read.cash Log in

@RockGod12

Joined 9 September 2022 · 193 posts

Life is better when your laughing.😄

120 KT

0 KT received · 0 KT given

Posts

@RockGod12

Lunch ko.... Sopas Hindi ko alam kung tanghali paba o mag gagabi na. Lakas ng ulan tapos medyo madilim na parang pagabi na, grabe ang init kanina tapos bigla ganito. Anu yan binagayan sopas ko haha. Ito lang sa tanghali sapat na, mabigat na rin naman sa tiyan baka nga may round 2 pa yan haha. Kain po tayo guys. [Rockgod12]

@RockGod12

Pampatulog Lang Nauhaw ako bigla parang gusto ko ng malamig na juice kuno hehe. Ang sarap inumin basta malamig talaga tapos may pulots pang kasama na habang nanonood hayahay haha. Medyo buhay pa rin kasi ang diwa kaya kelangan magpaantok na. Kaya tara inom tayo guys hehe. [Rockgod12]

@RockGod12

Dinner Sopas First time ko magluto ng sopas akala ko mahirap medyo madali lang pala hehe. Salamat na lang talaga may mga online platform like youtube na pwede magturo sayo. Basta kompleto ka lang sa sangkap madali lang yan lutoin. Isang mangkok lang sapat na yan sakin. Oh siya kain tayo guys. sa hindi pa makain kain po tayo. [Rockgod12]

@RockGod12

Meryenda Gandang hapon guys, Ayon may birthday pala sa kumpare ko kaya pala may videoke sila, akala ko normal na kantahan lang. Ang dami nito bakit kasi now lang binigay nakapag prepare na ako ng para sa dinner ko, pwede na sana ako hindi kumain sa dami nito. Sigurado tisbun ako pagkatapos nito haha. Oh siya kain tayo guys, marami rami to tara salohan niyo ako hehe... ^_^ [Rockgod12]

@RockGod12

Late Lunch Leftover Pakbet Naku nakatulog ako guys kaya ngayon lang kakain, nabusog kasi ako dun sa canton tapos humiga ayun ngayon lang nagising sa init at sa ingay sa labas huhuhaha sakit tulog sa ulo. Dibali yun nga andaming ulam sa ref mga tira, at pakbet napili ko namiss ko lang gulay kaso nag mukhang sahog yung gulay kaisa sa sahog, haha nakalimutan ko hatiin yung sahog andami tuloy, na over power yung gulay haha. Oh siya kain lang ako guys hehe, kain tayo. ^_^ [Rockgod12]

@RockGod12

Breakfast Pandesal at Pansit Canton Gandang morning guys, grabe sunday pala ngayon kaya pala kaliwat kanan videoke ayun nagising si puyat haha. Dahil medyo late na muntik nako maubusan ng pandesal kulang pa nga yan ei, 20pesos binili ko kaso walong piraso na lang, kaya sa isip ko kulang to kaya nag luto ako ng canton, para may palaman na rin si pandesal. tapos kape na 3 in 1 solve na ang morning natin hehe Tara kain guys, kayo anu pang umagahan natin? share share naman kayo diyan hehe. [Rockgod12]

@RockGod12

Dinner Porkchop First time ko yata nagluto ng ganito yung iprito yung porkchop, kadalasan kasi steak ei. Wala lang para maiba naman hehe. Ahm okey naman siya medyo napabayaan lang hehe kaya medyo maitim nanonood kasi ako. Pero mukhang masarap naman siya hehe. Oh siya late na pala kaya pala gutom nako. kain mo na tayo guys. ^_^ [Rockgod12]

@RockGod12

Walang live sa tv kaya nag titiis sa live stream na iba ang boses haha wala ako maintindihan sa sinasabi. Siguro abang na lang sa replay mamaya. Ganyan talaga kahit busy cp natin basta maglaro favorite team natin bibigyan natin sila ng time hehe. Oh siya mamaya muna magdaldal guys panoorin ko lang to. Gudluck sa converge na walang import sa 2nd half huhu. [Rockgod12]

@RockGod12

LUNCH Longganisa Gandang tanghali guys, ito yata yung klase ng ulam na kahit umaga, tanghali at gabi ulamin ko hindi ako mag sasawa, ganyan ko ka paborito yan si longganisa hehe. Kaso hindi pwede ganyan lagi baka maumay na kayo haha char. Oh siya tara kain tayo guys. ^_^ [Rockgod12]

