Lunch Done...
Sabaw lang sa tanghaling tapat na sobrang init hehe tapos sinamahan pa ng mainit na kape ayos ligo ng pawis ang kasunod hehe.
Ngayon hugas naman ng plato gagawin hehe. magsisipag muna at walis walis ng bahay for maintenance hehe. Lapit na umuwi si boss hehe char si partner pala haha.
Gandang hapon sa lahat... ^_^
[Rockgod12]
Dinner
Gandang gabi guys...
Medyo simplehan lang natin guys hehe. napagod na ako kasi maglinis ng bahay, kaya hindi na ako nakapagluto kaya nagbukas na lang ako ng delata at hindi ko na siya pinainit o ginisa mahal din kasi sibuyas kaya okey na yan laman tiyan din yan hehe.
Oh siya tara kain guys, sardinas muna tayo ngayon gabi hehe. Wala ei napagod na hindi na nakapagluto hehe.
[Rockgod12]
Meryenda And Chill
Gandang hapon guys, kakatapos ko lang maglinis ng kung anu anu medyo kakapagod din buhat dun buhat dito hehe. Sa wakas natapos din. Nagluto ako ng popcorn na isang piraso na lang, para maubos na siya hehe. Tapos sabayan ng nood ng kdrama.
Taposin ko lang tong isang episode maya maya maliligo na din ako hehe. medyo mainit ei hehe. Oh siya kain tayo popcorn guys. Kayo anu meryenda niyo diyan?
[Rockgod12]
Lunch Done
Gandang tanghali guys...
Nauna nako kumain bago post dahil dami ko na gutom atska naexcite din ako kumain dahil reto to ng frend ko na merun daw carenderia sa labasan na masarap ang luto ei sakto wala akong ulam para ngayon tanghali kaya napabili ako. At nagulat ako sa presyuhan mahal na pala lutong ulam, ang karne 60 pesos at ang gulay naman 30. Pero kung iisipin mo mahal din naman mga bilihin kaya okey na lang din atska ang sarap ng ulam nga nila lalo na tong binili ko na letson paksiw tapos yung sabaw masarap din sabaw siya ng nilaga kaya malasa. Kaya hindi na rin lugi sa sarap ng ulam kaya yun ubos kanin ko hehe.
Ngayon pahinga muna saglit at nabusog ako ng sobra, maya maya hugas na ng pinagkainan browse muna dito hehe. Gandang tanghali ulit guys hehe. ^_^
[Rockgod12]
Breakfast
Kape at Pandesal
Maaga ako nag crave sa pandesal kaya kahit tinatamad sige bili pa rin, hehe. Samahan ng kape na nabili ko online. huhuhaha ang pangit ng lasa, ito yung tinatawag na tiis ganda ei haha char. Akala ko masarap to kasi may vanilla ba yun. parang dahon na naman kasi hehe.
Oh siya tara kape tayo guys. ^_^
[Rockgod12]
Dinner. . .
Sabaw ulit para sa gabing to hehe. Hindi ko alam tawag dito ei basta parang laga proseso niya pinakuloan na nilagyan ng pamintang buo, laurel, bawang at sibuyas at suka pa pala at yan na yun, ulam na yan hehe.
At hindi naman sa pagbubuhat ng bangko, masarap siya guys. Oh siya kain muna ako guys, kain na din kayo para sa mga hindi pa nakain hehe..
[Rockgod12]
Tiktok Shop
Kape at Damit
Okey na sey @seytzy dumating na yung mga order ko sayo. haha maraming salamat, ang gastos mo talaga kausap haha char. Maganda yung damit manipis lang. Manipis lang gusto ko para hindi mainit, kasi kapag nasa probinsiya na ako mainit dun ei.
Tapos yung sa kape, bukas ko na yan matitikman, sana effective na papayat ako diyan ha!? haha kahit hindi sabi naman daw nila masarap yan pero mas gusto ko pumayat syempre hehe.
Lahat yan nabili ko sa tiktok shop, akalain mo parang shopee na rin pala ang tiktok at ang bilis pa ng deliver nila,nun isang araw lang yata ako umorder sa kanila.
