read.cash Log in
@Roni more from that month

Good morning everyone! Ang ganda talaga ng umaga ngayon mga ka-noise! Ang ganda rin ng feeling matapos kong magawa ang aking regular biking exercise. Kaya heto bumili lang ako ng palabok sa pamangkin ni misis para di muna siya magluto ng para sa breakfast namin, iyong para sa lunch na lang ang iluluto mamaya. Napakasarap magluto ng pamangkin ni misis kaya madaling maubos ang tinda niyang almusal. Ang totoo, pagka-picture ko nito kinain ko na agad, kaya ngayon ko lang ipo-post hehehe. Habang mainit pa kasi dapat ng kainin agad, gayundin itong sinangkap na Milo ni misis dapat mainom din habang mainit pa. Ngayong tapos na ako at nasiyahan sa breakfast ko, kayo naman mga mahal kong kaingay, tapos na rin ba kayong mag-almusal? Kung hindi pa, mag-almusal na kayo at gaya ng lagi kong paalala masama sa katawan ang pag-i-skip ng meal lalo na ang almusal. Happy Tuesday, stay safe and healthy!

2 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.