lunch namen today, hindi pa ako tapos magluto ng ulam, pero ilang minutes nalang rin naman to. Dahil pa rin sa sakit ng ulo at puson ko e, ang hirap kumilos, grabe ang hilo ko ngayon hays Kung kelan pa naman may work si mister ngayon, hindi tuloy makapagpahinga ng maayos. Hirap kapag nanay noh? Pwede naman magpause sa gawain pagmasama ang pakirmadam pero kapag sa paghahanda ng pagkain e walang sama-sama ng pakiramdam hehe may mga batang…

@RoseAnn16

x Champorado with tuyo x Good morning noisemates. Breakfast tayo. Bigay ng byenan ko. Hehe Perfect combo talaga ang champorado at tuyo, yung panganay ko na adapt nya na din ito d sakin gusto nya kapag kakain din sya mg champorado e may tuyo din hehe Maglalaba na din ako after nito, magwwashing na lang siguro ako, ayoko kasi talagang magwashing pagnaglalaba mas nsasatisfy ako kapag handwash. Anyway, have a bless day ahead sainyo noisemates 🙂

@RoseAnn16

Dami ko nilabhan, kakatapos lang. Ggayon nagluluto naman ng lunch, nagutom ako sa paglalaba kaya snack muna, nagssnack ako ng tinapay at kape, ang anak ko galing naman sa lola nya ayan may dalang puto meryenda binigay sken hehe Kakainis ang panahon smen, ganda2 ng init kanina e tapos biglang kukulimlim para tuloy nakikipagpatentero ang sinampay ko hehe

@RoseAnn16

x Bantay Bata x Nakiusap ang ate ko na samahan namen ang mga anak nya dito sa bahay nila. Luluwas kasi silang mag asawa kasama ang bunso nilang anak, sa linggo pa ang balik nila kaya ilang araw din kami dito. Grade 6 at grade 9 na mana ang mga pamangkin ko, kaso di pa rin maiwan mag isa ng ate ko kasi delakado pa rin. Saka di pa rin marurunong magluto ang mga pamangkin ko hehe Yung dalaga kong pamangkin andon na sa kwarto nya, kami dito matutulog sa kwarto nitong pamangkin…

@RoseAnn16

Eto ang hirap sken kapag sa ibang bahay natutulog e, ako ung namamahay. Kahit anong komportable ng bed kahit aircon pa yan kung hindi sa sarili nameng bahay at sarili kong unan ang gagamitin e wala rin. Hirap na hirap akong makatulog, kung nasa bahay sana ako sarap na ng tulog ko ng ganitong oras hays. Ilang araw pa naman kami dito ilang araw ding puyat lol

@RoseAnn16

Good morning noisemates. At dahil hindi rin naman ako makatulog ng maayos e bumangon na lang rin ako para magluto ng almusal. May pasok rin pala sa school ang pamangkin ko kaya mabuti nalang nakapagluto ako. Sanay kasi ako sa bahay anong oras na babangon at magluluto dahil tulog pa ang mga anak ko tapos wala pa din silang face to face classes. Ang ganda ng panahon ngayon, eto masakit ulo ko dahil sa puyat hehe

@RoseAnn16

x Creamy mushroom chicken x Lunch time na noisemates. Tinatanong ko mga anak ko at mga pamangkin ko kanina kung gusto nilang tinola? Ayaw daw, aki na daw bahala kung ano gusto ko basta ayaw daw nila ng tinola. Hehe Hindi rin kasi fan ng tinola talaga ang mga anak ko e. Kaya ayan matagal na rin ako di nakakapagluto nito kaya ito nalang niluto ko. Ayon nagustuhan naman nila hehe Kain tayo noisemates 🙂

@RoseAnn16

Gandang hapon mga mamsh. Natawa naman ako dito. Hehe agree kaya ang mga papshie natin dito? Hehe Medyo naiinip na ang mga anak ko dito wala kasi silang kalaro dito sa lugar nila ate, nasa subdivision din kasi kaya wala ding mga bata sa labas di kagaya sa amin kapag ganitong oras at palubog na ang araw nagsisilabasan na para maglaro.. Sabi ko sknila sa sunday naman e uwi na kami hehe Gandang hapon noisemates..

@RoseAnn16

Good morning noisemates. Mahilig akong manuod ng mga true to life interviews kagaya nitong kay Toni. Nakakaawa yung mga taong nakukulong sa isang sitwasyon na mahirap takasan. Pero nakakabilib ang lakas ng loob nila. Kagaya ng kwento nito, nakakaiyak at nakakagalit ang nangyare skanya, imagine simula bata pa sya tatay nya pa gumawa ng masama skanya imbes na ung tatay sana promtotekta sakanya/sakanila. Napakahayop ng mga ganoong klaseng tatay. Good morning noisemates,…

@RoseAnn16

Gandang hapon noisemates. Biglaang lakad kanina, kakauwi lang namen, medyo malayo sa amin to e, bago lang tong resort na to dito sa amin. Kaya maganda kapag biglaan kasi 100% sure na natutuloy. Paggising ko palang kanina may message na agad kaibigan namen, tapos sinundo lang namen si mister ko sa bahay na tulog pa kasi nasa bahay pa rin kami nila ate si mister ko nman nasa bahay. Tulog pa nga sya pagsundo namen kaya di agad kami nakaalis kasi nabigla ng bangon ang mister ko…

@RoseAnn16

x Pork Sinigang x Dilis x Gandang gabi noisemates. Tara kain tayo,sinigang sa mga bagets, ako itong dilis nakita ko sa ref ng ate ko hehe Matutulog rin ako agad noisemates, sana makatulog hehe 2nights nko di nakakatulig maayos e. Debale bukas e uuwi na mana kami hehe

@RoseAnn16

Nasa bahay na nga pala kami noisemates. Kita mo nga naman at may dala pa kaming blessings galing sa ate ko. Hehe Generous talaga ang mga kapatid ko. Kya thankful ako sknila. Tingnan mo ung ate ko ilang araw ko lang sinamahan mga anak nya ang daming binigay, sabi ko nga wag na ko bigyan ng pera, ay sige na daw. E sabi nga sa kasabihan wag tatanggihan ang grasya hehe Pprepare nko ng lunch. Gandang tanghaku noisemates. Super init nnman dito smen..

@RoseAnn16

x Boodle Fight x Ilang araw rin kaming hindi nagkasalo-salong kumain, kaya dapat medyo special ang pananghalian hehe Nakakatuwa lang kapag ganito e, marami kaming nakakain pati mga bata tapos masaya pa na ngkkwentohan saka bukod dyan e wala akong masyadong hugasin lol Busog na naman masarap matulog, kaso napakainit na naman, mainit ang binubuga ng fan ngayon hays Chocolate nga pala para panghimagas..