Gandang hapon sa lahat... ^_^
[Rockgod12]
Brunch Done
Pancit canton And Skinless Longganisa
Wala na akong noodles, tinatamad naman ako lumabas wala na rin nga akong kape. Hinihintay ko pa deliver ng kape ko, i hope ngayon dumating na, parang magkakasakit ako kapag walang kape huhuhaha.
Yun nga gusto ko sana sabaw pero pag tingin ko sa drawer puro pancit canton na lang pala to kaya no choice ako yan na lang, bagay pa rin naman sila na pag samahin ngayon ko lang nalaman hehe.
Oh siya gandang hapon sa lahat, na late tong post ko pagkatapos ko kasi kumain inantok ako buti hindi ako binangungot as in nakatulog kasi talaga ako kakagising ko lang hehe.
[Rockgod12]
Dinner Done....
Tinola
kanina pa ako kumain kaso sa gutom ko kumain mo na ako atska naexcite din ako sa ulam, masarap kasi tong luto ko ng tinola hindi siya ganun kaalat yung nga lang over cook na yung sayote kasi tira na lang tong tinola ei pero masarap pa rin naman.
Oh siya tulog na kayo guys, ako naman nag aabang pa ng basketball baka may laban ang gilas ei hehe. Goodnyt guys sweetdreams mwahhhh...
[Rockgod12]
Let's Go CONVERGE
Lumalaban na naman ang team ko, gudluck sa kanila abot langit na naman kaba ko nito haha. Medyo swerte ros ngayon ei. natyempo pa sa converge ko haha. Sana manalo mahalaga sa kanila to para tumaas sa standing.
Oh siya nood nood muna ako guys hays tinatambakan na team ko huhuhaha.
[Rockgod12]
Meryenda
Sopas
Nagmeryenda naba ang lahat? sige lang ganyan kayo hindi nag aaya ah haha char. Tara meryenda na tayo. Last batch na ng sopas ko, inubos ko na para wala ng gaanu laman ang ref.
Oh siya tara kain guys.
[Rockgod12]
Brunch
Gandang tanghali guys, ang sarap ng tulog ko ngayon tuloy tuloy dahil siguro sa wakas nalinis ko rin yung bahay naging mukhang kwarto siya imbes na parang bodega haha. Tapos natakam pa ako sa ulam ko ngayon tanghali kaso last nato wala ng atay ng manok sa ref huhuhehe.
Oh siya tanghali na guys, tara kain tayo. kumain na din po kayo. ^_^
[Rockgod12]
Dinner
Shrimp
Gandang gabi guys. Hindi ko alam tawag dito ei, basta niluto lang siya sa butter tapos yun na okey na yan. Ansarap nito nakakamay tapos bagong saing yung kanin wag na pansin yung init hehe.
Oh siya kain tayo guys, Late na naman na busy dito sa bahay ei hehe.
[Rockgod12]
LUNCH
Gandang tanghali guys, medyo dinapoan ako ng sipag ngayon naglinis ako ng iilan sa bahay at naghugas ng lagayan ng mga plato. Hindi pa ako tapos pahinga lang muna. Habang nag papahinga kakain na din syempre.
Dahil nagtitipid ako ng hugasin pinagsama ko na lang kanin at ulam ko hehe ganun din naman yun pagsasamahin mo din sila haha. At ganyan talaga ginagawa ko kapag adobo ulam.
Oh siya kain tayo guys. Kain na din sa dipa nakain. kain tayo.... ^_^
[Rockgod12]
Langka!?
Hays diba bumili ako ng taho kanina, hindi naman sinabi ni manong magtataho na may langka pala yung taho niya. Ahm oo nabili ako ng taho dati kaso bata pa ako nun at wala naman ako nun nabibili na may langka. Anung tingin ko akala ko patay na butiki huhuhaha pero hindi naman siya ganun, haha. hindi ko alam kung anu siya kaya ginawa ko kinuha ko ng kutsara tapos tinapon ko na.
Wala naman kakaibang amoy kaya kinain ko na. Tapos habang kinakain ko may nakuha ulit ako kaya inamoy ko na siya walang amoy tapos kinain ko na dun ko nalasahan yung langka haha. Sabi ko sa isip aw tong si kuya walang pasabi may langka pala to, sayang tuloy yung isa haha, tatlong piraso yata yun haha.
