read.cash Log in
@RickzAgripa

@RickzAgripa in September 2021

@RickzAgripa

Meryenda po tayo mga kaibigan.. Juice at Turon magandang kumbinasyon dahil mainit ang panahon .. Kung gusto nyo rin kuha nalang kayo at kung kulangin madami kaming tanim na saging , kaya lang maghihintay muna kayo hanggat sa may mahinog ulit.. haha

@RickzAgripa

Camansi(Bread Fruit) Ang tawag nyan dito sa bikol "Ugob" .. At ngayon ko lang nalaman na ang english pala nyan ay bread fruit.. hehe Hindi kasi tagbungahan ang langka ngayon yun sana ang masarap lagyan ng alimasag. kaya ito nalang nakuha namin. Magkahawig din naman kapag naluto na, kung titingnan dimu mahahalata .. Tara na po kain na muna tayo ..😊

@RickzAgripa

Magandang gabi po mga kaibigan .. Kumain na ba kayo ?.. Tara kain na muna tayo, Ulam namin sinigang na hipon at may halong kaunting malunggay. Medjo malamig kasi ang panahon tamang tama ito na may mainit na sabaw ang ulam . Maulan kasi dito sa amin kasi mayron na naman palang bagyo ..

@RickzAgripa

Maulan na hapon .. Luto na po ang meryenda, ito ang tinatawad dito sa amin na "Pinakro". Mayrong saging, gabi at cassava na halo. Niluto yan sa gata at asin lang ang lagay .. Magluluto na din kami ng para mamayang gabi kasi baka mas lalo pang lumakas ang ulan at hangin. At saka kung magbrownout .. Ingat po kayo mga kaibigan ... πŸ™

@RickzAgripa

Caladium.. Tinatawag yan dito sa amin" Natong Natong" .. ginugulay namin yung talbos nyan dti pero alam ko hindi kayo maniniwala .. hehe At ginagawa di namin na pampakain sa baboy . Madami nito sa bundok at kusang bumubuhay lang .. Sa ngayon may nakikita ako na gingawa na din nilang halaman ito at ipinagbibili .. marami din uri ng ganyan ibat ibang kulay at maganda din kasi tingnan ..

@RickzAgripa

Kain na po .. Ulam namin ngayon Sinabawan na Native na Manok at may halo na Camansi. Yung kakilala kasi namin binigyan kami ng manok, ang sabi nya alagaan daw namin at paramihin ..Kaya ang ginawa namin hiniwa ng tamang tawa lang ang hiwa. Yun nga ang bilis nyang dumami .. hahaha HAPPY SUNDAY EVERYONE.. Kain na din po kayo .. 😊

@RickzAgripa

Yan malapit ng mahinog yung Rambotan na tanim namin sa likod ng bahay. Unang pagbunga kasi ito kaya kaunti lang yung bunga . Pero ok na din kasi hindi na namin kailangan na bumili .. hehe Ang saya kasi maraming taon din ang hinintay namin para mamunga ito. At saka mahirap din kasi magpatubo nito , madami din kaming tinanim pero ito lang ang nabuhay ..

@RickzAgripa

Magandang hapon mga kaibigan.. Sobrang lakas ng ulan ngayon dito sa amin at sobrang lamig .. naulanan kasi ako pagpauwi ko galing trabaho. Buti nalang pagdating ko may niluto na macaroni soup, kaya tamang tama pangpatanggal ng lamig .. hihi Tara po meryenda muna tayo ..

@RickzAgripa

Mayron akong nakita na puno ng kahoy, kaya inakyat ko at pinutol ko yung sanga para makunan ko ng larawan. Hindi ko alam kung ano ang pangalan nito. Wala kasi ako masyado alam sa mga panhalan ng halaman .Yung dahon nya kulay puti akala ko bulaklak .. hehe Kayo po alam nyo ba kung anu ito?

@RickzAgripa

Happy Sunday sa inyong lahat .. Oras na naman para kumain, at dahil linggo ngayon kailangan na masarap ang ulam. Naalala ko nung bata pa ako sobrang hirap talaga ng buhay namin. At tuwing linggo lang talaga kami nakakatikim ng masarap na ulam .. hehe Native na manok ang ulam namin ngayon tawag sa luto na yan "Tinutongan" sa gata .. At kahit araw araw ganito ang ulam, hindi nakakasawa kaysa sa binibili na manok sa palengke ..

@RickzAgripa

Berba Ang asim naman pala nito akala ko kasi hinog kasi kulay yellow na kaya pinitas ko na .hehe Ang hilaw nito kulay green naman . Pero ang hinog pala nito dapat kulay orange .. Ngayon lang kasi ako nakasubok nito kaya hindi ko alam, ganon talaga kapag ignorante .. hahaha

@RickzAgripa

Happy Lunch time po mga kanoise at mga kaibigan Kumain na ba kayo? Wala akong maisip na ipost ngayon kaya magkukwento nalang ako .. 🀭 Naniniwala ba kayo sa sabi-sabing kapag nahulog yung kutsara o kaya tinidor ay mayrong dadating? Kapag kutsara babae ang dadating at kapag tinidor naman lalaki .. Nung kakain na kasi ako nahulog yung kutsara, napaisip ako kung sino ang dadating. At natawa ako kasi yung malaki pang kutsara ang nahulog. Yun nga maya maya dumating yung fiancee ko…

@RickzAgripa

Pritong Tilapia with crispy fry.. Ngayon lang namin ito natry gawin sa Tilapia. Okay plan siya, mas malasa at masarap. Mas maganda rin kasi hindi gaanong matalsik ang mantika habang piniprito. Hindi ko kinailangan na magmukhang astronaut para lang maprotektahan ang sarili ko sa talsik ng kumukulong mantikaπŸ˜‚πŸ˜‚

@RickzAgripa

Butuan(Cultivated Banana) Mayron po ba sainyo nito? Sa bundok lang ang mayron nito .. hehe Ang tawag sa amin nyan ay "Pakol". Matamis din ito kaya lang tyagaan lang talaga ang pagkain kasi puro buto at medjo masakit din sa panga.. haha Nagpost na ako nito dati pero hilaw pa, ngayon naipakita ko na kung anu ang klase ng hinog nito .. Di ko lang alam kung yung iba ay kumakain din nito .. πŸ˜‚

@RickzAgripa

Kapag ganito ang ulam, siguradong kamayan ang labanan. Bihira lang kami gumawa ng ganito, medjo matagal din kasi gawin. sinipag lang ako mag ihaw ngayon. Bakit kaya masarap kumain ng nakakamay, siguro dahil naghahalo yung dumi ng kamay sa kinakain. Nakukumpleto yung timpla .. hahaha Magandang gabi sainyo mga kaibigan .. Tara kain muna tayo ..