@RoseAnn16

x Tuna Bread x Pansit Bihon x Maulan na gabi noisemates, ayan walang maisiip na iulam kaya ayan gumawa nalang kami ng tuna bread, iluluto pa lang sana namen yung pansit na binigay sken ni ate, dumating naman ang byenan ko may dalang pansit bihon, kaya nag exchange food nalang kami kaya parehas kami ng dinner tonight hehe Kapag andito talaga sa bahay ang mister ko kung ano2 ang naiisip na pagkain hehe Gandang gabi sainyo noisemates..

@RoseAnn16

Good morning noisemates. Tara kape at tinapay tayo. Grabe halos kakagising ko lang napasarap ang tulog ko, nakabawi ako ng tulog saka namiss ko bed namen kaya napasarp ang tulog hehe ganon din ang mga anak ko hehe Kumusta kayo dyan noisemates?

@RoseAnn16

Hello noisemates. Galing ako sa school ng anak ko kanina para magpirma lang nitong report card ng anak ko para sa 3rd grading. Grabe naman tong grades ng anak ko. Hehe Hindi ko man lang to naranasan nung nag aaral ako. Lol himala na kung magkakaroon akong 90 sa grades ko hehe. Isa lang talaga hinihiling ko e, sana hindi magbago, di sya ganon kasipag mag aral nagmana talaga sya sa papa nya pero matindi ang stock knowledge hehe kaya hinahayaan ko lang kung hindi sya mahilig…

@RoseAnn16

x Maruya x Mabuti napansin ko yung binigay saken na saging ng byenan ko last week pa. Ayan hinog na, mabuti nalang ung isa e hindi pa gaanong hinog. Ang hirap kapag sabay2 mahihinog di rin mauubos kung iluluto ko lahat hehe Tara meryendaa tayo noisemates..

@RoseAnn16

Goodnight guys. Ngayon pa lang dinalaw ng antok, nakatulog kasi ako kaninang hapon e. Tapos habang di pa ako inaantok nuod lang ako ng YouTube, ito ngayon natripan kong panuorin, isang beses napanuod ko vlog nila nung andon kami kela ate pinapanuod ng pamangkin ko ayon nakakatuwa naman ang vlog kaya natripan ko na rin panuorin hehe Goodnight na guys. Baka trip nyo rin panuorin vlogs nila o baka nga ung iba dito e napapanuod na sila hehe eto link guys..…

@RoseAnn16

Good morning noisemates. Birthday ngayon ng kapatid ko at saka ng pamangkin ko. Pero mukhang wala namang ganap hindi rin naman nagmemessage, saka kung meron man baka hindi rin kami makapunta nasa Paracale kasi sila, ilang bayan pa mula dito sa Daet ang madadaanan para mkarating don. Saka titipid din ako hehe pag umuwi kami ilan kaming mamamasahe, ayoko nman din magmotor papunta don, medyo malayo e 1½ hours din ang byahe delikado magmotor kung kasama ang mga bata. Puro…

@RoseAnn16

At dahil late na mga nagsigising, as usual late rin ang pananghalian. Mag iihaw pa lang ako ng ulam. Halos kaka almusal lang din ng nga anak ko around 10am. Past 10 na kasi mga nagsibangon. Siguro kung kasama namen sa bahay ang byenan ko sasabihin non pabangunin ko muna ang mga bata para kumain, matulog na lang ulit at baka daw malipasan hehe e kaso kapag ginising mo na di na rin naman sila nakakatulog ulit. Kaya pinapabayaan ko na lang matulog. Ngayon lang naman to habang…

@RoseAnn16

Apaka moody ng panahon, kanina lang sobrang lakas ng ulan may malakas pang kulog at kidlat, tapos ngayon ito pasikat na naman ang araw, biglan ring uminit dito sa kwarto namen, samantalang kanina lang e parang bumabagyo na hehe Nakakagutom tuloy, pero wala akong cravings ngayon kaya wala akong trip kainin. Gutom ung tyan ko pero hindi bet kumain ng bibig ko. Hehe pero kapag ka nagcrave naman ako lalo kapag malapit na dalaw ko nako lahat na ata gustong kainin ng bibig ko…

@RoseAnn16

Goodnight noisemates.. Ambilis lang ng araw June 8 na agad, parang kelan lang ng magjune 1week na pala agad nag nakalipas. Maghapon kami ngmodule ng baby girl ko, naghahabol kami ng modules kasi puro kami layas nung mga nakaraang araw, nawalan ng time para magmodule, sa Friday na rin ang pasahan kaya naghahabol talaga kami. Sa panganay ko naman kala ko e bkasyon na kaso ayon may ilang videos para sa performance output nya na gagawin nya nakakaloka. Goodnight po. Keep safe…

@RoseAnn16

Good morning noisemates. Maaga akong nagising kaya nagluto nko ng breakfast. Para makapaglaba na rin habang maaga pa. Saka habang mainit pa, tuwing hapon kasi umuulan na dito smen kaya nakakatamad na maglaba kapag umuulan hehe Tara almusal muna tayo noisemates, para hindi magutom sa paglalaba hehe

@RoseAnn16

Ayon na nga napakagaling talaga ng panahon hehe sobrang init kanina tapos after ko maglaba eto na umuulan na. May makukulit na bata na nakikiusap na maliligo daw silang ulan. Since hindi naman kumikidlat kidlat ayan pinagbigyan ko na hehe Minsan lang naman saka nung bata ako hindi ko rin ito masyadong naenjoy. Sa pagkakatanda ko twice lang akong pinayagan ng nanay ko na maligo sa ulan lol

@RoseAnn16

Gandang gabi noisemates. Kakatapos lang namen kumain. Bumili ako 2pcs lang na isda medium size, 80 pesos din ung dalawa, tapos bumili lang ako sili at kamatis 100 lang ang meal namen ngayon. Natuto ako sa byenan ko na kahit konti lang ang ulam e napapadalawang putahe pa hehe mas dumadami rin kasi kapag kunware may sauce o sabaw ang ulam, pero kapag fish talaga hindi bet mg mga anak ko ang may sabaw, pero kapag ganito ang luto bet nila yan hehe Kain na rin kayo noisemates..🙂

@RoseAnn16

Yung nagmemeryenda pa lang ako ng nilagang saging habang nagpprepare ng lulutuin for lunch e meron na agad paulam ang byenan ko hehe Nako goodbye diet na naman ako nito, sarap ng ganitomg ulam e hehe Good morning sainyo noisemates, kakatapos ko lang maglaba ng mga puti na binabad ko kahapon.

