read.cash Log in
@Roni

My Thursday Good afternoon dear noisers! Katatapos ko lang mag-lunch nito. At habang nagpapahinga ako, post ko muna ang mga picture na kinunan ko mula kaninang umaga nang pauwi na ako galing sa 30 minutes Cycling exercise. Kahit 6:32 na diyan sa first photo pero di pa buo ang pagsikat ng araw medyo natatakpan pa ng ulap sa paligid. Ang second picture ay ang bakery na binibilhan ko ng loaf pan at pandesal tuwing umaga. Sa 3rd photo, iyan ang ulam namin sa lunch, paksiw na Bangus. Nakita ko kasi kahapon sa post ng isa nating ka-noise dito kaya nag-crave ako kaya pinagluto ko si misis. Paborito pa naman niya ang paksiw na Bangus kaya ayan nagluto agad. Araw-araw may dumadaan dito sa tapat namin sariwa pa ang mga tinda niyang Bangus at iba pang isda. Ang 4th picture ay ang dessert namin ripe papaya. At ngayon dahil sobrang init dito, inopen ko na itong ice cream na binili ko malapit lang dito sa amin. Kayo mga, ka-noise ano ang mga happenings ninyo, diyan? Tara kain tayo nitong ice cream para makapagpalamig. Enjoy the rest of the day while making noise here. Ha-ha!

4 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.