Sunset Magandang hapon mga ka-noise! Ilang araw din akong hindi nakapag-post dito, pero halos araw-araw kahit ilang minutes lang nagko-comment ako sa mga post ng mga Ka-noise natin dito at nakikipag-interact din naman. At kahit di ako ganoon ka-active dito binibigyan din naman ako kung sinoman iyong mga anonymous donors dito. Kaya gusto ko ring magsikap na makapag-post pa rin dito para ipakita na pinahahalagahan ko rin ang pagkakataon na mapabilang sa platform na ito at makilala ang maraming friendly noisers dito. Share ko lang itong pinicture ko sa mga nadaanan namin ngayong papauwi kami dito sa amin. Eksaktong natiyempuhan ko ang papalubog na araw, first picture. Ang second picture makikita sa malayo ang church daw ng mga kulto sabi ng driver namin. I hope you enjoy the sunset picture that I shared here. Happy weekend, everyone!
42 comments
Simbahan ng mga kulto yon white
Oo daw, ka-noise!
Happy weekend din ka noise at kaht minsan ka Lang mag post ehh sulit Naman po ngayon dhil sobrang Ganda
Hehe! Ang bait mo naman, ka-noise! Salamat sa moral support. Haha! Friend nga kita😊
Really good look and inspiring one.
Thank you for your nice and kind words, ka-noise! Great evening!
That's marvelous, kapatid!
Oh, thank you so much, kanoise! Kahit di ako mahusay sa photography na-appreciate mo ang post ko. Have a great evening, mate!
Good evening nors late ako hahaha tinapos ko yung discussion ko nako po unread naman ang tambak kamusta ang maghapon?ganda naman ng scene
Ok, naman, Miss P! Ganiyan din, ako, tambak ang mga unread messages ko. Di ko alam kailan ko matatapos ang mga ito. Hehe! Baka abutin pa ng 2023. Haha! Good evening!
Anla nors ayusin mo yan hahaha sabagay malapit na 2023 hahahaha kapag busy talaga ei
Oo miss P, pero sisikapin ko hanggang bukas, habang day off ko. Hehe!
Aba pwede naman kaibigan Nors pwero mag rest din hahaha kasi by monday back to work ulit
Tama ka, ka-noise! Baka pag umalis kami ni misis bukas di ko na naman magawa hehe!
Haha at nalito na🙄kanoise na hindi na missP hahaha si missG ba misis mo?mabait din yun ei
Sino si Miss G, miss P? Ipakilala mo naman ako. Hehe? Kasing-bait mo rin ba? Haha!
Anla si georgia same kasi kayo ng tawag sa akin kaya na ask ko😆 oo kasing bait ko
Talaga? Baka gumaya lang sa akin. Haha! Sino ba ang mas orig na tumawag sa iyo ng miss P, ako o siya? Baka Kasi sabihan niya ako na gaya-gaya. Haha! Joke! Baka Magalit iyon pag nabasa ito.
Ikaw nauna hahaha bago siya kaya ikaw ang orig hindi magagalit yun hahahaha kilala mo rin ata yun ei😆
Dito Nakita ko na rin at medyo nakainteract Kasi na-follow ko na rin dito bago pa lang nakasabay ko kasing mag-comment kundi sa iyo sa iba nating kanoise.
Ah akala ko kakilala mo yun haha pero dont worri ikaw ang orig may pa orig pa hahaha natutuwa naman ako at may mga callsign tayo kasi mostly mate kanoise kaingay diba hahaha
Oo, ako Kasi nakasanayan ko na Ang ka-noise magbuhat noong nag-start ako dito. Minsan napapagaya din ako sa iba kapag tinawag nila akong mate o friend, o kaya kaingay, kapatid napapagaya na rin ako ng ganoong tawag sa kanila. Hehe!
Ay baka mapagaya ako sayo matawag kita missN HAHAAHA joke lang gusto ko lang happy ang usapan natin buti na active ka
Dahil nakauwi na ako kaya habang nagpapahinga ako nakakapag-noise ako. Hehe!
Ay goods naman nors para active din yung sa unread mo scroll up mo na lang lalo if matagal ng post
Oo, try ko mamaya kapag natapos ko na lahat itong mga red sa discussion. Hehe!
Hahaha ok nors gudluck hahaha
ganda nang sunset ka noise sarap.mag muni muni while iniisip yong utang hahahahhaa
Haha! Huwag iyong utang ang iisipin, ka-noise! Iyong happy memories niyo na lang ng hubby mo, para mawala ang stress sa mga utang. Hehe!
bwhahah awwp happy memories pala dapat ka noise hahah
Oo naman, ka-noise! Kasi kapag pinagmamasdan mo ang sunset makalimutan mo pansamantala ang mga problems di ba?
I love watching sunset my friend.
Ganda ng view lods napaka maaliwalas
Thanks, ka-noise! Sobrang maaliwalas nga dito. Bagong subdivision ito, dito sa Porac Pampanga. Magandang gabi!
Ganda po... Good evening lods
Good morning 🌄
Ganda po ng sunset. Pero mas napansin ko ang smiling face mo sa dp. Hehe. Gandang gabi po.
Haha! Mas kapansin-pansin ba kesa sunset o kabaligtaran nito hehe! Good evening, ka-noise!
naku bawal absent dito, Roni hihi
Haha! Bakit, ka-noise, dahil baka hindi ako pumasa dito. Hehe! Pero sinisikap kong huwag umabsent Kasi nami-miz ko ang mga magandang post niyo at ang pakikipag-interact sa inyong mga friendly noisers dito. Haha!
bawal ang absent dadami ang basahin mong unread🙃
Haha! Thanks sa reminder, ka-noise! Sisikapin kong maging regular dito. Haha! Good morning!