@RoseAnn16

x Chicken Adobo x Nagulat naman ako sa presyo ng chicken dito smen 200 na pala ang kilo, namili kasi kami nung nakaraan sa grocery Kaya ngayon lang ulit bumili dito sa talipapa. Grabe kamahal na talaga ng bilihin ngayon.. hays Tara lunch na tayo noisemates.. Gandang tanghali guys. Napakaganda ng panahon dito smen ngayon mukhang matutuyo ng maayos ang mga sinampay ko.🙂

@RoseAnn16

x Origami x Goodnight noisemates. Natutuwa talaga ako sa baby boy ko, kaya pala busy kanina nagyoyoutube tapos panay fold ng papel ung pala gumagawa nito, kulit e tig isa daw kami ng papa nya hehe Kahit noong baby pa kasi sya lagi nyang sinasabi sken na kapag malaki na sy at nagwowork na e bibigyan nya ko ng sinsing. Siguro way nya ito na habang bata pa sya e tinutupad nya pangako nya sken paglaki nya nlang ung ginto na singsing hehe❤️

@RoseAnn16

x Corned beef x Egg x Good morning noisemates. Tara almusal tayo, actually tulog pa ang mga anak ko, bumangon nko para magluto, maya2 kasi pupunta akong school para magsoli ng mga modules ng mga anak ko, para kung umalis man ako e may pagkain sila. Ang bilis ng araw noh? Weekend na agad. Magbabakasyon na rin s klase ang mga anak ko, sa sobrang bilis ng araw baka bukas makalawa e pasukan na naman para sa next school year. Kailangan ng magtipid tipid para sa school supplies ng…

@RoseAnn16

Happy Lunch time noisemates. Playmate ito ng panganay ko, kanina inaaya ko kumain nung andito pa mister ko, ayaw daw nya busog daw sya. Upon interviewing him napag alaman ko na mag isa sya sa bahay nila, yung nanay nya nag aalaga ng anak ng pinsan ng mister ko, nasa kabilang kanto lang, yung ate nmaan daw nya nagppraktis sayaw para sa school, tapos ung tatay e pumasok rin sa trabaho tinanong ko kung may pagkain na sila don, wala pa daw mamaya pa daw pagdating ng ate nya,…

@RoseAnn16

Afternoon nap. Sa sobrang init e topless ang anak ko. Grabe nasa sala na nga kami naglatag kasi sobrang init talaga, grabe ung buga naman talaga ng fan e napakainit din. Mabuti at nakatulog pa rin ang mga anak ko kahit sobramg init. Ako kahit inaantok talaga e hindi makatulog dahil sa sobrang init. Hays Gandang hapon noisemates..

@RoseAnn16

Apakatagal naman umuwi ng mister ko, ready na ang pulutan ko hehe Nagpapabili kasi ako skanya ng beer pag out nya ng work, wala lang bigla ko lang natripan ko uminom ng beer, hehe Kakaiba ang cravings ko today hehe Himala e hindi pa ako inaantok. Hehe Most of the time kasi ganitong oras e patulog n talaga ako hehe Gandang gabi noisemates..🙂

@RoseAnn16

Good morning noisemates. Ang gloomy ng weather medyo nakakatamad tuloy kumilos hehe Share ko lnag itong project na ginawa ng anak ko puppet to. Nakkaaproud lang na kaya nya ng gumawa ng project kahit walang tulong ko hehe Kanina pa ko gising pero dahil medyo malamig pa eto babangon pa lng ko. Ang mga anakko tulog pa din hehe

@RoseAnn16

Lunch time na guys. Lumpiang isda po ito, request ng aking panganay. Nagluto lang din ako ng gulay para di gaanong plain ang ulam namen. Ikain na lang natin ang mahal ng bilihin hehe minsan hindi ko na rin alam kung paanong pagtitipid ang gagawin ko e, kala ko less than a hundred lang magagastos ko, kaso s isda palang 75 pesos na kakaloka hehe Tara lunch tayo guys.🙂

@RoseAnn16

Hindi muna ako magrarice ngayon, itong bihon na muna kakainin ko, bigay ng byenan ko. Eto kasi mabilis masira kaya ito ang dinner ko. Saka kanina pa feeling ko may kulang sa buong araw ko, naalala ko hindi nga pala ako nakapagkape ngayong araw hehe Kaya sabi ko sa anak ko nanghihina ako kasi hindi pa ako nagkakape, tawang tawa nga e napasabi pang "haynako si mama" hehe ang kulit e.. Tara kain tayo noisemates. Gandang gabi..

@RoseAnn16

Goodmorning noisemates. Kape muna tayo pampagising, as of now hindi ko pa alam ipprepare kong almusal e, pero baka magsangag ako ng kanin kasi marami kaming bahaw ngayon. May isda pa rin akong natira tapos magprito na lang din ako egg. Alam mo ung breakfast palang pero pati ulam namen mamayang lunch iniisip ko na kung anong magandang iluto na pasok sa budget.hehe

@RoseAnn16

x ChicSiLog x Nagcrave ako sa chicsilog, dahil wala namang budget para umorder ng food ayan luto nalang ang lola nyo, dretso baon na rin ng mister ko, masarap daw luto ko sabi ni mister ko. Nakakawala talaga ng pagod kapag naaappreciate ka o ang luto mo❤️ Nakakasenti naman tong bday dito sa kapitbahay namen ang sasakit ng mga kinakanta mg mga apo nya hehe pero infairness masarap sa tenga boses ng mga apo ng may bday kaya okay lang kahit maghapon/magdamag pa silang magvideoke…

@RoseAnn16

Sobrang init. Feeling sad pa rin ako simula pa kanina pero wala namang dahilan. Ewan ko ba bakit minsan ganito ang feeling ko. Sana itong ice cream e makatulong maalis ang lungkot ko hehe Minsan ba nakakaramdam rin kayo ng ganitong feeling guys? Ako bihira lang naman nakakainis lang din minsan kasi hindi mo malaman kung bakit parang ang bigat na narramdamam mo.

@RoseAnn16

Good evening noisemates. Eto nga pala ang libreng meryenda namen kanina. Inabutan ako ng may birthday kanina. Nakakatuwa lang mga kapitbahay ko kahit hindi ako mahilig lumabas ng bahay at makihalubilo sa knila e kapag may mga okasyon skanila e lagi naman kaming naaabutan. Hehe Busog pa rin nga ako ngayon ako lang nnaman kumain ng bihon kanina e. Mga anak ko kasi iba ang taste buds kapag bihon at hindi luto ni papa nila o ni lola nila e ang hirap talagang pakainin e. Hindi…

@RoseAnn16

Naalala ko nung grade 1 itong anak ko.. First time palang magkakaroon ng Science Oriented Class sa school nila. Swerte ng anak ko nakapasok sya sa Science Oriented class. Natatawa nga ako sa mga kpitbahay ko dati kasi ang school ng mga anak ko e nasa bayan pa(bakit daw doon pa e ang layo) meron naman school dito smen tanaw nga lang mula dito sa bahay namen, pero syempre gusto namen kahit public school e doon na sa sigurado ang turo. Hindi naman kami nagkamali na doon siya…

@RoseAnn16

x Porkchop x Binagoongang Tokwa't Talong x Kain Tayo noisemates. Natatawa ako sa anak kong lalake, masyado talagang sensitive ang amoy, habang nagluluto ako kanina nagtatablet naman sa sala ang anak ko, nung ginigisa ko na at inilgay na balaw(bagoong) napasigaw ang anak ko "ANG BAHOOOOO" lol ang kulit e, tapos todo takip ng ilong at panay sabing mama ang baho hehe Kaya kapag nagluluto ako nito dapat may ibang ulam para may uulamin sila hehe

@RoseAnn16

x Turon x Kape x Meryenda na naman, nagluto akong turon habang wala pa ang mga bagets, magkakape na rin ako kahit mainit ang panahon hehe coffee is life kasi.. Sumama sila sa lolo't lola nila e may bibilhin lang siguro sa bayan, kaya eto magisa nnman ako dito sa bahay hehe Meryenda tayo noisemates. Sa panahon ngayon as a prent kapag napapakain mo ng higit pa sa tatlong beses sa isang araw ang mga anak mo e very fulfilling na. 🙂

@RoseAnn16

Kanina pauwi ako napatigil ako sa may gasoline station, ang ganda palagi ng sunset dito tuwing mapapadaan ako ng pagabi na. Nakakarelax talagang pagmasdan ang paglubog ng araw noh? Lalo na kung ganito kaganda, parang sinasabi na kahit ano pang nangyare sa maghapon laban lang kasi maganda ang buhay, masarap mabuhay. 🙂 Gandang gabi noisemates..