@RockGod12

Pandesal at Kape Gandang morning guys, isang mainit na umaga satin. Naku alam ko nato mayang hapon uulan na naman haha kabisado na kita weather haha. Yun nga medyo maaga ako ngayon kasi hindi din naman ako gaanu nakatulog ewan ko ba kung bakit kaya total maaga pa naman bumili na lang ako ng pandesal. Nakasanayan ko nato kapag maaga ako nagigising. Tara kain pandesal guys at samahan ng mainit na kape. ^_^ [Rockgod12]

@RockGod12

Yung feeling na gusto mo sana uminom nakabili na nga ng pulots ei kaso wala pala yelo or ice cube sa ref ayun postpone haha malamang baka bukas na lang. Nakagawa na ako ng ice cube kaya malamang tuloy na yan bukas kaya ikaw piattos relax ka lang diyan wag ka aalis okey haha. Oh siya itulog na lang natin pero ako papaantok pa ako baka nood muna ng mga vid sa fb. Oh siya night na guys sa mga matutulog na, bukas naman pahinga na kayo ako na muna bahala dito hehe. [Rockgod12]

@RockGod12

DINNER Pakbet pakbet na dalawa lang gulay hehe, yan lang kasi gusto ko kalabasa at talong lang, sitaw pa sana kaso nakalimutan ko huhuhehe. May gata sana yan kaso naubusan ako sa tindahan, may nauna daw sakin nahuli lang ako ng unti huhuhaha, sayang kaya normal na pakbet lang tuloy. Oh siya kain muna tayo guys, pakabusog tayo hehe. [Rockgod12]

@RockGod12

TABA Hays ang dami kasi ng taba ng nabili kung baboy kaya ginaganyan ko siya tapos yung iba syempre papak tapos yung iba pang sahog. May gumagawa din ba sa inyo ng ganyan? nakatipid na sa mantika, naka papak pa kayo hehe. Hindi siya healthy guys pero minsan lang naman kaya okey lang yan hehe. [Rockgod12]

@RockGod12

MERYENDA Gandang hapon po, ito kakatapos ko lang maglinis ng hmmmm alam niyo na yun hehe. nakakagutom talaga kapag nagkikilos ka, hindi sana ako magmemeryenda kaso wala ei nagutom ei haha. Antagal na yan tinapay ko, ni ref ko lang pero buhay pa hanggang ngayon. tapos palaman scramble may paborito tapos yung kape na kanina pang tanghali haha. Kain po tayo guys.... ^_^ [Rockgod12]

@RockGod12

Lasang Dahon 😔😂 Mahilig ako sa kape 100% yan kaso tong kape nato lasang dahon halos hindi ko mainom haha, kaya yan hanggang ngayon parang walang bawas pero inuunti unti ko na yan haha. Tama nga sabi ni partner hindi ko yan magugustuhan haha grabe hindi ko maintindihan lasa huhuhaha. Tulong guys kayo na umubos niyan haha. Sa milktea siguro pwede yung lasang dahon pero sa kape halos hindi ko talaga mainom haha. Pero fav. to ng partner ko sarap na sarap siya diyan haha, pero ako nganga haha. Kaya last ko nato bibili na lang ng kape sa tindahan haha. Oh siya gandang hapon guys, ginagawa ko ngayon naglilinis ng bahay while iniinom yan kape na yan haha. [Rockgod12]

@RockGod12

LUNCH Dibali flex ko lang yung kape na ngayon ko lang titikman, naubos na kasi yung kape ko na stick, Ei nitatamad ako lumabas para bumili, kaya try ko naman tong kape ni partner na naiwan niya kung masarap ba. hehe Dibali ulam ko pala puro tira na lang yan. Cornedbeef na torta at gatang isda kaso wala ng isda kundi gata na lang yan haha. Tara kain tayo guys, kain na din po sa hindi pa. Gandang tanghali. ^_^ [Rockgod12]

@RockGod12

Gandang morning guys Isang mainit na araw na naman ang gumising sakin grabe ang sikat ng araw ngayon kaya yun para akong naligo ngayon nun nagising ako haha so refreshing haha char. Sobrang init grabe tumaya agad ako para mag bukas ng efan. Bago tumayo at mag prepare ng makakAin akoy magbabasa muna, andami agad ei ang sisipag niyo talaga haha. [Rockgod12]

@RockGod12

Late Dinner Done At yun nakakain na rin sa wakas, ginabi na dahil nabusog ako dun sa kinain ko kanina. Tapos nakipag sismisan pa haha nawala tuloy gutom ko haha. Pero nun ininit ko na yung ulam dun bumalik gutom ko, nakakatakam pa rin talaga tong ginataan na isda sarap kahit pang ilan init na haha. Oh siya tulugan na guys, medyo kakatapos ko lang maghugas kaya pwede na matulog, magbabawi na ako ng puyat kaya tulog na tayo mga kaibigan hehe. Goodnight guys, sweetdreams mwahhhhh. ❤️ [Rockgod12]

