Hello mga ka-noise/ka-Mema!!! Hindi ako agad nakapag-post lalo na hindi ako makaisip kanina kung anong gagawin kong content. Noon sinunod ko iyong payo ng isang ka-noise sa post niya na kapag wala kang magandang ipo-post huwag ka na lang daw mag-post. Ang nangyari tuloy parang stagnant ang laman ng wallet ko at lalo akong tinamad, puro comment lang ang ginagawa ko. Pero dahil tuwing nagko- commment ako binibigyan ako ng mga generous na ka-noise dito, parang nahihiya din ako sa kanila, ang ginawa ko ibinibigay ko na lang ang laman ng wallet ko, anyway di naman ito kailanman umabot ng kahit $2.5 man lang. At may nagsabi sa akin dito na sikapin kong mag-post at ginawa ko naman, kasabay ng pamamahagi ko sa kokonting laman ng wallet ko. Pero nang napansin yata ni boss noise na ganoon lagi ang ginagawa ko, naawa sa akin binigyan nya ako ng ft mga 2 weeks ago na niyan. At magmula no'n tuluy- tuloy na akong nakaka-receive. Pero gawa ng lagi rin akong busy madalas nakakatanggap ako ng notif kay noise, gaya ng pinost ko dito sa last picture. Batay sa karanasan ko, nakita ko hindi naman kailangan na ganoon ka - outstanding ang dating ng content mo para pumasa kay noise. Ang mahalaga kahit simple lang iyon kung ginawa mo ito ng matapat sa loob mo at ikaw talaga iyon sa totoong buhay, mapi-feel naman iyon at may concern ka as a noise friend sa mga kapuwa mo noisers, papasa ka sa kaniya. Kaya kahit di tayo isinilang na writer, sikapin pa rin nating mag-post kahit once a day lang ang kaya natin. Nakita ko importante kay noise na regular tayong mag-post, makipag-interact, to be considered as active. Kasabay ng pagsisikap na huwag lalabag sa mga rules niya. Sa gayon papasa tayo sa standard niya at bibigyan niya tayo ng ft. Sa first picture pala ay ang simpleng lunch ko gulay ng kalabasa, sitaw at talbos ng sitaw na may sahog na liempo. At itong last picture notif from noise. Have a great afternoon mga ka-noise!
9 comments
Korek ka dyan.. interaction and post as well is necessary..
Totoo yan kanoise dapat maging active lang palagi at makipag-interact sa ibang noisers at post good content. Naranasan ko rin Yan nun dahil walang ft sa wallet Ka kukuha makapagshare man lang ng kaunti at kalauan nabiyayaan din Ng ft :) Dati nakakatanggap pa ako Ng ganitong notification Kay noise sa ngayon hindi na nakakamiss may matanggap na ganito nag-uumapaw na blessings kailangan ibahagi.
Oo nga ka-noise! Kaya madalas binibigyan ko rin iyong iba na walang ft para happy din sila.
true ka dyan bhe. Newbie ako dito at super busy ako lagi pero atleast once a day nakakapagpost naman ako dito. Lucky to be noticed earlier than expected. Thanks to noise i can now give ft.
Tama ang sinabi mo, ka-noise! Happy noising!
Congratulations po at talagang nabigyan na kayo ni noise at sanay magtuloy tuloy po
Sana nga, ka-noise! Salamat!
Maganda po yong content nyo tulong sa mga noisemate natin na nangangapa pa sila dito minsan nagtatanong sila kung ano ba ang mga rules.gandang tanghali po sa inyo dyan
Magandang hapon, ka-noise! Salamat at na-appreciate mo ang post ko.