@RoseAnn16

Goodnight noisemates. Matutulog pa lang ako, nalipasan ako ng antok kanina e. Mukhang hindi rin ako makakatambay diyo bukas, may schedule na naman kasi ng power interruption bukas, i mean mamaya 6am-4pm. Kaya sinasabing browout capital dito smen e hehe halos every other week may schedule ng brownout, nakakaumay din hehe Anyways goodnight na sainyo noisemates

@RoseAnn16

Good morning noisemates. Tara kape tayo kahit sobrang init dito smen ngayon sabayan pa ng maghapon na brownout. Wala pa namang signal ng kahit anong network dito lalo kapag nasa loob na ng bahay, meron naman pala sa labas pero hindi ka mkakadata hehe Kaya eto tinitipid ang powerbank para maikonek ang wifi hehe Nako masama ang gising ng anak kong panganay napilitang bumangon na kasi mainit na sa bed hehe Kita nyo tong palaman ko? Nako lalo na pag ang mag-aama ko ang bibigyan…

@RoseAnn16

At dahil ang tagal pa makapagdecide kung ano ang uulamin ayan late lunch kami hehe Currently grilling chicken.. At saka naglaba rin kasi ako kanina kaya talagang late na nakapagprepare. Hay napakainit ung brownout na nga pero wala man lang kahangin hangin walang galaw talaga ang mga dahon oh. Hays Gandang tanghali noisemates..

@RoseAnn16

With Pamangkins. Kanina pa nagkakuryente dito smen kaso nasa labas kami kasama mga pamangkin ko at bunso ko, ihahatid ko lang sana ang bunso ko kela ate kasi dito matutulog biglang nanlibre ang ate ko, samahan ko daw ang mga Bata at magmeryenda kami hehe Gandang gabi noisemates. 🙂 Akoy uuwi na sa bahay iiwan ko na dito sa ate ko ang bunso ko. Hehe

@RoseAnn16

x Ube Ice cream x Nako po mukhang nagcrave ang aking byenan sa ice cream ah. Kaya pala tumatawag sken e, tapos papuntahin ko daw ang panganay ko sa bahay nila. Natagalan ang anak ko, un pala kumain ng ice cream tapos pag uwi ng anak ko eto naman may dala para samin ng mister ko hehe Iba talaga ang ice cream ng dan eric's, solid talaga sa pagkacreamy at hindi masakit sa lalamunan.. Hays namimiss ko agad ang bunso kong malambing. Bukas sunduin ko na rin un hehe

@RoseAnn16

x Luncheon meat x Egg x Sinangag x Good morning. Almusal tayo noisemates. Nako ang mister ko pagkamulat pa lang ng mata e tinatanong na agad sken kung kelan ko daw susunduin ang bunso namen kela ate. Hehe Miss na agad nya ang babygirl nya. Ako rin nga miss ko na rin hehe malambing kasi un masyado, ung tipong may ginagawa ka tapos biglang lalapit at yayakap sabay sabing iloveyou mama at papa. ❤️

@RoseAnn16

Chicken Balls na hindi bilog hehe Actually bilog talaga yan kanina nung niluluto ko, kaso konti ung cooking oil ko, hindi madideep fry kaya flinatten ko na lang hehe Yan ang aming lunch ng panganay ko, tahimik ng bahay kaming dalawa lang ng anak ko ang andito, tahimik kasi walang nagbabangayan wla akong sinasaway hehe Kala ko bkasyon na ang anak ko, bigla daw nagchat techer nila may online class daw sila ngayon then bukas may f2f sila..

@RoseAnn16

Oh tara tusok na hehe Fishball at kikiam talaga ang isa sa meryenda ng pinoy na hindi nakakasawa e noh? Ung tipong magccrave ka talaga, sayang walnga kwek-kwek don aa bilihan hehe Kaganda ng panahon kanina tas eto bigla na naman kumulimlim. Musta kayo noisemates?

@RoseAnn16

Minsan kapag nagchachat ang byenan ko na papuntahin ko sknila ang panganay ko e parang ayoko ng papuntahin, madalas kasi kaya pinapapunta kasi may ibibigay na pagkain o kung ano. Hehe Swerte ko talaga sa byenan ko, kahit noon pa generous talaga sila lalo na sa mga apo nila. 🙂 Napasarap tuloy ang kain ko plus di nko nagluto kasi may tira pa kaming ulam kanina. Gandang gabi noisemates..

@RoseAnn16

Good morning noisemates. Ang lamig pa ng hangin gusto ko pang matulog inaantok pa ko, kaso kailangan bumangon at may pasok itong baby ko, magpprepare lang ako ng breakfast nya then gisingin ko na rin to maya maya. Siguro last day na nila ng pasok ngayon ang alam ko ang iba bakasyon na rin e..

@RoseAnn16

Dahil late na kami nakauwi ng panganay ko kanina ayan bumili nalang ako litson manok. Grabe na talaga ang mahal ng bilihin half lang binili ko kasi kaming tatlo lang ng mister at panganay ko ang kakain ung bunso ko na mahilig magpapak ng ulam andon pa sa ate ko ayaw pa umuwi hehe Grabe half lang binili ko 150pesos na napakaliit pa hays Gandang tanghali noisemates.. Kumain na kami ng mister ko ang anak ko busog pa daw sya late na rin yata sila nakapagrecess kanina e.. yan…

@RoseAnn16

Napakainit dito smen ngayon, pero nakulog kulog siguro uulan mamaya. Pero masarap pa rin tulog ng baby ko palibhasa maaga ko syang ginising kanina para pagpasok sa school kaya ayan nagbabawi ng tulog. Happy yan sa School kanina kasi nakasama nya ang classmates nya at ung mga kaibigan nya talaga, halos ayaw pa ngang umuwi kanina e bitin nga naman ang bondimg nilang magkakaiskwela hehe

@RoseAnn16

Nagluto akong Lumpiang shanghai. Sabi ko sa anak ko hatiran nya Sila lola nya, at eto na nga pagbalik ng anak ko may dala nnmang ulam bigay ng byenan ko, minsan na nga lang ako makapagbigay lagi pa syang may kapalit na pagkain hehe Kakabigay nya lang ng banana chips, dko na napicturan naubos ko na hehe Kaya eto ngayon busog pa ko kaya baka mamaya nko kumain pagdating ng mister ko sabay nalang kami kumain hehe Gandang gabi noisemates..

