Pag pasencyahan nyo na itong post ko at dito na lang ako maglabas ng sama ng loob. Noong meron ako kailan man ay hindi ako nagdamot sa kanila, ultimo nga mga utang nila ay binabawasan ko para lang makabayad sila. Ngayon at walang wala ako, pati ba naman anak ko ay tataguan pa nila ng pagkain? Kamag anak ko ba talaga sila at paramg malayo ata sa ugali ko na siyang ipinakita ko sa kanila noong meron pa ako? Hindi bale at isang taon na lang ng pagtitiis cgurado na makkarekober na rin ako.
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
4 comments
Hayaan nyo na po lods, ipagdasal nyo na lng po ang mga ganyang tao na walang iniisip kundi ang sarili, mas nable bless pa po ang mga mapagkumbaba at mapagtiis na kagaya nyo po, at least alam nyo na po ang ugali nila ngayon. Sa ginhawa anjan sila pero pag taghirap na, di ka na kilala. Sabi nga nila pag pinagsarhan ka ng pinto, may bintana pang magbubukas para po sa inyo. Good evening po🙂
Napagdaanan ko rin yan kanoise Kaya ramdam ko ang naramdaman mo ngayon. Nakakasama ng loob talaga pero hayaan nalang natin sila ang importante nakakatulong Ka sa kanila si Lord na ang magbalik ng higit pa sa ating inaasahan. Blessed day!
Wag ka magtanim nang galit sir ang maganda gawin ipag pray mo nalang sila, ganon siguro ang buhay hindi lahat pareho, ang mahalaga hindi ka ganon sakanila..
May mga tao talagang ganyan ric. Ikaw na bahalang umintindi.. ako din nga noon. Sa tuwing nanghihiram ako ng pero kailangan bukas mabayaran agad hindi pwede ipagliban maski wala kapang perang pambayad.. ikaw na bahala dumiskarte kung saan ka ulit uutang para ipambayad sa kanila kasi walang wala ka pero noong ako naman at nagpahiram 3 years ago dahil kailangan na kailangan nila pero until now hindi pa binabayaran.. sa tingin ko parang hindi na ata babayaran eh. hehehe. ang buhay nga naman!