x Pansit Dinuguan x Bago kami umuwi ng bahay e dumaan ulit kami kela lola, pinabalik kasi kami ng byenan ko para magmeryenda, tapos si mister ko kasama na rin namen. Then ung father in-law ko nauna ng umuwi, isinabay nya na rin sa sasakyan ang mga bata kaya kami nlang ng mister ko uuwi tig isa pa kaming motor😁 May pansit at dinuguan sa handa ni lola, naisipan namen ng mister ko paghaluin namiss kasi namen pansit dinuguan sa Albay, keri na pero iba pa rin talaga yung pansit at dinuguan sa Albay. Sana makapasyal ulit ng Albay para makakain naman ulit ng pansit dinuguan hehe Pagupit din muna ang mister ko bago kami umuwi.. Gandang gabi noisemates..
4 comments
Hala pwede pala yan sis, ngaun ko lang nalaman na may pancit dinuguan pala
Opo sis. Popular to sa Albay sis..
Ngayon ko lang nalaman sis pwede pala paghaluin ang dinuguan at pansit hehe unang tingin ko pa lang sa pansit hindi ko pa nabasa ang caption alam ko na may dinuguan ang pansit :)
Ang galing ng naisip nyo sis ha pag haluin ang dinuguan at pancit. Natakam ako tumingin. Pero nang una akala ko talaga chocolate pancit yung picture lang muna tinignan ko hahaha. Wow sissy marunong ka pala mag drive ng motor? Ang galing naman.