@RoseAnn16

My baby girl when she was just 1½ months old she's quite big when she was a baby. Even when I gave birth to her she's really a big baby. Hehe Pero ngayon di na sya ganon kataba she's 7years old now, pero malaking bulas pa din. Mga kalaro ng kuya nya na kaedad ng kuya nya na 9years old e kasinglaki nya lang hehe Mga kalaro nga din dito smen na batang babae e mga grade 3 at grade 5 na batang babae pero magkakasing laki lang sila kaya naapgkkaamalan syang grade 3 hehe Good…

@RoseAnn16

Inom muna ng malamig na milktea habang hinihintay ang order kong siomai rice. Grabe ilang beses na rin akong nagcrave dito sa siomai rice pero sa twing dadayuhin namen ng mister ko e sold out na hehe Ngayon naman ako lang pumunta kasi may work ang mister ko, meron naman available kaso 30mins pa kaya eto wait muna ako ng 30 minutes hehe Mabenta kasi talaga ang siomai dito sold out palagi. Homemade siomai sila kaya talagang masarap.. 🙂 Late na lunch ko sobrang busy ko kanina…

@RoseAnn16

Dahil lunch at meryenda na siomai rice at takoyaki for me plus proben hehe Jollibee naman sa mga bagets, kanina pa sken nagchchat at tawag ang mga anak ko e ung bunso ko nagwoworry na daw kasi sya kasi paggising nya wala na ako hehe Grabe kakauwi ko lang, naghatid pa akong pagkain sa mister sa work nya e kasi nga hindi ako nakapagprepare ng baon nya kanina kasi may inaasikaso ako, grabe ung pagod ko. From 9am nasa labas nko tapos nagddrive pa ng motor napakainit. Ilang hours…

@RoseAnn16

Goodnight noisemates. Eto yung bf ng kaibigan ko, happy naman sya sa pasurprise ng kaibigan ko hehe Yung parehas sila mayaman magjowa kaya hirap ng regalohan ang isat isa. Kanina nag uusap pa kami ng kaibigan ko kung anong ibibigay nya sa bf nya. Sabi ko damit? Nako anya mars dami non damit, lol relo? Nako madami din daw. Hehe Kaya ayan bouquet na lang saka cake hehe Worth it ung ikot ikot ko sa bayan kanina, masaya sila parehas hehe

@RoseAnn16

Good morning noisemates. Sabi ko sa panganay ko dapat nakahiwalay na ang tulugan nya kasi bigboy na sya. 9years old na sya. Pero mukhang malabo pa hehe Hindi ito nakakatulog ng hindi ako katabi e hehe Tapos sisiksik pa talaga yan sken hehe Sabi nya rin baby pa rin daw sya, nako pong baby ito pagkalaki e hehe ilang panahon nalang mas malaki na sya sken hehe

@RoseAnn16

Lunch time na noisemates. Yung kapag ganitong isda e ang sarap i-dip sa garlic mayo na dip. Grabe napakainit dito smen ngayon. Pero may part ng langit na medyo makulimlim. Tara kain tayo noisemates, pero feeling ko busog pa ko panay inom kong tubig dahil sa sobrang init e. Ssabihin na naman ng mister ko may talong na naman hehe e favorite ko talaga ang pritong talong never ko yan pagsasawaan..

@RoseAnn16

x Nilagang mais x Pritong saging x Habang nagpiprito ako ng saging biglang tumawag yung byenan ko sa panganay ko narinig ko lang sabi "punta ka na dito Champ at luto na" dali-dali naman syang pumunta don tapos pagbalik ayan may dalang nilagang mais, 4pcs yan kinakain na ng panganay ko ung isa kaya hindi nakasali sa picture hehe Hindi pa ako tapos magprito. At take note guys itong saging na niluluto ko e galing din sa byenan ko hehe Ako na talaga ang pinagpala pagdating sa…

@RoseAnn16

Goodnight na noisemates. Nakakaantok na palibhasa malamig dito ngayon, umulan kanina e, kaya biglang lumamig ang hangin. Sarap ng gulay kanina bigay ng byenan ko. Bihira ako magluto nito, di masarap ang luto ko kapag ampalaya niluluto ko e hehe Goodnight noisemates. Sleepwell to all😴

@RoseAnn16

"Madaling maging tatay, pero mahirap magpaka'ama" Bilib ako sa mga tatay na ginagawa ang lahat para sa pamilya. Bilib ko sa tatay na inuuna ang kapakakanan ng pamilya bago ang pansariling interes. Bilib ako sa tatay na hindi napapagod maibigay lang ang pangangailangan ng pamilya. Bilib ako sa tatay na hindi alam ang salitang SUKO. Bilib ako sa tatay na nagpapalakas ng loob ng partner nila. At bilib ako sa tatay na kailanman ANAK ang inuuna. Bilib ako sa Papa ko at sa mister…

@RoseAnn16

Yung tapos na kaming kumain saka ko lang naisipan picturan ang ulam namen hehe Eto rin baon ng mister ko at pinabigyan ko rin ang byenan ko.. Kayo dyan noisemates anong ganap ngayong father's day? Kami wala hehe nasa work rin naman ang mister ko closing shift rin sya kaya wala ng ganap hehe Gandang tanghali noisemates..

@RoseAnn16

x Homemade Puto made by Byenan x Yung panganay kong anak e tinakasan na naman ako kanina sabi ko matutulog kami, ayon don daw sya matutulog sa lola nya, tapos dumating ngayon sakto naman kagigising ko lang nakatulog rin kasi ako kami ng bunso ko. Pagpasok ng bahay e sabi agad ng panganay ko "Hi mom delivery for you" yes for me lang po anak kong bunso hindi mahilig dito e hehe Ang sarap ng pakagawa ng byenan ko solid lalo ung ihuhuli mo ung last part na may cheese hehe Sabi…

@RoseAnn16

x Spaghetti for Dinner x Para naman mafeel naman ng mister ko na special ang araw na to. Para mafeel nya na sa simpleng pagluto ko nito e mafeel nya na pinapahalagan ko sya. Tight talaga ang budget namen ngayon pero syempre sabi nga isang beses lang sa isang taon ang father's day (kasi the rest of the days in a year e mother's day hihi) At eto na nga, pinadalhan ko sa anak ko ng spag ang mga byenan ko, nako e pagbalik naman ng anak ko may dala na naman kapalit🤦🏻‍♀️…

@RoseAnn16

Good morning monday! Waiting ako sa aking baby girl, may face to face sila ngayon, pero madali lang ang session nila kaya hihintayin ko na rin, kasi magbabasa lang sila. Napakainit pa naman sana matapos agad para hindi mainit masyado kapag pauwi namen. Hehe

@RoseAnn16

x Lumpiang Ubod x Kanina pagkagaling namen school ng anak ko napadaan kaming palengke, naghanap talaga ako ng ubod hehe Bigla akong nagcrave e, next time na ang lumpiang sariwa pag may budget magpapagawa ako sa byenan ko. Hehe Mabuti at kumain ng lumpia ang mga anak ko, pero nagpasiguro ako nagprito ako ng manok para sknila. Gandang tanghali noisemates..

