Makiki burnik sana kami at birthday ngayon ng birthday ng bunsong anak ng pamangkin ko kaya lang ay sobrang lakas naman ngayon ng ulan dito sa lugar namin. Bumili pa kami kahapon ng ireregalo naming damit sa bata pero baka bukas na lang namin ibibigay kapag ok na ang panahon. Dito na lang kami sa bahay mag snack at kasalukuyan akong nagluluto ng French fries ngayon. Sabayan na lang namin ng mainit na kape at malamig naman ang panahon ngayon. Sa mga lugar na apektado ng bagyo....ingat po tayong lahat lalo na sa mga lugar na binabaha at doon sa mga nakatira sa coast line.
1 comment
Next time bibili na rin po ako ng fries para ako nalang magluluto. Medyo magastos po kasi pag laging sa mcdo or Jollibee. Keep safe po