Ulan, Kidlat, at Kulog Kumusta kayong lahat, mga ka-noise? Nandito pa rin ako sa job site namin, at uuwi ako mamayang 5 pm. Share ko lang sa inyo itong picture na kuha ko kaninang 8 am. Dito sa lugar na ito, tinamaan ng kidlat ang isang electrician ng isang kumpanya na nandito rin ang proyekto kahapon mga 2 pm. Hindi ko siya nakita, sinabi lang sa akin ng mga kaibigan ko. Hanggang ngayon, 50/50% daw ang chance na mabuhay. I hope and pray na sana mabuhay siya. Pabagu-bago talaga ang panahon ngayon. Katulad kahapon ng umaga, maganda ang panahon, pero bandang alas-dos ng hapon, biglang umulan ng kidlat at kulog. Sa kasamaang palad, may natamaan ng kidlat. Kaya kapag umuulan, kumikidlat, at kumulog, hangga't maaari, nasa loob tayo ng ating bahay. Kung tayo ay nasa trabaho, dapat tayong magkaroon ng masisilungang bahay o mga lugar na pahingahan malapit work place natin. Keep safe, dear noisemates!
4 comments
hala. kawawa nman. sna maka survive. sa mga news dmi rin na tinatamaan ng kidlat
Oo nga, ka-noise! Kaya ingat lang tayo!
Nku kawawa nman ung ntamaan friend. Dapat tlga kapag may kulog at kidlat ay wala sa open area. Ingat k din lgi friend
Salamat, kaibigan! Gudnyt!