x Sinantol x Ginataang Langka x Grabe talaga sa sipag magluto ang byenan ko, imagine dalawang putahe binigay hehe Kaya pala tumatawag ang byenan ko kanina hindi ko nasagot dko napansin e, tapos maya-maya andito na dala na itong dalawang ulam kahit na umuulan ulan pa hehe Siguro kung papipiliin ako sa next life ko, sila pa rin pipiliin kong maging byenan ko. Hehe Grabe hindi nagbabago. Maulang gabi noisemates. Sakto sa maulan na panahon ulam namen. May tinapa rin ako dito, hindi ko na naisama sa picture hehe
3 comments
Ang swerte mo din sis,parehas pala tayo. Mabait din byenan ko,mapagbigay at maaalahanin. Minsan nahihiya na nga ako sa kanya kapag may inaambag sya samin. Kaya suklian nalang natin ng pagmamahal ang pagiging mabuti nila satin.
Ganyan na ganyan ako sis. Ung tipong nakisuyo lang ang byenan ko na icash out sa gcash ang pindala sknya ng hipag ko pero kapalit naman non at grabe, nakakahiya na nga e, dko naman din matanggihan kapag nagbibigay sya smen hehe
Mukhang Ang masarap ng luto ng inlaws mo ..