@RockGod12

Pampalipas ng Gutom :) hays anu na naman tong nangyari sakin haha. Nakalimutan ko hinugasan ko pala yung kaldero ng rice cooker kaya wala pala akong kanin ngayon gabi, akala ko merun haha. Kaya pag katapos ko mag tupi tumambay muna dito sa taas dahil naisip ko nga may kanin pa. Ayun nun bumaba ako bumungad sakin yung hugas na kaldero huhuhaha. Kaya bago malipasan ng gutom kain na lang muna ako niyan para hindi naman magutom ng husto. Jusme wat time na naman ako makakakain nito haha. Oh siya kain mo na ako niyan guys at medyo gutom na talaga hehe. Kain po hehe. [Rockgod12]

@RockGod12

SKL Alam ko sa iba mas mataas pa diyan, pero ako thankful na ako na may nakuha ako na ganyan kalaki kahit hindi mas mataas sa kagaya ng iba. ulit ulit ka rock bwahaha. Yun nga gusto ko lang magpasalamat sa nagbibigay dito. nakakalungkot man nangyari sa kabila atleast may pumalit naman na bagong pagkakaadikan natin kaya tuloy pa rin ang ligaya hehe. Ganun talaga parang love lang walang forever pero may one ferson na papalit para ipagpatuloy yung love na nawala huhuhaha. Haha wala naman relevant yan sa status ko ngayon kahit magkalayo kami happy naman ako sa kanya haha. ginawa ko lang yan as example haha. Nagpaliwanag talaga haha. Oh siya hapon na meryenda na kayo guys haha. [Rockgod12]

@RockGod12

Lunch Tortang cornedbeef at Kape Nakakatulong din talaga pag bbrowse sa unread ei haha nakaisip ako ng ulam ngayon. Im not sure pero yung post ni frend @Marphy na baon niya sa work parang tortang corned beef, ei sakto may tira akong corned beef kaya ginawa ko na lang torta. edi dumami pa siya hehe. Oh siya maya na kwentuhan, kain tayo guys. Sabay na sa hindi pa nakain diyan, kain tayo hehe. [Rockgod12]

@RockGod12

Like My Father Song by: JAX I wanna come home to roses And dirty little notes on Post-its And when my hair starts turning gray He'll say I'm like a fine wine, better with age I guess I learned it from my parents That true love starts with friendship A kiss on the forehead, a date night Fake an apology after a fight I need a man who's patient and kind Gets out of the car and holds the door I wanna slow dance in the living room like We're 18 at senior prom and grow Old with someone who makes me feel young I need a man who loves me like My father loves my mom Na LSS lang ako sa kanta guys kaya ni share ko lang hehe. At pampaantok na din. kakatapos ko lang magsampay tara tulugan na hehe. Goodnight sa lahat. ^_^ https://youtu.be/nUt9-PXWJ_A [Rockgod12]

@RockGod12

LABA NIGHT Sa wakas nakapag laba na din, dapat pala kagabi pa ei ang ganda ng araw kanina ang init ei. Sayang tuloy ang init ng panahon hehe. Pero okey lang mukhang iinit pa rin naman bukas parang wala naman ng bagyo. Habang naglalaba akoy kakain na din. Tara kain guys, magsikain na din kayo ha!? [Rockgod12]

@RockGod12

Pagtitirik para sa namatay: Day 2 Happy all souls day guys, araw para ng mga kaluluwa ngayon haha tama ba? Anu muzta nagparamdam naba si crush sayo? char haha. Mas uunti na lang nag tirik ngayon kaisa kahapon. Okey lang yan iba iba talaga ng paniniwala ei. ngayon naman pinagdadasal natin mga kaluluwa nila na sana nasa magandang kalagayan sila. Syempre habang magbabantay ng kandila kelangan may ningunguya hehe. Hindi pa kasi ako nagmemeryenda kaya medyo nakaramdam ako ng gutom, para habang nagsasaing hindi naman tayo gutom para hindi malipasan hehe. Gandang gabi nga pala sa lahat. [Rockgod12]

