read.cash Log in
@Roni more from that month

Good evening my noiser family! Nag-dinner na ba kayo? Makikita niyo dito sa oras ng picture na pinost ko na kaninang lunch time ko pa pinicture ito pero di ko nai-post! Bakit ko ipinost ngayon? Kasi replay lang ang ulam namin ngayong dinner, hehehe. So naisip kong huwag ng picturan same din naman. Ang time lang ang nag-iba kayo na lang ang mag-adjust. Hahaha! Madalas ganiyan ang ginagawa ng misis ko iyong niluluto niya for lunch kadalasan hanggang hapunan na iyon. May time pa nga na hanggang breakfast pa hehehe. Ganiyan kasi siyang nakakatipid, sa gas at sa oras na ginugugol niya sa pagluluto. Marami pa kasi siyang pinagkakaabalahan kaya ganiyan ang minabuti niyang gawin mula pa noong bago pa lamang kaming mag-asawa. Pero tinitiyak niya na kahit simpleng mga luto lang ay masustansiya naman, kasi health conscious din naman si misis. Kayo mga ka-noise, ginagawa niyo rin ba iyan, na kapag nagluto hanggang dinner na? O, halina kayo mga ka-noise, sabay-sabay na tayong kumain! #foodtrip #nori23

1 comment

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.