@RoseAnn16

BYE! BUKAS ULIT ( Sa malungkot na tono) Sabi ng anak ko sa kalaro nya dahil pinauwi ko na sya kasi gabi na. Alam mo yung pakiramdam nung bata ka pa na kapag pagabi na e alam mo ng uuwi ka na tapos bigla kang malulungkot kasi kapag kasama mo mga kalaro mo e parang ayaw mo ng matapos ang araw kasi nag eenjoy kpa sa laro. Ganitong ganito ako noon e. Kaya kanina nung narinig ang mga salitang to sa anak ko, parang bigla akong nalungkot at masaya kasi naalala ko ung saya nung bata…

@RoseAnn16

Good morning noisemates. Bumangon lang ako para umihi pagbalik ko e magkatabi na ang dalawa at nakahug pa ang kuya sa bunso namen. Malamig kasi talaga dito smen lalo kapag umaga kaya talagang magkukumot o sisiksik ka sa katabi mo hehe Sana lagi silang ganito. Kaso nako mamaya lang paggising na sila at naglalaro mamaya magtatalo na naman hehe Natutuwa lang ako sa panganay ko kasi kahit nagtatalo sila ng kapatid nya madalas syang magpatalo sa kapatid nya para lang matahimik…

@RoseAnn16

Hello guys pawelcome naman po ang aking kapatid(not by blood hehe) Parang kapatid ko na po kasi ito @Johnsy thankyou so much noisemates. Kape muna tayo habang nagluluto ng lunch. 🙂

@RoseAnn16

x Port Steak x Kinunot x Kinunot is one of the popular dish here in bicol. Kakatapos lang namen kumain, nako taob ang kaldero namen ngayon, naparami ang kain namen, masarap daw pagkaluto ko ng porksteak kaya sarap na sarap ang mga anak ko hehe Tapos itong kinunot pa e bigay na naman ng byenan ko ay sarap kumain. Sobrang busog ako, kayo dyan noisemates kumain na ba?🙂 Gandang tanghali sainyo dyan..

@RoseAnn16

x Tinapa na Bangus x Itlog maalat w/kamatis x Malamig pa rin hangin dito smen guys, maghapon makulimlim e pero hindi naman umulan. Tara kain tayo guys. Napadaan akong palengke kanina after ko magbayad ng electric bill, then nakita ko to, parang bigla akong nagcrave kaya napabili ako, ung kaibigan ko kasi na nagtitinda nito at saka binabad na bangus e bihira ng gumawa nito, napakamahal sa palengke, sakanya 70 lang to e, sa palengke 100😱 Kaya nagdadalawang isip rin akong…

@RoseAnn16

Good morning noisemates. Eto na muna ang almusal ko, late na nagising e(wala namang bago😂) Mga anak ko ayaw pa din bumangon para kumain, sabi ko maglalaba ako bumaba nalang Sila para kumain pinagtimpla ko na rin sila ng gatas ang tinapay nakready na rin magpapalaman nalang sila hehe Kahapon dapat ako maglalaba e kaso makulimlim maghapon kaya medyo tinamad ako hehe ngayon nalang kasi tirik ang araw. Kape muna tayo noisemates bago maglaba🙂

@RoseAnn16

x New Haircut x Simula baby pa tong baby girl ko ako lang naggugupit ng hair nya, hehe Sayang dko pala sya napictura kanina bago ko gupitin ang buhok nya. Saka ginugupit ko lang ang buhok nya kapag sya ang may gusto hehe Matagal din sya hindi nagpagupit sken kasi trip nyang magpahaba ng buhok ngayon nasawa na yta sa mahabang buhok saka tamad din syang magsuklay kaya siguro naisipan nyang ipagupit na. Tuwang tuwa din sya pagkagupit ko easy to comb na daw ang hair nya haha…

@RoseAnn16

x Virtual Meeting x Meeting kami para sa recognition ng mga bata sa monday. Nakakatuwa at napili ang anak ko na mag MC para sa program nila sa monday. Pero mukhang mapapagastos ako kasi nagsuggest pa ang mga nanay na magdala ng foods para after ng program e kain daw sila at ng makapagbonding naman ang mga bata. Naalala ko nung grade 1 ang panganay ko at may face to face pa e nung nutrition month nila buong grade 1 e dalawa sila ng kklase nya ang MC, nakkaaproud lang na hindi…

@RoseAnn16

Nasa daycare lang nito ang anak ko at 3 enhalf y.o lang sya dito hehe Sobrang proud talaga ako sa pnganay ko, imagine 3y.o lang to nung pumasok sa school hindi pa dapat sya pwede kasi sa edad nya kaso gusto nya na talagang pumasok e. Ang ending twice syang sa daycare kasi hindi pa rin sya pwede sa kinder kasi that time sinusunod na talaga ang edad ng mga bata. Mabuti na lang din hindi nagsawa mag aral kahit nakadalawang taon sya sa daycare hehe Sa dalawang beses nyang nasa…

@RoseAnn16

Lunch Time na noisemates. Makulimlim dito samen hindi maintindihan ang panahon, kaya hindi ko na nilabas ulit ang mga sinampay ko. Nakakapagod lang lol Fish tayo today, masarap kumain ng may sabaw gawa ng malamig lamig ang hangin dito.. Tara kain tayo noisemates..

@RoseAnn16

x Brownout Capital x Nakakainis na rin ung ganito halos every week na lang may power interruption. Yung weekends naman sana masarap na nasa bahay ka lang kaso palagi nalang brownout. Sanay na naman kami na laging brownout pero nakakainis pa rin. Minsan pa naman natataon na sobrang init ng panahon kaya imbes na makatulog ang mga bata e hindi kasi sobrang init hays Anyway mag isa pala ko sa bahay ngayon, sinamahan ng mister ko ang panganay ko sa school baka ibriefing ni…

@RoseAnn16

Flex ko lang ang mister ko. Diba kanina hinatid nya sa school ang anak ko, habang nagppraktis ang anak kong panganay iniwan na muna nila sa school at napadaan sila ng bunso ko sa dati nyang work sa Mcdo, nakita naman sya kanina nung co-manager nya dati at nakisuyo kung pwedeng iinstall nya ung binili ng Mcdo ewan kung ano un, since hinihintay pa naman nila ang panganay ko e um'oo na sya kasi madali lang naman daw gawin, ilang minuto nya lang ginawa tapos binigyan nalang sya…

@RoseAnn16

x Banana Chips x Panghimagas tayo noisemates, galing ang anak ko kay lola nya naiwan nya kasi tablet nya doon kinuha nya lang, pagbalik ng anak ko eto may dala ng banana chips, nagluto pala ang lola nya kaya ayan bigay ng byenan ko smen hehe Nagpapababa lang ako ng kinain, maya2 lang matutulog na rin kami. Masarap matulog kasi presko na naman dito smen, malamig nag hangin. Iba talaga kapag nasa probinsya e, sariwa pa ang hangin😍 Goodnight na rin noisemates..

