Good evening my noise buddies! Mag-hapon akong di nakapag-post, kaya sinikap ko ngayon kahit itong dinner lang namin ang ise-share ko dito. Kahapon tinola ang ulam namin, ngayon inihaw na bangus naman! Sabi ng misis ko habang naghahain ng pagkain sa dining table, " bukas kaya, ano naman kaya ang lulutuin ko?" Sabi ko, "kumain na muna tayo, huwag mo munang problemahin ang iluluto mo bukas. Ubusin muna natin ito!" Bigla siyang natawa! Kasi hindi lang ngayon ko narinig sa kaniya iyan, madalas, kaya natawa siya sa sarili niya! Kayo mga ka-noise, ganoon din ba kayo? Lagi niyo rin bang naiisip kung ano ang bibilhin ninyo o ilulutong ulam kinabukasan? Halina kayo, mga kaingay, sabay-sabay na tayong maghapunan. Mamaya na natin ituloy ang ating kuwentuhan!
8 comments
sarap nman nyan. ganda ng lagayan ng toyo ah. first class ang effect hehehe
Talagang iyon ang napansin mo ka-noise ha! Matalas ang mata mo hehe. Thanks.
di nman. nakinang kc hehhehe
Nakakasilaw ba hehe
di nman. cute lang talaga sia hehehe
Thank you, at na-appreciate mo! Enjoy the rest of the day my dear ka-noise!
Enjoy your food
Thanks ka-noise!