Kayo ba guys may langka din ba mga nagtitinda ng taho sa inyo? first time ko kasi ulit ngayon kaya hindi ko alam haha noon kasi wala yan ei hehe.
[Rockgod12]
Breakfast
Taho, Pandesal at Kape
Gandang morning guys. muzta umaga natin?! Ako ahmmm masaya kasi after 5 decade nakabili din ng taho haha char. Nakaabot din kay kuya magtataho. Kadalasan kasi naaabutan ko siya nasa kwarto ako kakatamad bumaba. Anu na kaya lasa ng taho ngayon? haha char.
Oh siya tara breakfast tayo guys. Heavy meal daw sa umaga kasi dun tayo kumukuha ng lakas. Pero para sakin sapat nato wag lang aatekihin ng katam haha. Kahit kumain ka ng kanin kapag inatake ka nun dibale wala yan heavy meal na yan haha.
#SmileKaLangPoSaUmaga
[Rockgod12]
Late Dinner
Adobong Atay ng Manok
Late na ako nakapag luto, paano naadik na naman sa kakanood ng basketball tapos nag ot pa kaya medyo late na nakapag luto ng ulam. Ang dami ko na tuloy gutom huhuhehe.
Oh siya kain tayo guys. midnyt snack na rin to hehe.
[Rockgod12]
Lunch na
Nag prepare ako ng noodles kasi nga puro prinito ulam ko atska yung ketchup ko paubos na hehe. Last batch na ng tortang giniling huhu nalulungkot tuloy ako huhuhaha char. Tapos parang kulang siya kasi alam niyo naman mahilig ako sa papak kaya nag prito ako ng skinless longganisa and boom kainan na hehe.
Oh siya guys kain mo na tayo. kayo din okey. ^_^
[Rockgod12]
Lets Go GILAS
May dahilan magpuyat para suportahan ang gilas pilipinas sa laban nila against Jordan hehe. Sa mga mahihilig sa basketball tara nood tayo hehe. minsan lang naman tayo magpupuyat haha.
Nood mo na ako guys... :)
[Rockgod12]
Dinner na
Tinola
Gandang evening guys, parang namiss ko bigla mag manok at tamang tama naman may sayote na naman ako na malapit na naman sumuko haha. Kaya nag tinola na lang ako.
Oh siya kainan time na, kain tayo guys. kumain na din kayo malalim na ang gabi hehe.
[Rockgod12]
Lunch Na
pananghalian na pero ang ulam at kanin pang umagahan haha, kasi nga brunch talaga yan hehe. Hindi na ako nagsaing kasi may kanin naman sa ref, sinangag ko na lang para bagay sa ulam, tapos nagluto ako ng itlog at nag init ng tortang giniling at yun ready to eat na.
Hindi pala ako nagkanin kagabi kaya laking tipid sa bigas lalo nangalahati na ipon namin ng bigas haha ang lakas ko sa kanin, ako lang mag isa pero nangalahati ko huhuhaha.
Oh siya maya na kwento, kain mo na tayo guys. Kain na din kayo. Gandang tanghali... ^_^
[Rockgod12]
Late Meryenda
Hays haha naubos oras ko sa kakanood ng basketball ganda kasi ng laban tapos nag fb pa nun natapos yung game hehe. nakalimutan ko may binili pala akong tinapay kaninang umaga para sa meryenda ko, kung hindi pa ako bumaba hindi ko makikita at maaalala yung tinapay haha.
Oh siya tara kain tayo guys, late na naman dinner ko nito kung hindi magutom baka hindi na mag dinner hehe. tara kain po.
[Rockgod12]
Ang Pinakamamahal Kong Sapatos :(
Nilabhan ko na siya para mapagawa ko na. Dibali tatlo sapatos ko pero yan yung pinaka gusto ko kasi kapag sinuot mo siya ang gaan niya sa paa, parang wala kang suot na sapatos hindi kagaya nun dalawa ko na balky ang init sa paa, kaya minsanan ko lang sila soutin. Hays na sira na lang siya kasi yan lagi ginagmit ko kapag nalabas ako ng bahay.