@RoseAnn16

Happy Fiesta Daeteños! Pyesta dito sa amin ngayon, kahapon ay nagkaroon ng tricycle float competition. Medyo malayo ang bahay namen sa pinakabayan kaya kapag may mga ganitong ganap e sa fb live na lang namen napapanuod hehe Nakakatuwa lang na after 2years e ngayon na lang ulit medyo nabuhay ang mga activities na ganito especially kapag magpipyesta sa mga bayan. I hope tuloy-tuloy ng bumalik sa normal ang buhay natin and above all sana bumaba na ang presyo ng gasolina at…

@RoseAnn16

Lunch time noisemates. Libre naman ang lunch namen, sabi ng ate ko dito na kami maglunch e, mukhang hanggang gabi na naman kami nito dito kasi ung pamangkin ko ayaw kami agad pauwiin kasi naglalaro sila ng mga anak ko hehe Tara noisemates kain tayo. Nakakalito kung anong kakainin hehe No to diet na naman tayo nito hehe

@RoseAnn16

At nakapag-Sharon pa nga hehe Kakauwi lang namen sa bahay, inaya ko ng umuwi ang mga anak ko gabi na rin kasi, saka mukhang uulan, ayaw pang umuwi ng mga anak ko magpapasundo na lang daw sila sa papa nila, e mamayang gabi pa out non sa work. Kaya sabi ko balik nalang kami next time, wala kasi kaming service, gamit ng mister ko motor ko e, ung motor nya kasi may kailangan oa syang ayusin. Kaya hindi na kami nagpagabi kela ate. Busy na rin naman si ate umiinom sila ng mga…

@RoseAnn16

Good morning noisemates. Babati nko ng good morning habang nagising nko, maya-maya lang kasi wala ng power maghapon na naman. Sakto na naman mataas ang araw na naman oh mukhang mainit na naman maghapon. Gusto ko tong quotes na to, mapapaisip ka meron ka nga bang napapasayang tao bukod sa pamilya mo? Ako kasi sigurado ako na napapasaya ko mga anak ko at sobrang happy na ako don. 🙂 Keep safe noise mates. Lets continue to be a blessing to others 🙂

@RoseAnn16

Meryenda tayo noisemates. Puto'kutsinta saka tikoy. Okay nko sa puto at kape, masarap itong puto masarap ung naorderan ng ate ko. Saglit na online lang tayo, baka malobat agad ang powerbank e. Brownout na kasi dito, tapos talagang nagkakape pa ako dba? Hehe Magluluto na rin ako maya maya ng aming lunch. Happy weekend guys..

@RoseAnn16

Pinya: ito ang pangunahing produkto dito sa amin sa Camarines Norte, kaya taon-taon kaming nagkakaroon ng pinyasan festival.. Anyway galing ito sa aking byenan, pasalubong sa amin, kahaponn kasi dumalawa sila sa panganay nilang anak, miss na daw sila ng mga apo nila e, isang araw lang sila don, umuwi a rin sila ngayon.. Sakto nga pag uwi nila e maghapon nnman kaming brownout hehe

@RoseAnn16

Kakauwi lang namen ng panganay ko, galing kaming school at nagpraktis sila ng sayaw para intermission nilang mga boys sa monday sa recognition nila. Nakakatuwa lang pagdating namen ay may kuryente na. Maaga nagkakkuryente hindi na inabot ng 5pm. Napakainit pa naman. Gandang hapon noisemates, sa sobrang init ambilis kong naubos ang milktea hehe

@RoseAnn16

Kakauwi lang namen ng mister ko, sinundo ko sya sa work hehe Taray! Dati ako ung sinusundo, ngayon sya naman hehe well ngayon lang naman. Hiniram ko kasi ang motor kanina e kaya hinatid ko lang din sya kanina odivaa hatid sundo. Lol Eto pa kung kelan nagbbyahe kami pauwi saka naman ganado ung ulan. Mabuti may kapote kami, tapos pagkadating na pagkadating sa bahay biglang tila ng ulan..pasaway. Gandang gabi noisemates..

@RoseAnn16

Good morning noisemates. Ako lang ba ang may mga anak na kahit araw-araw mong hainan ng itlog e hindi nagsasawa? Mahilig sila sa itlog talaga, ulam, palaman sa tinapay or kahit papakin pa. Eto nagluluto nko ng almusal nila, tulog pa naman sila. Mabuti na nga lang may malapit na poultry farm dito smen kaya may isamg tindahan dito na pinagbabagsakan ng mga nakabalot na sa plastic tatlong itlog na ang laman, ung mga nabasag na itlog. Fresh na fresh pa kita naman guys db?…

@RoseAnn16

Grabe talaga ang byenan ko, kakabalat ko nga lang ngayon nung binigay nyang pinya heto at may palibreng ulam na naman hehe Napakalaki nung pinya kaya bumili akong pipino and tadahhhh may pineapple cucumber drink kami, blinender ko lang. Isa to sa favorite drink ko e, sobrang refreshing. Kesa kung bibili ako sa labas nasa 80-90 ang isang cup hehe eto 11 peso lamg nagastos ko, 7p ung pipino 4p naman ung ice hehe Tara kain tayo noisemates..

@RoseAnn16

Just got home. Pumunta kaming bayan ng panganay ko pinagupitan ko anak ko. Mahaba na kasi ang buhok e bukas recognition nila. Hehe para naman pogi ang baby ko. Napadaan kami sa may nga streetfoods nakakagutom sabi ko kain muna ako, pag itong panganay ko ang kasama ko di mo mapapakain ng mga ganito hehe pero kung bunso ko kasama ko nako jamming pa kami sa kain nito hehe Gandang hapon noisemates..

