read.cash Log in
@Roni

Hello, Sunday morning mga ka-noise/Ka-Pilipinas/ Maaga akong nag-bike kaninang umaga gaya ng makikita sa first picture 5:29 am pa lang. May lakad kasi ako maya-maya. Ang second and last picture kahapon pa ang mga iyan, pero dahil busy ako di ako nakapag-post kahapon. Iyan iyong kalsada sa dinadaanan ko dito, baku-bako siya. Last month, gabi noon dahil madilim naka-bike ako napasubsob ako kaya napilay ang paa ko (ankle). Mabuti na lang mahusay iyong manghihilot dahil naalis niya agad iyong naipit na ugat. Ngayon nabalitaan ni misis iyong mahusay na manghihilot ng pilay na iyon namatay na daw, atake sa puso. Kaya ang baku-bakong kalsadang iyan ang naisipan kong picturan kahapon gaya ng date na makikita diyan, kasi balak kong gawin sanang content iyan kahapon, pero di ako nakapag-post. Naisip ko dati bago maghalalan inaayos ang mga kalsada pero ngayon di nila inayos. Nasisira din ang mga gulong ng sasakyan sa ganiyang baku-bako at mabatong daan. Na-experience niyo na rin bang sumemplang sa daan ang bike ninyo?Haha! Buti na lang walang gaanong tao nang mangyari iyon sa akin dahil gabi na noon, hehe! Pero nakakahiya kapag may nakatingin sa iyo sa ganoong situwasyon, haha! Stay safe, mga ka-noise!

5 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.