Maaayos pa naman siya dikit lang okey na yan siya. grabe yung takong na lang nakapit ei haha.
PS. Pasintabi sa mga nakain ahhaha
[Rockgod12]
LUNCH
Sopas At Tortang Giniling
Gandang tanghali guys, dahil paubos na ketchup ko kaya gumamit mo na ako ng sopas sa torta ko para hindi na kelangan ng ketchup. Ganyan ako kapag may sabaw hindi na ginagamitan ng sawsawan yung dapat may sawsawan. Kakaiba daw pero yun na nakasanayan ko basta may prito basta may gulay o sabaw sapat na yan na pamalit sa sawsawan hehe.
Oh siya tara kain guys, kain na din kayo.
[Rockgod12]
Kape at Pandesal
Gandang umaga guys, wala sana ako plano magpandesal kaso naubusan ako ng kape, ilan araw na akong walang kape, pakiramdam ko kukunin na ako ni lord kapag hindi pa ako nakapag kape ngayon haha. Kaya numili na ako ng kape tapos katabi nun bilihan ng pandesal edi bumili na rin ng pandesal haha.
Yan ang kwentong morning ko haha, sabik na sa kape haha. Oh siya tara kape tayo guys.
#SmileLangPoSaUmaga :)
[Rockgod12]
DINNER NA
Tortang Giniling
Hindi ko alam tawag diyan ei, giniling naman siya tapos may itlog edi torta na lang tawag ko haha. Isa to sa gusto ko na kapag andito si partner sa bahay hindi ko maluluto kasi ayaw niya ng giniling, kaya habang wala pa siya kain muna ng mga bagay bagay na gusto natin hehe.
Oh siya naexcite na ako kumain dahil isa nga to sa paborito kaya kain muna tayo guys. Sa hindi pa nakain tara sabayan niyo ako hehe.
[Rockgod12]
Blood Moon
Ganda masaksihan ng sarili mong mata grabe para siyang galit na mata haha. Panu po ba nagkakaroon ng ganyan? Hirap kasi nito hindi nanonood ng balita ei haha. Wala tuloy alam haha. May nagpost lang din dito kahapon kaya nalaman ko na may lunar ngayon kaya inabangan ko talaga siya haha.
Ang ganda talaga, kayo ba nakita niyo rin? Buti nakisama panahon, pero ngayon habang nagttype ako nakatago na siya.
Gandang gabi nga pala guys...
[Rockgod12]
Now Watching:
My Love From the Star
Habang nanonood ako ng mga video clip sa fb, may nakita akong video clip na galing sa series na yan at grabe ang tawa ko kasi nakakatawa naman talaga hehe. Hindi nila alam na yung bagong pasok sa company nila anak pala ng may ari ng pinapasukan nila ei binubully nila, ayun nun nalaman nila grabe dun ako natawa sa mga reaksiyon nila. Ganito mga kdrama gusto ko yung may halong comedy hehe.
Oh siya nood lang ako guys hehe. pampalipas ng buong maghapon..hehe
Gandang hapon sa lahat. ^_^
[Rockgod12]
DINNER
Walang kasawaan na sopas na naman at isang pirasong porkchop. Wala ei isang kaldero ba naman niluto ko haha.Nahihiya ako magbigay sa kapitbahay o kaibigan baka hindi nila magustuhan hehe first time magluto ng sopas kaya wala pa tiwala. Pero masarap naman siya ma creamy, kaso inaalala ko kasi lahat naman masarap sakin haha.
Oh siya tara kain guys. midnyt snack na rin to, maghahating gabi na pala haha. tara kain po.
[Rockgod12]
Meryenda
Pansit at Tinapay
Yung pansit galing sa tirang bigay sakin kahapon, hindi ko yun naubos kasi may spag pa. Yung spag lang nakain ko kahapon.Edi ayos din may meryenda ako ngayon plus sinamahan ko ng tinapay, para maubos na ang tagal na nito sa ref hindi maubos ubos hehe.
Oh siya kain tayo guys. ^_^
[Rockgod12]