@RockGod12

Late Lunch.... Gandang hapon po, Salamat sa init ng panahon nagising ako haha. Medyo late na rin kasi nakatulog dahil nanood pa ako. Naadik na talaga sa mga tinagalog na kdrama haha. Kaya ito puyat pero nakabawi naman sa antok hapon nga lang nagising hehe. Dibali kakatapos ko lang magluto ng hotdog at magpainit ng gata na ulam ko kagabi. Tara kain tayo guys. ^_^ [Rockgod12]

@RockGod12

DINNER Sa totoo lang hindi pa talaga ako gutom kaso wala ei nakakuto nako okey lang sana kung ulam lang kaso pati kanin kaya wala magawa kundi kumain hehe. Pero nun bumaba ako para kumuha ng pagkain bigla na lang ako natakam, isa kasi tong gata sa pinaka gusto ko tapos yellow fin pa ang isda kaya masarap talaga. Kaya go nato haha. Naku puro matutulog na ang iba samantala ako kakain pa lang huhuhaha. Tara kain tayo sa gising pa guys hehe. [Rockgod12]

@RockGod12

Happy Holloween Guys... Kaugalian na tuwing 6pm dito sa maynila ang magtirik ng kandila sa labas ng bahay, sa inyo ba ganun din? Sa ilocos kasi sa partner ko wala daw ganyan sa kanila. Kaya hindi ko nilalahat na may ganyan paniniwala hehe. Syempre kasama ng pagtirik ng kandila yung pagdasal silang mga kamag anak natin na kinuha na ng diyos na sana okey lang sila kung asan sila ngayon. Sakin yung parents ko siguro okey lang sila at nakakasigurado ako diyan dahil ang bait nila magulang at kaibigan sa kanilang mga kaibigan. Kaya kampante ako kung asan sila ngayon. Sana ako din gabayan niyo mamat papa huhuhaha. Maraming problema sana malagpasan namin. Oh siya nagtirik naba ang lahat? ako yan nakatirik na at nananakot na sa inyo haha. Tapos na din ako pagdasal sila akoy magluluto at magsasaing muna. Gandang gabi guys... ^_^ [Rockgod12]

@RockGod12

3 in 1 Breakfast, Lunch and Meryenda Gandang hapon guys, late na kasi ako nagising mga mag 10 yata tapos maulan kaya pinatigil ko muna i mean wait ko muna huminto dahil yung nga aalis kasi ako para dalawin parents ko, hindi na ako kumain dahil busog pa naman ako nun. At yun pag uwi ko dami ko na gutom, napagod pa ako kasi namalengke din kasi ako parang pang alis malas ko yun baka may sumama ei haha. Buti may tirang kanin nun isang araw at kagabi yun ang siningag ko sa bagoong , tapos itlog may favorite at longganisa at sinamahan ko na rin ng kape, hindi talaga ako aabsent sa kape kahit isang araw haha. At syempre sinama ko na meryenda pagkatapos kumain may ensaimada pang kakainin hehe. Tara kain guys. Meryenda tayo hehe. ^_^ [Rockgod12]

@RockGod12

DALAW Just got home, andami kung pagod dahil papunta dun at pauwi nilakad ko lang para naman exercise na rin sakin yun, grabe dati easy lang sakin yan pero ngayon napapagod na ako need ko na talaga mag diet haha. Dinalaw ko lang parents ko sa sementeryo, medyo matagal ko sila hindi napuntahan dahil ilan taon din kami na nasa probinsiya, ngayon na andun ako sinulit ko talaga, at natutuwa ako sa kandila nila mahinahon kahit sabihin na natin mahangin dun. Hays gusto ko man kayo bigyan ng magandang bulaklak kaso anliit lang ng space hays. Alam ko naman hindi mahalaga sa inyo yun pero nahihiya lang kasi ako sa nabili ko, wala ei yung magagandang halaman dun anlalaki na hindi na kasya diyan sa lagayan niyo. Dibali ang mahalaga naman nadalaw ko na kayo at okey kayo kung asan man kayo ngayon. Amen... 🙏 Gandang hapon guys... [Rockgod12]

@RockGod12

DINNER... Corned Beef Gandang gabi guys, my ulam para ngayon gabi ay corned beef, medyo pasira na kasi yung patatas ko dito ei yan lang naman ang pwede ko lutoin na pwede lagyan ng patatas. Akala ko sira hanggang ilalim yung patatas sa may balat lang pala kaya medyo may natira pa naman haha. Sensiya na sa kulay ng corned beef medyo gusto ko kasi yung tosta ng unti hehe. Hindi naman sunog ah tosta lang siya hehe. Tara kain tayo guys. kain na din kayo sa hindi pa nakain, sabay sabay na us hehe. :) [Rockgod12]