@RoseAnn16

Kanina bago kami umalis ng anak ko para magpagupit e nanghiram ng steamer ang byenan ko, tapos pagdating namen eto dala ng byenan ko no bake banana cake gumawa pala sya. Dahil mataas ang singil sa kuryente ngayon hindi na sya nag oven inisteamed nya na lang. Eto namang lumpiang Shanghai e nagluto ako ng ilang piraso, gumawa kasi ako para may madala bukas sa recognition ng anak ko, diretso party2 na rin nila kaya bongga nnman ang handa nila nyan sigurado, palibhasa e talaga…

@RoseAnn16

Good morning noisemates. Nakapag-prepare nko ng dadalhin namen sa school. Magpeprepare na lang din kami tapos punta na rin ng school habang maaga pa, nakakahiya naman kasi kung malelate kami e ang anak ko MC hehe Kaya babati na muna ako sainyo noisemates kasi mabubusy kami nyan mamaya dko rin sure kung matatapos sila agad hehe Keepsafe noisemates. Good morning 🙂

@RoseAnn16

Gandang Tanghali noisemates. Kakauwi lang namen, just want to share how proud mom I am. Sobrang nakakaproud na simula 1st quarter hanggang fourth quarter e consistent with high honor ang anak ko. Nakakatuwa pa kasi maraming pumuri sa anak ko at sa classmate nya kasi ang galing mag MC, parang mga matatanda ang galing magdeliver ng salita. Sobrang happy nila nagkasama sama sila ulit ng mga kklase nya. Idlip muna ako noisemates medyo puyat maaga akong gumising kanina e, sakto…

@RoseAnn16

Flex ko lang yung na-sharon ko knina lol Perks na magkakakilala na kayo ng mga magulang ng mga kklase ng anak mo. At saka sobrang dami talagang pagkain, halos lahat kami may take out. Sabi nga ng teacher ng anak ko nagulat naman daw sya sa pagkain namen parang pang isang buong barangay. Imagine 30 pupils plus mga guardians pa at hindi lang tig iisang guardian ang kasama lahat nakakain na tapos ayan may mga take out pa kami parang pyesta talaga e hehe Gandang hapon…

@RoseAnn16

Good morning noisemates. Share ko lang ang dinner namen kagabi, nagluto ng palabok ang byenan ko dahil un ang request nitong panganay ko, nalaman kasi ng byenan ko na with high honor ang apo nya kaya ayan nagluto ng palabok hehe Meet my mother-in-law guys. Sya po ang byenan ko na napakagenerous at mapagmahal lalo na sa mga apo nya. Kaya sobrang happy ang Champ ko kagabi. Panay hug nnman sa lola nya at todo pasalamat. Hehe kaya siguro hindi nasasawa ang lola nya na lutuan…

@RoseAnn16

x Creamy Chicken with tofu x Tara kain tayo noisemates, ang lamig ng hangin kanina pang umaga tapos eto ngaun bumagsak na nga ang ulan, bilib ako s mga bata na naliligo sa ulan parang hindi nakakaramdam ng lamig hehe Ako kasi simula nung nagkaanak nko talagang lamigin na ako. Ano ba to habang nagtatype ako ngayon biglang kumulog ng napakalakas para tuloy akong binuhusan ng malamig na tubig sa sobrang gulat lol Grabe panay ulan na naman ngayon nakakatamad tuloy kumilos😪

@RoseAnn16

x Chicken Skin x Santol x PMS Attack (Premenstrual syndrome) Eto cravings ko ngayon, palibhasa padating na naman dalaw ko, kaya dami na namang cravings ang dami n rin masakit, lol Mabuti na nga lang hindi nako inaatake ng dysmenorrhea simula ng magkababy ako, dati tuwing inaabot ako ng dysmenorrhea halos mahimatay ako sa sakit ng puson ko. Naalala ko pa dati nung nasa work ako non sa Jollibee pa naman tapos halos oras-oras e peak hour bigla akong napa early out at talagang…

@RoseAnn16

Good morning noisemates. Camera shy ang papa ko, kaya kaapg ppicturan mo madalas e stolen. This photo taken 7yrs ago. Si bunso ko itong karga nya. Anyway birthday ngayon ng papa namen, isa lang wish nating mga anak para sa mga magulang natin, ang maging heathy lang palagi at masuklian ang sakripisyo nila sa tin noon. At eto na nga napakaulan nnman dito, not sure rin kung nasa bahay sila mama, madalas kasi don sila sa kuya ko naglalagi nabobored kasi sila sa bahay kasi silang…

@RoseAnn16

x Kare-kare x Ang aga ng ulam ng byenan ko hehe actually kanina pa tan 10:30 kakahawak ko lang ng cellphone e. Napakagenerous talaga ng byenan ko, kung nakain lang sana nito ang mga anak di nko magluluto ng ulam e hehe laking tipid din kapag inaabutan kami ng ulam ng byenan ko e 🙂 Nagsasaing palang ako late na kasi kami nag almusal kaya maya2 na kami maglalunch. Kayo dyan noisemates?

@RoseAnn16

Bakit kaya tayong mga pinoy e sanay na after kumain e kakain pa rin ng kung ano2, panghimagas ba hehe Mahangin dito smen ngayon, tapos makulimlim. Nakakaantok na naman tuloy kasi busog pa hehe Magandang hapon noisemates..

@RoseAnn16

Kkauwi lang namen ng bahay, we had dinner outside, simple celebration sa birthday ng aming mahal na tatay. Happy na sya dyan, mabuti nga napilit namen e usually kasi kapag mga ganitong ganap hindi talaga sumasama ang papa ko, ilang beses ng nagbirthday ang mga pmangkin ko sa mga events place pa even ang mga anak ko wala di mo talaga maaya aya. Palaging "sige kayo nalang dito nalang ako sa bahay" palibhasa matanda na kaya ayaw masyado nakikisalamuha hehe mabuti nalang ngayon…

@RoseAnn16

Good morning noisemates. Mukhang maghapon na naman maulan ah. Wala akong balita sa weather ngayon e, may bagyo yata kaya ganito ang panahon. Ilang araw na rin ganito, simula monday ng hapon maulan na dito e hanggang ngayon di na uminit ng maayos. Daming gawain na natetengga kpag maulan e. Keep safe s lahat lalo na sa maulan na lugar..

@RoseAnn16

x Eggs x Corned Beef x Garlic Rice x Ready na ang breakfast tulog pa ang panganay ko, ang bunso ko naman nagmilk at tinapay lang. Ayaw pa daw nya magrice wala pang gana at kagigising lang din. Medyo sumilip ang araw kakain lang ako tapos maglalaba ako, kapag umuulan kasi nakakatamad maglaba kasi ang lamig hehe Good morning ulit noisemates..

@RoseAnn16

x Late lunch x Ngayon lang nakaramdam ng gutom, hehe halos kakatapos ko lang din maglaba medyo madami akong nilbhan naipon, ilang araw din kasing di nakapaglaba e. Mahangin na lang dito smen hindi na umulan. Kumusta kayo noisemates? Tata kain tayo. Gandang hapon..

@RoseAnn16

Goodnight everyone. Napakabilis ng panahon, July na pala agad maya2 lang. Wala masyadong ganap maghapon, himala nga at hanggang ngayon e gising pa ako.hehe Another month na naman, hoping for a brighter days to come, minsan nakakasawa din ang routine sa araw2 pero sige lang Go lang. 🙂 Goodnight noisemates.

@RoseAnn16

Good morning noisemates. Tamang browse ako sa fb then nakita ko to. Grabe noh? Saludo ako sa mga ganito na kahit matanda na e pinipilit pa rin makapagtapos, siguro nung panahon niya hindi sya nagkaron ng pagkakataon na makapag-aral, kaya ngayon nya na lang naipagpatuloy. Kaya swerte na ng mga bagong henerasyon ngayon, sobrang daming tulong na pwede silang makapagtapos ng pag aaral, kaya ewan ko nalang talaga kung di pa rin makapagtapos. Samantalang kami nung panahon namen…