read.cash Log in
@Roni more from that month

Happy Sunday Morning everyone! Since rest day ko ngayon sa aking Cycling exercise, kaya hindi ako nakapag-picture sa labas. Share ko na lang itong binili kong mga prutas kahapong past 5 pm sa may fruit stand dito sa lugar namin. Pagdating ko dito sa bahay, pinicture ko na muna bago ko tinawag si misis, nasa loob kasi siya ng kuwarto at itinutupi ang mga nilabhang kumot at bedsheets kahapon. Matapos kong ma-picture, tinawag ko siya at napa-wow pa! Ito na lang ang available na mga prutas kahapon ng hapon. Wala ng gaanong mapagpipilian pa. Dahil weekend na kaya mabili. Pero may panahon na marami at malalaki ang mga apple na available dito. Tinanong ko si Mr Google, at ito palang mga binili kong ito ay pasok sa 20 healthiest fruits. No.1 ang apple, number 3 ang bananas, number 6 ang mango. Wala ang Papaya. Pero sa Top 10 local Fruits na beneficial sa health number 6 ang papaya. Narito ang sagot ni Google kung bakit kailangan nating kumain ng prutas araw-araw. Consuming fruit is associated with dozens of health benefits-improved heart health, protection from chronic diseases and a healthy weight, to name a few-and pretty much all respected health organizations encourage us to eat fruit every day as part of a healthy diet! Kaya mahalagang sikapin nating kumain lagi ng alinman sa mga prutas na available sa ating bansa para sa ating kalusugan. Have a blessed Sunday, everyone!

7 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.