read.cash Log in
@Roni

Trying Hard Poet Share ko lang iyong ginawa kong tula noong bago pa lamang ako sa Noise cash, 1 year ago. Sorry, trying hard na poet lang ako noon. Ha-ha! Kapag malungkot ka, open mo ang Noise Apps mo, siguradong matatawa ka at maaaliw sa mga kuwento ng mga KA-MEMA natin dito. Para ka na ring may kasama at di mo ma-feel na ikaw pala'y nag-iisa!πŸ˜† Kapag wala kang makain at ika'y gutom, lumipat ka naman sa mga ka FOOD TRIP friends natin, parang busug na busog ka na rin sa dami ng masasarap na pagkaing nasa harap mo habang nagba-browse ka dito.πŸ˜‹ Kapag gusto mo namang mag-meditate o magmuni-muni, lumipat ka sa THE BEAUTY OF FLOWERS, at sa CLICK & SHOTS, at tiyak na ang isip mo ay mare- refresh at mare-relax!😊 Kung gusto mong matuto sa parenting at budgeting, naku lumipat agad kay momshie sa ALL ABOUT MOMS. Hindi ka mabibigo dahil hindi siya mauubusan ng ituturo at ikukuwento sa iyo!πŸ₯³ At kung hindi mo na kayang solusyunan pa ang kinakaharap mong problema sa ngayon, huwag kang mag-atubiling puntahan ang ating kaibigang si NOISE PROBLEMS AND SOLUTIONS, dahil tiyak na maso-solve niya agad-agad iyon!πŸ‘ Kung naiinip ka na talaga sa loob ng bahay at parang nababanas, aba! Halika na at lumabas! Takbo na dito sa pinoy tambayan para ang malamig na simoy ng hangin ay iyong malanghap. Dito lang iyan mahal kong mga ka-noise, sa PILIPINAS!πŸ‡¨πŸ‡± Ps. Na-miss ko lang kasi ang Noise Cash kasi doon ko unang nakilala ang halos lahat ng mga virtual friends ko dito. Pero marami pa rin sa kanila ang hindi ko pa nakikita dito. Nakakalungkot isipin na 1 year pa lang ako itong November, pero mahihinto na yata ito. By the way, let's just continue our happy noising here, mga ka-noise!

17 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.