read.cash Log in
@Roni

Throwback Tuesday Good afternoon mga Ka-noise/Ka-Pilipinas! Sa pagi-scroll ko sa mga album ko sa gallery nitong cp ko, nakita ko itong mga photo na pinost ko dito. Iyan ang naging project namin sa Anvaya, Morong, Bataan. Pero ang sa amin ay ang trusses roof lang diyan sa building na iyan. Sa structural ang sa amin. Ang second photo, diyan kami bumibili ng mga isda o seafoods, daungan ng mga mangigisda sa Morong Bataan. Marami ang namimili gaya ng makikita diyan dahil bukod sa fresh na fresh makakamura ka pa. Ang 3rd photo ay ang rest house ni Willlie Revillame sa Anvaya. Pero ang steel stair frame lang ang sa amin diyan. Pero the rest ay ang mga tauhan ng company ang gumawa niyan. Subcon lang ako sa mga steel works. From 2016-2018 ako nagkaroon ng project sa Anvaya at masasabi kong naging maganda at maayos ang lahat, although may mga hussles din na di naman talaga maiiwasan, pero sa kabuuan ng pagi-stay at pagta-trabaho namin sa company na kung saan naging sub-con ako ay well and good naman. 2019 bumalik ako doon nang may ipa-gawa ang company na pinag-subcon ko at noong pandemic ay temporary kaming na-stop. Hopefully, matuloy na sana ang panibagong project namin pero hindi na doon sa ibang lugar naman. Enjoy the rest of the day mga ka-noise!

8 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.